FOUR

1801 Words
Note: This chapter is to be edited. I will re-update it later, so please just re-read it later also if you like. Just read the last part of this chapter again later. Please bear with me. Thank you so much. Hindi mapigilan ni Kind ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Sa isang iglap, tila hindi na niya maramdaman ang hapdi sa kaniyang talampakan; hindi na niya maramdaman ang pagtulo ng sariling dugo sa sahig. Fear is festering her insides; like a pest on a plant; like a dark blood that is suddenly being pumped by her heart. Takot na takot siya. She never felt so scared like this in her whole life. Takot siya dahil pakiramdam niya, naroroon pa rin sa loob ng kaniyang bahay ang hindi kilalang lalaking iyon; nagmamasid; nakikinig sa kaniya. Sinusubaybayan ang bawat galaw niya. And she could feel the chills on her bones. Huminga siya nang malalim. Inhale. Exhale. Ilang ulit niyang ginawa iyon. She can't messed up her own mind. I am safe. I am safe. Iyon ang paulit-ulit niyang itinatatak sa isip. Itinapon niya ang bubog sa trash bin, at pagkatapos ay mabilis siyang kumuha ng gasa sa medicine cabinet at inasikaso ang nagdudugo niyang paa. Nagmamadali din niyang sinigurado kung naka-lock ang mga pintuan at bintana. She's getting paranoid, kaya naman gusto lamang niyang masigurado ang sariling kaligtasan. Ngunit sigurado siyang mas magiging ligtas siya kapag nahanap na niya ang ama at ang nakatatandang kapatid na lalaki. At kailangan niyang mahanap ang mga ito sa lalong madaling panahon. Buong araw niyang sinubukang hanapin ang itim na sobre, ngunit hindi na talaga niya iyon makita sa lahat ng sulok ng kuwarto. Inabot na nga siya ng gabi sa paghahalughog sa buong bahay. Nang magsawa siya sa paghahanap niyon ay mga dokumento naman o kahit anong bagay na makatutulong sa kaniyang sa kapatid at ama ang hinanap niya. Nagbabaka-sakali siyang may iba pang naitago ang kaniyang ina. Nagbabaka-sakali na may kahit ano pang makapagbibigay sa kaniya ng iba pang clue o hint, recent cellphone number, kahit ano. She wants to let them know that her mother has already died. Gusto niyang malaman ng kapatid at ama ang kalagayan niya. Ang pagiging baon sa mga utang na naiwan ng kaniyang ina, ang pagkaka-ban niya sa paglabas ng bansa... ang lalaki kagabi. Napaupo na lamang siya sa gilid ng kama. Gusto niyang humingi ng tulong sa mga ito, gusto niyang sabihin kung gaano siya natatakot. Ngunit wala talaga. Ngunit wala talaga siyang mahanap. Ngayon, si Hiraya na lamang talaga ang makakatulong sa kaniya na makapunta sa Pilipinas. Napabuntong-hininga na lamang siya. What she could do for now is to hope for the best. I'll be in the Philippines soon! She cheer herself up. At habang hinihintay niya ang tulong mula sa kaibigan, kailangan rin niyang maghanda. Tumayo siya at hinugot ang isang maliit na maleta mula sa ilalim ng kama. Inilagay niya roon ang ilang piraso ng damit at mahahalagang gamit. "I'll find you soon." Pagkausap niya sa nakangiting mukha ng kapatid at ama sa larawan. Maging ang larawan nilang buong pamilya ay maingat rin niyang isinipit sa maliit na lagayan sa loob ng maleta. Nang maisara niya ang zipper niyon ay ipinatong niya ang maleta sa ibabaw ng kaniyang kama. Nang makababa siya sa kusina ay itinodo niya ang switch ng heater. Malakas kasi ang bagsak ng niyebe sa labas, kaya naman ramdam na ramdam niya ang lamig kahit dobleng pang ginaw at makapal na jogging pants ang suot niya. Doble rin ang suot niyang medyas sa paa. Nagluto siya ng noodles, at habang hinihintay niya iyon ay binabasa niya ang mag latest na balita gamit ang kaniyang cellphone. Ayon sa balita, magkakaroon ng malakas na pag-ulan ng niyebe at avalanche sa ibang lugar, ngayong gabi. Pinag-iingat nito ang mga tao. Nang maluto ang noodles ay dali-dali niya iyong hinigop kahit mainit ang sabaw. Gumuhit ang init sa kaniyang lalamunan. Habang kumakain ay cellphone pa rin niya ang kaniyang dinudutdot. This time, she's very focused on her calculator. Bina-budget pa rin niya ang natitira niyang pera. Hindi naman pwedeng makarating siya sa Pilipinas nang walang kahit na anong hawak na pera. Baka mamaya ay makita na talaga niya ang sarili na sa kangkungan na natutulog. Hindi nga iyon nangyari sa Russia, ay baka sa Pilipinas naman matuloy. Kailangan niya mapagkasya ang pera hanggang sa mahanap ang ama at kapatid. Natigilan siya nang gumana ang kaniyang pandinig. Sa kabila ng pag-ulan ng niyebe ay rinig na rinig niya ang malalakas na yabag sa front door ng kaniyang bahay. Natigilan siya sa pagkain; naantala ang pagkalikot niya sa kaniyang cellphone. Napatingin siya sa nakasaradong pintuan. Ang lahat ng atensyon niya ay nasa nakasaradong doorknob niyon. Hayun na naman ang kaniyang kaba. Nagsimula na naman ang mabilis na pintig ng kaniyang pulso. Kahit napakalamig ng panahon ay nagsisimulang mamuo ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo. Agad siyang napatayo nang gumalaw-galaw ang doorknob na para bang may tao sa kabilang side ng pintuan. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone. Minuto lamang ang lumipas nang tumigil na sa paggalaw ang doorknob. Maya-maya pa ay narinig na naman niya ang mga yabag. Papalayo na ang tunog mula sa pintuan ng kaniyang bahay. Maingat ngunit may pagmamadali siyang pumunta ng kuwarto. Sinigurado niyang walang tunog ang pagtakbo niya sa sahig. Natatakot kasi siyang malaman ng mga lalaking umaaligid sa labas ng kanyang bahay na alam na niya ang ginagawa ng mga ito. Pumasok siya sa kuwarto ini-lock ang pinto. Wala siyang marinig mula sa labas. Nanunuyot ang kaniyang lalamunan. Ramdam niya ang pananayo ng balahibo sa buo niyang katawan. Ang takot at kaba na naramdaman niyang kagabi ay naroroon na naman. Sinubukan niyang tawagan si Hiraya upang ipaalam rito ang nangyayari ngunit nag-out of coverage ang kaniyang cellphone dahil siguro sa biglaang pagbuhos ng niyebe. Hanggang sa marinig na lamang niya ang pagkabasag ng isang salamin. Paniguradong iyon ang salamin sa pintuan sa likurang bahagi ng kaniyang bahay: ang malapit sa kusina. Sigurado siyang ilang sandali na lamang ay ang kuwarto naman niya ang pupuntahan ng lalaki. Bitbit ang kaniyang maeta ay uni-unti siyang lumapit sa bintana ng kaniyang kuwarto at walang sabi-sabing binuksan iyon. Pumasok sa kabuuan ng kaniyang kuwarto ang lamig ng hangin. Natigilan siya nang makitang ang gumagalaw-galaw na nga ang doorknob ng pintuan. Maingat niyang inilabas ng sarili mula sa bintana at pagkatapos ay ang maleta naman ang inolabas niya. She shrudder after feeling the coldness of the night on her feet. Naka- tsinelas lamang kasi siya na pambahay at dobleng medyas. Sa sitwasyon ngayon, nawala na sa isip niya ang pagsusuot ng kaniyang sapatos. Mabilis ang kaniyang paglakad. Sa mga parte ng kalsada na hindi masyadong lubog sa niyebe ang kaniyang dinaraanan. Halos hindi na nga niya maramdaman ang sariling mga paa. Nakipagbuno siya sa malakas na hangin. Itinatago ng bagyo ng niyebe ang kaniyang mga bakas. Ang tanging nasa isip niya ay ang makalayo sa lugar na iyon. That guy is dangerous, and her whole being could feel it. Kaya siya nitong patayin. Hindi man iyon nagawa ng lalaki kahapon, natatakot siya na baka ngayon iyon ituloy. And she can't die just yet. She still need to find answers about her own family. *** HINDI niya alam kung gaano siya katagal na naglakad sa gitna ng bumubuhos na niyebe. Hindi na rin niya alam ang eksaktong lugar kung nasaan siya dahil napakadilim ng paligid. Malalalim ang kaniyang paghinga, naninigas ang namumutla nang labi. Ang mga paa niya ay gusto nang tumigil sa paghakbang, at ang mga kamay niyang hatak-hatak ang maleta ay naninigas na rin. She can't die yet. Iyon ang paulit-ulit na kataga sa kaniyang isip. Kaya naman noong nakakita siya nang maliit na liwanag sa hindi kalayuan ay agad na gumana ang kaniyang paa. Agad niya iyong nilapitan at habang papalapit siya nang papalapit doon ay mas lalong lumalaki at nagliliwanag ang ilaw. Nanggagaling pala iyon sa poste ng isang village inn. Tila nabuhay ang kaniyang pag-asa nang makita ang isang lugar na pwede niyang tuluyan. She grunted while bringing her luggage up on a three-stepped stair. That usually does not happen in a normal day, since her luggage is light. Ang nagpahirap sa kaniyang magbuhat ay ang naninigas niyang mga kamay at paa. Kumatok siya sa cashier. Isang matandang babae ang nakaupong natutulog sa tapat niyon at nagbabantay; na mukhang hindi naman matatawag na pagbabantay dahil masarap ang tulog nito. Nagising ang matandang babae sa kaniyang pagkatok. "What do you want, Miss?" Tanong nito sa wikang Russian. "Oh, I need a room. For one, please." Sagot naman niya sa pagitan ng pangangatog. Agad namang inilabas ng matandang babae ang isang log book, may isinulat na kung ano roon. Pagkatapos ay pinapirma siya at hiningi ang kaniyang bayad. Inabot naman niya ang pera niya, pumirma at inabot ang susi na ibinibigay nito. "Thank you," she politely said. Tumango-tango lamang ang matandang babae at bumalik sa pagtulog. Tiningnan naman niya ang room number niya sa susi at agad na binibit ang maleta patungo roon. Halos makahinga siya nang maluwag nang mabuksan ang heater sa loob ng kuwarto. Buong akala niya ay mamamatay na siya sa lamig kanina sa labas. Hindi na siya nag-abala pa na buksan ang ilaw. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at sinubukan muling tawagan si Hiraya. Ngunit tulad kanina ay hindi pa rin niya ito matawagan at operator lamang ang sumasagot mula sa kabilang linya. She heaved a deep sigh. She really hopes that the weather gets better tomorrow. Baka ang panahon na ito pa ang maging dahilan upang matigil ang mga flight at hindi siya makalabas lalo ng bansa. As she closed her eyes, her mind wandered; wondered. Lumipad iyon sa mga panahong magkasama pa sila ng kaniyang ina noong nabubuhay pa ito, sa lahat ng mga paglipat ng bahay na ginawa nila, at sa masasaya nilang alaala na magkasama. Ang paggo-grocery nila, ang pagdalo niro sa mga recital, at sa graduation niya. Lahat iyon, tila bumalik sa kaniyang isip. Itinakip niya ang braso sa mga mata. A lone tear escaped from her eyes. Mama, takot na takot na ako. Does good souls really go to heaven? Binabantayan kaya siya ng kaniyang ina ngayon? Nakikita kaya nito ang nangyayari sa kaniya? Ang pinagdadaanan niya? Kung nakikita man siya ng kaniyang Mama Ekaterina, ano kaya ang iniisip nito? Mama, are you seeing me? Are you looking at me right now? I am having a hard time. I really don't know what to do. Pagak siyang napangiti; isang malungkot na ngiti. Wala na siyang magagawa ngayon. Hindi na niya iyon mababago. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinayaang tangayin ng antok ang lahat ng kaniyang nararamdaman. She hopes that everything gets better tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD