ONE

1974 Words
"Oh, good Lord." Sunud- sunod ang palatak ni Kind nang makita ang isa na namang envelope sa mailbox niya. Katulad iyon ng ilan pang envelope na sunud-sunod din niyang natanggap ngayong linggo ngunit iba-iba lamang ang pangalan ng sender. All of them pertains to her deceased mother's debt- na ngayon lamang niya nalaman! Ilang taon na din silang magkasamang namuhay ng mama niya sa iba't-ibang parte ng Russia.  Kind never really understand her mom whenever she tells her that they need to moved. Pinakamatagal na ang isang taon na paninirahan nila sa isang lugar. Ilang community schools ang napasukan niya hanggang sa pagtatapos ng kolehiyo. Kaya naman natutunan na din niyang huwag maattach sa mga taong nakikilala nila sa tuwing lumilipat sila ng tirahan. Dahil alam niyang hindi din naman magtatagal ang pananatili nila sa isang lugar. After graduating grade school, she never made friends with anyone anymore. There's only one friend whom she kept her communication with. Mahal niya ang Mama Ekaterina niya, at alam din naman niyang mahal siya nito kahit pa minsan ay nasosobrahan ito sa pagiging overprotective. Masikreto din ang mama niya. Wala itong nababanggit na kahit isang kaibigan nito ngunit madalas niya itong makita na may kausap sa telepono sa loob ng kwarto noong nabubuhay pa ito. At sa tuwing tumatawag kung sino man ang kausap ng mama niya, kinabukasan ay kailangan na nilang lumipat ng tirahan. She never questioned her Mom. Kahit pa noong nag aagaw buhay na ito sa sakit sa puso ay hindi niya ito nagawang kuwestyunin. She cried, but only until her Mom's funeral. Alam niyang gusto ng mama niya na maging malakas at matatag siya. Pagkatapos ma-cremate ang mama niya ay pumasok agad siya kinabukasan sa trabaho. Now that her mom's gone, she need to survive alone. Ngunit ngayon ay nalilimas na din ang ipon niya bilang wedding organizer. Paunti- unti iyong nauubos dahil sa mga utang ng mama niya na kailanman ay wala siyang kaide-ideya. Her mom was working for the government. Nagretiro lamang ito noong makagraduate siya ng high school at naging freelance online tutor. May nakukuha itong pensiyon kaya kahit nagretiro na ito, kailanman ay hindi sila nagkaroon ng problemang pinansiyal. Kaya naman akala niya ay sobra sobra pa ang kinikita nito para sa kanilang dalawa. Their kitchen cabinet's always full of stocks and their bills are always paid on time. At noong magkatrabaho pa siya ay mas gumaan ang buhay nilang mag-ina. She never thought that her mom is in huge debt. She never thought na ang kagaan sa buhay na nararamdaman niya noon ay biglang magbabago ngayon. At ang hindi pa niya alam ay kung saan ginamit ng mama niya ang lahat ng salaping inutang nito. Mom, what have you done? Where did you bring all that money? What am I going to do now? She is really trying hard to keep her cool these days. Ang iba nitong utang ay nabayaran na niya gamit ang savings na iniwan nito sa kaniya pati na ang kalahati ng sarili niyang ipon. Ngunit hindi pa din nauubos ang mga envelope na sunud-sunod pa kung dumating. She sighed. Kung marunong lamang siya magmura ay baka ginawa na niya. But she really doesn't want to stain her name. Her name is really important to her. It was the only memory she has from her dad. Kind Liliya Belmesova She was four when her dad left. She's 28 now, at sa tagal ng panahon ay nalimutan na niya ang mukha nito. Wala din silang larawan nito. Sabi ng mama niya ay naiwan nila iyong lahat sa dati nilang bahay noong unang beses na lumipat sila ng tirahan. She was only five then, samantala ang mama niya ay naging sobrang abala sa pagtratrabaho. According to her mom, he also works for the government as an ambassador. Sa trabaho daw nagkakilala ang dalawa at siya ang naging bunga. Kaya nga lamang ay nagkaproblema daw ito sa trabaho at ilang dokumento na kailangan upang makabalik ng Russia. Kaya naman tuluyan na itong hindi nakabalik. At dahil mahirap at mahigpit ang pakikipagkomunikasyon sa bansa nila patungo sa ibang bansa, paggraduate din niya ng highschool ay tuluyan ng naputol ang komunikasyon nila sa kaniyang ama. Hanggang ngayon ay nakatago pa din ang mga sulat nito sa kaniya na wala namang return address. Isang beses lamang sa isang taon ito kung sumulat noon. At miski isa sa nga iyon ay hindi siya nakasulat pabalik dahil sa kawalan ng return address. Her dad is actually a Filipino-Russian. Belmesova is her mother's maiden name. Nang magsimula silang lumipat ng tahanan ay hindi na pinagamit ng mama niya sa kaniya ang tunay niyang apelyido. Sinimulan niyang buksan ang mga envelope at halos lahat ng mga iyon ay nagsasabing lagpas na sa due date ang utang sa salitang Russian at bibigyan na lamang siya ng palugit upang mabayaran. Kung hindi ay ang mga ari-arian nila ang magiging kapalit. Nanggaling sa iba- ibang bangko ang mga iyon. Mayroon ding nanggaling sa mga small lending company at hindi na niya alam kung legal ba o hindi. It seems like her mother is loaning money from different people and different banks. Ang iba ay maliliit na halaga lamang na kaya pang bayaran ng natitira niyang savings. Ngunit may iba din na nakakalula at hindi niya malaman kung saang kamay ng Diyos niya kukunin. Sinimulan niyang ihiwalay ang mga envelope na babayaran niya sa mga hindi pa at sinimulang tawagan ang mga numero doon. This is going to be a long day...  Says her mind. Pagkatapos niyon ay muli niyang chineck ang saving balance niya mula sa kaniyang cellphone. She sighed. Sasapat na lamang ang perang iyon para sa pangkain niya ng isang buwan. Kailangan pa niya ng pambayad sa bills. Marahas siyang napahiga sa maliit niyang sofa. How did her life get so messed up? Iyon ang tanong na nagsisirkulo sa isip niya. At one point, everything's alright and smooth. And now, it seems like everything's falling into a pit hole. "What should I do?" mahinang tanong niya sa sarili. Now that the small firm where she she is currently working announced yesterday that the firm's about to go down, she is also in the verge of losing her job. Gusto niyang hatakin ang sariling buhok dahil sa frustration. Gusto niyang umiyak, ngunit wala din naman iyong magagawa sa sitwasyon niya ngayon. So, she pulled herself together. Tinampal pa niya ang magkabilang pisngi upang matauhan. Maybe a hot bath on this cold weather will help her ease her mind for a little while. Ngayon kasi ang unang linggo nang magsimula ang winter season sa bansa. Pinilit niya ang sarili na tumayo nang masagi ng mga mata niya ang isang maliit na envelope na natatabunan ng mga malalaki. Kumunot ang noo niya at kinuha iyon. Kulay itim iyon at may stamp na gold wax na may kakaibang simbolo. Isang Cypress iyon at isang Higanbana na nasa loob ng isang bilog at magkapulupot ang tangkay. A greek flower that represents death and a japanese flower that represents final goodbyes. Sa tinagal-tagal niyang nagtratrabaho bilang wedding organizer ay nakita na niya ang halos lahat ng klase ng bulaklak. Sa ilalim ng dalawang bulaklak ay may initials na I.C. Binuksan niya ang envelope. May maliit na card doon at tuyong bulaklak ng Cypress at Higanbana na magkapulupot nga ang tangkay gaya ng simbolo sa labas nito. We are coming for you. I.C. Iyon lamang ang nakasulat sa maliit na card. Lalong kumunot ang noo niya. Walang nakasulat kung saan nanggaling iyon. Ni wala din doon ang address niya. What is this? An invitation card? Maybe the mailman delivered it to the wrong house. Ibinalik niya ang card at tuyong bulaklak sa loob ng envelope at basta inihagis iyon sa center table. Mamaya na lamang niya iyon iaayos para bukas ay itatanong niya sa kapitbahay niya kung kanila ang itim na envelope. She head into the bathroom. Right now, all she need is a warm, satisfying bath. "f**k!" Cruel grunted. Kung maaari lamang talaga ay pinatay na niya ang nakatatanda niyang kapatid. Itinapon niya sa basurahan sa loob ng banyo ang makulay na wig na sapilitang ipinasuot sa kaniya ng walanghiya niyang Kuya Chase. He is currently in Mansion Buenavista, the mansion built on the middle of Isla Buenavista which is owned by his Kuya Trail. Cruel Buenavista owns a restaurant on the neighbor island-- na labag sa loob niyang iniwan nang hatakin siya ng walanghiya niyang kapatid at dinala sa mansion na iyon para lamang maging clown. Ayon sa Kuya Chase niya, kailangan daw nilang pasayahin ang "prospect girlfriend" ng Kuya Trail nila. Tumaas lamang ang sulok ng labi niya sa pagkadisgusto. His brother is now taking baby steps and trying to make a girl happy. While here he is, wiping his face in front of the mirror, still thinking if love is really necessary and beneficial. Beneficial. The only word that can describe his whole life. He never do things that he hundred and one percent know he'll never benefit from. Friends should be beneficial. Business partners should be benificial. He is not the type if person who'll take risks lalo na kung alam niyang wala siyang mapapalang maganda doon. "That actually looks good on you." Nakangisi sa kaniyang sabi ng Kuya Chase niya.Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at magka-krus ang mga braso. Gusto niyang burahin ang ngisi nito. "f**k you." He growled on his brother's reflection on the mirror. Tumawa lamang ito. Nang matagumpay niyang mabura ang pampayasong make-up ay lumabas siya ng banyo. Nilagpasan niya ang kapatid at dumiretso sa walk-in closet. He tried to unzip the clown suit. Ngunit hindi niya maabot ang zipper niyon na nasa likuran. He grunted and tore it off. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang itim na pants at gray na t-shirt at sinuot ang mga iyon. Mabuti na lamang at kahit wala namang ibang bumibisita sa Mansion Buenavista ay may mga spare na damit at toiletries pa din ang mga guest room niyon. He really doesn't want to go back to his restaurant on the neighborhood island with that hilarious suit on. Isinuot din niya ang pambahay ba tsinelas na nandoon at lumabas na mula sa closet. Naabutan niya ang Kuya Chase niya na prenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng mga magazine na nandoon. Hindi pa rin pala ito lumalabas. "Well, look at you lookin' like a normal freakin' person." Ibinaba nito ang magazine. "Una na ako. My restaurant needs me." Akmang tatalikuran na niya ang kapatid. "Can you see yourself getting married in the future?" Chase asked him out of the blue na nagpatigil sa kaniya. "No." Walang kaabug-abog niyang sabi. Yes, he is turning 30 this year, at dahil ang edad nilang magkakapatid ay halos pawala na sa kalendaryo, their mom, Mommy Tinah, is pressuring them to get married. Well, Cruel understands her mom. He is just the best mom everybody could ever wish for. At ayaw lamang nitong tumanda silang walang kasama sa buhay. But he just can't. "And you?" balik-tanong niya sa kapatid. "No. I'm going back to Manila." Kasalukuyan kasi silang nasa Palawan. "I'll be teaching again, and hopefully, wag na ako kulitin ni mommy about this." Lagpas isang taon na din nang magsimulang tumulong ang Kuya Chase niya sa pagma-manage ng Isla Buenavista, but he is really a teacher and a lawyer. At kahit matalino ito, he tend to get bored on things so easily. And he has a problem managing his emotions. "O malay mo, makahanap talaga ako ng babaeng makakatiis sa ugali ko," naging seryoso ang ekspresyon nito. "Well, that'll be good for you," he commented. Tinalikuran na niya ito. "But marriage is a hundred and one percent not beneficial to me. Hindi ko kailangan ng babaeng iintindi sa ugali ko." Iyon lamang ang sabi niya bago ito tuluyang iniwan. ----------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD