PROLOGUE

362 Words
Kakaibang kaba ang naramdaman ni Kind nang mapansin ang dalawang lalaki nakatayo sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Ilang linggo na din siyang palipat-lipat ng inn na tinutuluyan. Kung hindi sa mga motel ay sa mga village cabin siya nagtatago. Parehas matangkad ang dalawa at nakasuot ng itim na coat. Kahit madilim sa labas, at kahit malakas ang hanging panggabi na may dalang nyebe, alam niyang sa bintana niya nakatingin ang mga ito. Maingat niyang isinara ang kurtina ng bintana kung saan nya sinisilip ang mga ito. Pagkatapos ay dali dali niyang kinuha ang kaniyang maleta. Maliit lamang iyon at iilang pirasong damit lamang ang laman. Halos lahat kasi ng gamit niya ay naiwan sa kaniyang bahay noong gabi na tumakas siya. Hindi na niya inaalis ang mga damit niya doon. Kinuha niya ang sling bag niya na naglalaman ng natitira niyang pera at ilang mahahalagang dokumento. Naroroon din ang cellphone niya ngunit hindi na niya iyon binubuksan magmula nang makakuha siya ng sunud-sunod na death threats doon. Nang nasigurado niyang wala na siyang naiwan na mahalagang gamit ay isinuot niya ang pinakamakapal niyang coat dahil nagkakaroon daw ng snowstorm ngayong gabi ayon sa balita. Ayaw niyang iyon ang maging dahilan ng kamatayan niya. Nakaligtas nga siya sa mga lalaking ito, ngunit ang lamig naman ang kumuha ng buhay niya. Maingat siyang lumabas ng kuwarto. Ni-lock ang pinto, at nilusot sa siwang sa ilalim niyon ang susi. Isinuot niya ang itim na mask na tumabing sa kaniyang bibig at ilong, pagkatapos ay siniguradong natatakpan ng hood ng kaniyang coat ang ulo. Malakas ang kabog ng dibdib niya nang madaanan ang dalawang lalaki na nakatalikod sa direksyon niya. Abala ito sa pagkausap sa isang matandang babae na nasa desk na siyang nag-aasikaso ng mga nagche-check in sa inn na iyon. Nag-uusap ang mga ito sa lengguwaheng Russian. Humigpit ang hawak niya sa maleta at binilisan ang lakad. Binilisan niya ang lakad hanggang ang lakad na iyon ay naging pagtakbo. Ang tanging nasa isip niya ay makaalis sa lugar na iyon. Itinago siya ng dilim ng gabi at ng malamig at malakas na hanging may nyebe mula sa mga nagtatangka sa buhay niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD