TWO

2236 Words
Marahas na ibinagsak ni Kind ang katawan sa sofa. Natitigan niya ang itim na envelope na natanggap niya kahapon. Halos naipagtanong-tanong na niya ang sa lahat ng kapitbahay niya kung kanino ang itim na sobreng iyon ngunit 'hindi' ang sagot ng mga ito. Itinapon niya iyon. Lumusot ang sobre sa ilalim ng mababang drawer kung saan nakapatong ang mga larawan nila ng mama niya. Napapalatak siya. Pinahirapan lamang siya ng sobreng iyon. Napakalamig pa naman ng panahon. Hinubad niya ang suot na coat at isinabit iyon sa likod ng pintuan. Sinigurado din niyang nakabukas ang heater bago nagtungo sa kusina upang magluto ng tanghalian.   It wasn’t a very busy day for Kind. Umikot na naman ang buong araw niya sa pag-withdraw at pagbadyet ng lahat ng natitira niyang pera. Ilang beses din siyang naghanap ng bagong mapapasukang trabaho sa diyaryo at sa ilang news column sa internet. Inaasahan na kasi niya ang kahihinatnan ng kasalukuya niyang trabaho. Alam niyang malaki ang tyansa na tuluyang matapos ang pagiging wedding organizer niya at hindi naman niya puwedeng hayaaang mangyari iyon nang wala man lamang siyang back-up na source of income. Kung hindi ay paniguradong sa lansangan siya pupulutin.   Ngunit siguro ay naubos na ngang talaga ang suwerte niya. Dahil sa lahat ng tinawagan niyang numero ng mga firm na may “wanted” sa diyaryo ay wala ni isa ang nagpaunlak sa kaniya. Kung hindi “tapos na ang interview” ay nakakuha na raw ang mga ito ng sapat na empleyado.   “Argh!” She frustratedly pulled her hair. Parang masisiraan na siya ng bait. Naiyukyok na lamang niya ang ulo sa center table. At nang maiangat niya ang mukha ay sa nakangiting larawan ng Mama Ekaterina niya tumama ang kaniyang tingin. Nakapatong ang larawang iyon sa drawer hindi kalayuan sa kung nasaan siya.   “Mama, what should I do?” Dumako ang tingin niya sa drawer mismo. Pumasok bigla sa isip niya ang dati niyang laptop na matagal na rin niyang hindi nagamit. Naalala niya na itinago nga pala niya iyon sa drawer at namilog ang mga mata nya sa ideyang naisip. “Thanks, Ma.” Agad niyang nilapitan ang drawer, binuksan iyon, and there, she saw her old laptop na agad din niyang kinuha. She kissed her mom’s photo, saka iyon inayos ng pagkakapatong.  Thank God. It’s still perfectly working.   Sinimulan niyang gumawa ng resume at application letter at isinumite iyon sa iba’t-ibang firm at kumpanya. She also took some photos of her laptop and posted it on an online marketplace. Sigurado kasi siyang kung hindi niya iyon ibebenta ngayon ay magiging kolateral lamang iyon sa utang. Wala pang kalahating oras ang nakalilipas nang may magpadala sa kaniya ng mensahe online. Isang college student iyon na nais bilhin ang laptop na kaka-post lamang niya.   Nakipagpalitan siya ng mensahe sa estudyante. Nakipagnegosasyon. Nagbigay ito ng address kung saan sila magkikita. Mabuti na lamang at alam niya ang landmark na ibinigay nito. Malapit lamang iyon sa bahay niya at kayang-kayang lakarin. Mabilis niyang inilagay ang laptop at iba pang accessories laptop bag niya, kinuha ang kaniyang coat at nagmamdaling umalis.   Everything went pretty smooth. Mabait ang babaeng nakabili ng laptop niya. And she also sold it for a reasonable price. Dahil doon ay wala na siyang proproblemahin sa paghahanap ng pera pangkain sa loob ng ilang linggo. She even called her friend Hiraya to tell her the good news and invited the girl to her place. Sinabi naman nito sa kanya na agad itong pupunta. Abot tainga tuloy ang ngiti niya habang naglalakad pabalik sa kaniyang bahay.   Ngunit agad din palang mabubura ang ngiti na iyon. Dahil ilang metro na lamang ang layo niya sa kaniyang bahay nang mamataan niya ang ilang kalalakihan na isa-isang inilalabas ang mga gamit niya. Agad siyang napatakbo papalapit sa mga ito at hinarangan ang daanan.   “Teka, sino kayo at saan ninyo balak dalhin ang mga gamit ko?” kumpronta niya sa mga ito sa wikang Russian. Pinanatili niyang kalmado ang sarili. Ayaw na ayaw din naman kasi niyang idadaan sa init ng ulo ang mga ganitong bagay. Dalawang lalaking nakaitim na business suit ang humarap sa kaniya. Magalang siyang binati ng mga ito at sinimulang ipaliwanag sa kaniya ang nangyayari. The bank is seizing her things as collateral to her mother’s debt. At dahil naiwan niyang nakabukas ang pintuan, inakala ng mga ito na abandonado na ang bahay niya, dahil na rin namatay na nga recently ang mama niya at hindi naman alam ng banko na may anak pala ito.   Hindi naman na bago sa kaniya ang isang katerbang utang na iniwan ng mama niya. At inaasahan na din niyang mangyayari ang bagay na ito. Ang hindi niya inaasahan ay ang bilis ng pangyayari. Buong akala niya ay makakapagbayad pa siya dahil sa palugit na ibinigay ng mga ito. Ipinaliwang din sa kaniya ng mga ito na kalahating taon na palang due ang utang. Kaya sa huli ay wala siyang nagawa. Hinayaan na lamang niyang bitbitin ng mga ito ang ilang mahahalaga niyang gamit at appliances. At nang iabot niya sa mga ito ang titulo ng kaniyang lupa ay pinigilan niyang maiyak. Ngayon ay may labing-limang araw na lamang siyang palugit upang umalis sa bahay na iyon na katas ng pagod niya, at humanap ng ibang matitirhan.   Nang makaalis ang mga ito ay halos mawalan siya ng lakas. Napaupo na lamang siya sa sahig, nayakap ang mga tuhod, at naisiksik ang mukha sa pagitan ng mga braso na para bang isang batang inaway ng mga kalaro. One minute, she’s in bliss and another she’s on the floor, embracing her knees in sadness and frustration. Alam niyang iyon ang isa sa mga pagkakataon na dapat siyang umiyak. Ngunit imbes na umiyak ay napangiti siya. She’s getting crazy, isn’t she? Dahil baliw lamang ang ngingiti sa sitwasyon na kinahaharap niya ngayon.   But she really smiled. Hanggang sa ang ngiting iyon ay nauwi sa halakhak. Unti-unting gumalaw ang balikat niya sa pagtawa. And when she tilted her head, she got the expression of a triumph. “AT LEAST THEY DID NOT SEIZE MY LAPTOP!” She joyously screamed. Halos umalingawngaw iyon sa buong kabahayan.   She pulled herself together. Tinampal-tampal niya ang magkabilang pisngi. Hindi ito ang panahon para mabaliw siya. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang hindi pulutin sa lansangan. Kaya naman nag-umpisa siyang maghalukaykay sa buong kabahayan. Hinanap niya ang lahat ng mga sulat, bills, at mga bank notice na naitago ng kaniyang ina at inipon ang lahat ng mga iyon sa sahig. Wala nang natirang kagamitan sa salas niya. Kasama sa mga naging kolateral ang sofa, center table, ilang drawers, at maging ang telebisyon niya. Ang toaster at iba pang appliances ay wala na rin, ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay ang pagkawala ng titulo ng bahay na iyon. Ang ref at heater na lamang ang natira. Mabuti nga at napakiusapan niya ang mga ito na itira ang heater. At least she won’t die in cold.   Nakita niya sa tambak ng mga sulat ang sobre na naglalaman ng bank notice ng mga agent na kumuha ng gamit niya. At gaya nga ng sabi ng mga ito, kalahating taon nang due ang utang na kaniyang ina, at hindi siya makapaniwala na umabot ang halaga niyon sa halos kalahating milyong piso. She breathed as if meditating. Okay, so nabayaran na niya ito through her house and lot. Bukod doon ay wala nang iba pang lumang notice. Mabuti naman. Because she’s getting fed up of everything. Wala naman siyang magagawa kahit magalit pa siya sa yumaong ina. Ngayon ang kailangan na lamang niyang bayaran ay ang mga bagong bank notice na kahapon lamang dumating.   Now, she’s starting to hate surprises. Especially if those surprises include her getting kicked out of her house.   Calm down, Kind... She steadied her breathe.     Hindi na niya namalayan na nagkukulay-kahel na pala ang langit sa labas dahil sa tagal niyang nakatulala. Papalubog na ang araw, patapos... At kahit patapos na iyon ay wala siyang naramdamdamang gutom. Stress made her lose her appetite. Isa-isa niyang sinunog sa labas ang mga lumang sobre. Tila kaunti na lamang ay mato-trauma na siya makita lamang ang mga iyon. That's when she saw a pink envelope. Floral iyon. Mga rosas ang disenyo-- ang paboritong bulaklak ng mama niya. Sealed pa ang sobre, at ang petsa na nakalagay sa labas niyon ay petsa isang buwan bago tuluyang mamaalam ang kaniyang ina.     Umupo siya sa isang baitang na hagdan sa harap ng bahay niya at doon binuksan ang sobre. And to her surprise, it was her mother's handwriting and the letter was addressed to her. But what's more surprising is that almost sixty percent of it was written in Filipino. Ang lengguwaheng akala niya ay hindi kayang bigkasin ng mama niya. Her mother was a pure Russian. At sa tinagal-tagal nilang magkasama noong mga panahong nabubuhay pa ito ay ingles o Russian lamang ang ginagamit nito sa tuwing nakikipag-usap sa kaniya.   Nang magsimula silang magpalipat-lipat ng tirahan noon, hindi lamang apelyido niya ang ipinagbawal ng kaniyang ina na gamitin. Kundi maging pagsasalita sa Tagalog. But she still learned it anyway, sa tulong ng nag-iisa niyang kaibigan, si Hiraya, na isang Filipino. Since her long lost father is a Filipino-Russian, pinag-aralan niya ang diyalekto upang mabasa ang ilang sulat nito.     Anak, Sigurado akong wala na ako sa tabi mo sa mga oras na binabasa mo ang sulat na ito. I know, you are confuse right now. I know you are facing confusing things right now, at kasalanan ko iyon. Sana'y mapatawad mo ako sa lahat ng mga sikretong hindi ko nagawang sabihin sa iyo. Wala akong lakas ng loob, anak. Ngunit hindi magtatagal ay malalaman mo rin ang lahat ng iyon. Dahil walang lihim ang hindi nabubunyag. You've become the woman I raised you to be. You are kind as your name. You have a pure heart, a talented soul, and you deserve all the happiness in this world. And the first step to that lies behind our one and only photo together. I will be guiding you on journey. Mahal kita, anak...   Ekaterina.   Sunud-sunod ang naging pagbagsak ng mga luha niya. Kind's mom was never open about her feelings. Ni hindi niya matandaan ang pagkakataon na sinabihan siya nito ng tungkol sa pagmamahal nito sa kaniya. Her mom was always quiet. Nakangiti kapag masaya, nakasimangot kapag malungkot. She never new how fulfilling 'I love yous' are, until now.   "Mahal din kita, Mama." Pinunasan niya ang mga luha. Kailangan niya malaman kung ano ang nasa likod ng larawan na tinutukoy ng kaniyang ina. Bitbit ang sulat ay muli siyang pumasak sa bahay at hinanap ang nag-iisang larawan nila nang magkasama. And she found it lying on the floor. Katabi ng itim na sobre na ibinato niya kaninang umaga. Ang drawer kasing pinagpapapatungan niyon kanina ay kasamang kinuha ng mga ahente ng bangko kanina, kaya naman ang larawan nilang nakapatong doon ay nagkalat na ngayon.     Pinulot niya ang lumang larawan at inalis sa frame. Kuha iyon sa isang studio. Nakaupo ang mama niya, nakangiti sa kamara, at kalung-kalong siya nito sa hita. Mukha pang dalaga ang kaniyang ina, at sa pagkakaalam niya ay isang taong gulang pa lamang siya doon. Halos mapaawang ang labi niya nang makitang nakatupi pala iyon sa kalahati. At tumambad sa kaniya ang nakangiting mukha ng isang lalaki na may kalong din na isang batang lalaki na nasa edad apat o limang taon. All this time, larawan pala iyon ng isang masayang pamilya.   Could it be...? Ito ba ang kaniyang ama? Sa tagal ng panahon ay hindi na niya matandaan ang hitsura nito. Her parents looked happy together. At sino ang batang lalaki? Her brother? But she didn't know that she had one. And her mother never told her. Why? Why does she didn't tell me? Sunud-sunod ang pagpasok ng mga katanungan sa isipan niya. Mukhang mas malaki pa ang misteryo ng pamilya nila kaysa inaasahan niya.   She decided to flip the photo over.   Lauro San Esteban Treb Ylop San Esteban   At sa baba ng mga pangalang iyon ay may nakasulat na isang espisipikong address sa Pilipinas at telephone number. Namilog ang kaniyang mga mata. San Esteban... her real surname. Lauro. She recognized her father's name. Is this her mother's way to tell her to get some help from her father? Then maybe this Treb is really her brother. I have an older brother, for pete's sake! Her heart leapped in excitement. She needs to see them as soon as possible.     "Hand it over to me."     Nabitawan niya ang frame nang marinig ang hindi kilalang boses mula sa likuran niya. Nagkabasag-basag ang salamin niyon. Ang excitement na nararamdaman niya kani-kanina lamang ay napalitan ng takot at kaba.  Isang lalaking nakaitim na suit at slacks ang nakita niya, kagaya ng suot ng mga ahente ng bangko kanina.     But her gut tells her that this isn't a bank agent. This man screams danger. Walang emosyon ang mga mata nito. Napaatras siya. "Who are you? How the hell did you get in?" tanong niya na pinilit itago ang kaba sa boses. But the intruder did not answer her questions. Instead, he slowly come to her, na lalo niyang ikinaatras. Wala siyang kalaban-laban. Humigpit ang hawak niya sa larawan.   God, please help me…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD