Tulala akong nakatitig sa salamin. Habang inaayos ni Natalia ang buhok ko ay naglakbay ang utak ko sa kung ano ang mangyayari mamaya sa akin. Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat? Wala na ba talaga akong ibang magawa? Kung pagtakas lang naman ang iisipin ko ay sa totoo lang ay hindi ko alam kung magagawa ko ba iyon ng maayos. Baka sa kalagitnaan pa lang ng pagtakbo ko ay nadakip na ako ng mga tauhan ni Kalbo. Napasulyap ako sa aking likod. Nasa pintuan mismo ang paningin ko at sa labasan niyon. Bumagsak ang balikat ko nang makitang may dalawang armadong lalaki roon na nagbabantay sa amin. "Mahihirapan ka sa ginagawa mo," pagpukaw ni Natalia sa atensiyon ko. Napatingin ako kanyang rebulto sa malaking salamin. "Ano kamo?" Tinigil nito sa pagsusuklay sa buhok ko. Kagaya ko ay tumin

