THREE

1722 Words
Namumuo ang malamig na pawis sa noo ni Kind. Gumapang ang kaba sa buong kalamnan niya. “Hand over the photo to me.” She felt intimidated and scared by his lack of emotion. “Do not come any closer or I’ll scream,” pagbabanta niya. Kahit pa alam niyang hindi naman siya matutulungan ng pagbabantang iyon. Dahil imbes na matakot ay mas lalo pa itong humakbang palapit sa kaniya. At bago pa siya makasigaw ay hayun na ang lalaki, nakataas ang isang kamay sa likuran niya. Ang huli na lamang niyang naramdaman ay ang pagtama ng gilid ng palad nito sa batok niya at ang pagbagsak ng katawan niya sa malamig na sahig… *** Unti-unting iminulat ni Kind ang mga mata. How long has she slept? She adjusted her vision. Blurry pa kasi iyon. Ang ilaw kaagad ng kuwarto ang nakita niya. She groaned. Masakit ang katawan niya lalo na ang kaniyang batok. What the hell happened? Mabilis na bumalik ang ala-ala niya sa nangyari: ang hindi kilalang lalaki, ang pagpupumilit nito na makuha ang larawan ng pamilya niya, at ang pagbagsak niya sa malamig na sahig. Napabalikwas siya. Where on earth is that man? Iginala niya ang paningin. Nasa loob na pala siya ng sariling kuwarto. “Hey,” doon niya napansin si Hiraya na nakaupo sa single sofa sa tabi ng kama niya. May blanket sa hita ng kaniyang kaibigan. Mukhang dito na rin ito sa kuwarto niya natulog. “Nightmare?” tanong nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya. “How long have you been in here? At gaano katagal akong nakatulog?” “I was here since yesterday night and you basically slept all night,” saglit itong nag-inat bago namilog ang mga mata na tila may naalalang kung ano. Sinipat-sipat siya nito. “Hey, may masakit ba sayo? Ulo mo? Braso? Likod? Anything?” “Nothing,” tipid na sagot niya. Bukod sa masakit niyang batok ay wala naman nang masakit sa kaniya. At parang ayaw niya sabihin sa kaibigan ang iniinda niyang sakit ng batok. “Whew. Thank goodness. I was really worried when I saw you lying on the floor. I thought you were dead, for Pete’s sake! Turns out it was overfatigue when I examined you.” Hiraya is actually a pediatrician. Mayroon itong sariling clinic sa St. Petersburg na malapit lamang din sa apartment kung saan ito nakatira. Habang siya naman ay nakatira sa countryside. Minsan ay dumadalaw siya sa clinic ng kaibigan para makipaglaro sa mga bata doon. Ilang beses na din niya sinamahan ang kaibigan sa mga orphanage kung saan ito nagbibigay ng libreng check-up sa mga bata. Her friend is actually a mortal angel. “You saw me lying on the floor?” Tanong niya. “Yes. Saktong kakatok pa lamang ako sa pintuan ng bahay mo nang may marinig akong malakas na kalabog. Parang may nalaglag na kung ano. I started to get worried. I called your name for multiple times and you did not answer. So I just decided to use our old technique,” ang tinutukoy nitong old technique ay ang pagbubukas nila ng doorknob gamit ang bobby pin. Magmula yata elementary ay hindi sila nawawalan ng bobby pin sa bag o bulsa. Madalas din kasi silang tumambay sa bahay ng isa’t isa noon tuwing napapaaga ang uwi mula sa eskwela. At dahil parehas silang walang spare key ay iyon na lamang ang ginagawa nila. Parehas gabi na umuuwi ang mga nanay nila galing trabaho. Katulad niya, hindi din nakilala ni Hiraya ang ama nito. “That was when I saw you unconscious. It looks like you passed out of hunger. You did not eat anything yesterday, did you? Takot na takot pa ako dahil ang gulu-gulo ng bahay mo. Para kang nilooban ng mga masasamang tao.” Kitang-kita nga niya ang pag-aalala sa mga mata nito. “No!” agad na protesta niya. “That’s not what happened! There was this man… an intruder, who wanted my family photo—“ namilog ang mga mata niya nang may ma-realized. “Where’s our family photo?” Aligaga niyang tiningnan ang sariling mga kamay. “Hey, here. It’s here,” binuksan ni Hiraya ang maliit na drawer na nagsisilbing patungan ng lampshade sa gilid ng kama. Iniabot sa kaniya ng kaibigan ang cellphone niya at ang larawan. “The photo is really important, isn’t it?” “Yes… Yesterday some bank agents seize my things. Kolateral sa utang na iniwan ni Mama.” she traced the photo using her fingertips. “Wala na ang titulo ng bahay na ito saken, halos dalawang linggo na lamang ang natitira at kailangan ko na umalis dito,” she did her best to hide the sadness of her voice. Sigurado kasi siyang malulungkot din si Hiraya. Naupo siya sa gilid ng kama at hinarap ang kaibigan. “Look, Hiraya. I need your help,” ipinakita niya rito ang kalahati ng larawan. “This is my father, Lauro San Esteban. Remember him? The one I told you before?” Tumango-tango ito sa kaniya. “Pero akala ko nasunog na ang lahat ng mga litrato niya noong nasunog ang dati ninyong bahay?” “Yeah, that’s right. Nasunog ngang lahat. I didn’t even know that we have this photo. Nalaman ko lang nang mabasa ko ang huling sulat sa akin ni Mama kahapon.” Tila napaisip din ang kaibigan niya. “Bakit naman itatago sa iyo ng mama mo ang litratong iyan?” It was also her question. All her life, she has been with her mom. So why? Bakit kung kailang namatay na ito ay saka pa niya nagsisismulang malaman ang ganitong mga bagay. Nahilot niya ang sentido. Hindi pa tuluyang nagsisimula ang araw ay sumasakit na kaagad ang ulo niya. “I… I don’t know. Basta ang alam ko lang, hindi iyon gagawin ni Mama nang walang rason. At kung anuman ang rason na iyon, sigurado akong napakaimportante, na nagawa niyang itago saken ang picture na ito for almost… I don’t know, 27 years?” Patuloy ang pagsakit ng kaniyang ulo. Ano pa ba ang mga bagay na itinatago sa kaniya ng yumaong ina? “How could I help you then?” tanong ni Hiraya. Bakas sa mukha nito ang determinasiyon na matulungan siya. “I need to go. Kailangan kong pumunta sa Pilipinas. These secrets… are bugging my mind. Kailangan kong malaman kung ano man ang misteryo ng pamilya namin.” She saw sympathy on Hiraya’s eyes. “Okay, so what should I do?” Tanong nito. “I need you to help me get a plane ticket. You know that I am banned from leaving the country, right?” Dahil sa pagkakabaon ng utang ng kaniyang ina ay isa ang pag-aalis sa bansa sa mga naging consequences niyon. Hangga’t hindi niya nababayaran lahat ng mga utang ay hindi siya maaaring umalis. “I’ll do my best to help you. I’ll contact anyone that could help us. So don’t worry.” Niyakap niya ang kaibigan. She’s really grateful to have a friend like Hiraya. Miski isang beses sa ilang taon nilang magkaibigan ay hindi siya nito pinabayaan. Para ngang sila nang dalawa ang tunay na magkapatid. At ganun din naman siya sa kaibigan, ginagawa din niya ang lahat ng makakaya upang madamayan ito sa tuwing nagkakaproblema. No thank you is needed, just a little warm hug will suffice everything. “Okay, girl. I know what to do. Just stay calm, and promise me that you’ll eat as much as you can. Kailangan ko muna bumalik sa apartment to get my phone. Andoon ang lahat ng contacts ko e.” Spare na de-pindot na cellphone lamang kasi ang dinadala nito sa tuwing umaalis ng apartment. Ilang beses na rin kasing nawalan ng cellphone ang kaibigan niya kaya naman naging maingat na ito. Matapos nilang kumain ng umagahan ay nagpaalam na ang kaibigan niya. Hinatid niya ito sa sasakyan nito na nakaparada sa harapan lamang ng bahay niya at binigyan ito ng kaway. Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito ay saka siya pumasok sa loob. Magulo ang sala. Sinimulan niyang linisin ang mga kalat at walisin ang mga bubog ng nabasag na picture frame. Am I really hallucinating yesterday? Tanong niya sa sarili. Kahit ang sariling isip ay pinagdududahan na rin niya. Did I really collapsed out of hunger? Talaga nga bang dulot lamang ng gutom ang pagbagsak niya kahapon kagaya ng sinasabi ng kaibigan niya? But everything felt so real. The heart-racing, her grip to the photo, everything felt real. Ngunit sabi ni Hiraya ay nakasara ang pintuan ng bahay niya. So how could someone intrude her house? Nakasarado naman ang mga bintana at ang back door naman ay matagal na ding hindi binubuksan. Nahilot niya ang sentido. “I should not sweat on these things.” Hindi na dapat niya iyon masyadong pinagtutuunan ng oras at pag-aalala. May mas mahalaga pang bagay na kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Her way to get out of the country. Itinapon niya ang bubog sa trash bin sa kusina at nang makabalik na siya sa sala ay bigla siyang napaigik nang maapakan ang natirang bubog na hindi nya napansin. She hissed when she felt the stabbing pain. Umupo siya at isinandal ang likod sa pader upang tingnan ang nasaktang talampakan. Kasing laki ng sentimong barya ang bubog. Unti-unti niyang hinugot iyon mula sa kanyang paa. Nagsimulang tumulo ang dugo niya sa sahig. Sinipat niya ang sahig at tiningnan kung may natira pang bubog. She felt somehow relieve when she made sure that there is no shards of glass left. That was when something hit her. Wala na ang itim na envelope sa sahig. Wala na ang weirdong envelope. Malinaw sa ala-ala niya na nakita niya ang itim na sobre sa sahig nang pulutin niya ang larawan nilang mag-ina kahapon. Nagpalinga-linga siya, sinubukang hanapin iyon kaya nga lamang kahit anong hanap niya, talagang nawapa na ang itim na sobre. Hayun ang kaba, unti-unting sumasalakay sa kaniyang dibdib. Kagaya ng kabang kumalat sa kalamnan niya kahapon. Siguradong –sigurado siya. Hindi gutom ang dahilan ng pagbagsak niya sa sahig dahil ramdam pa rin niya ang p*******t ng kaniyang batok. Hindi siya nag-iisa kagabi. May ibang tao sa bahay na iyon kahapon… There was someone who tried to kill her for their family photo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD