FIVE

2010 Words
"Cruel, anak... Umamin ka nga sa'kin. Are you gay?" Kamuntikan nang mabali ni Cruel ang lapis niya nang marinig ang tanong na iyon ng kaniyang ina. "The hell?" Napasimangot niyang sabi. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kaniyang opisina, at nagbabasa ng mga mahahalagang dokumento, nang dumating ang kaniyang ina. Ngayon ay prente itong nakaupo sa sofa at nakataas pa ang mga paa sa maliit na lamesa. Parang at home na at home ito sa kaniyang opisina. "What?" Bahagyang umangat ang isang kilay nito. "I'm just asking, son. Because you never brought any girl home before. Hindi namin alam kung may girlfriend ka ba, or even flings. If you are gay, that's more than okay pa rin naman e. Tanggap naman kita, and I still love you. Isa pa, I've always wanted a daughter. Buti na nga lang at nag-asawa na ang Kuya Trail. Now, I have two daughters, you, and your Ate Pursue." Hinubad niya ang reading glasses at naihilamos na lamang ang sariling palad sa mukha. "Mom, shut it, please," he frustratedly said. Masisiraan siya ng bait sa pinagsasabi ng sariling ina. Mabuti na lamang talaga at soundproof ang opisina niyang iyon, at hindi naririnig ng mga empleyado at customer sa labas ang pinag-uusapan nila. "I am not a gay, okay?" May diin sa bawat salita niya. "Why are you here, anyway? Don't you have any work in the office?" "No, I don't have. It's my day off, and I am here because I am freaking bored. Chase isn't here anymore to lessen my boredom, while you and your Kuya are no fun." Napabuntong-hininga na lamang siya. Parang kasalanan pa niya na bored ito. "Then why don't you bother Dad instead?" "He's currently in a business trip. Kung nandito lamang siya, e hindi sana kita pinagtyatyagaang bwisitin. Anyway, when will you get married? You are already thirty, son. Pawala na ang edad mo sa kalendaryo." Nakita niyang naghalukaykay ito ng mga magazine na nasa ilalim ng maliit na mesa. "Does my age matters, Mom? I am not yet married because I do not want to. I don't see myself getting married at all." Prangka niyang sagot. He was always like that. He is blunt. He is not afraid to tell anyone his honest thoughts, even though he often hurt the feelings of other people. He does not give any goddamn care anyway. "I don't like having any girlfriends or flings, because they are so damn loud and clingy. I don't want anyone to invade my personal space." Natigilan sa paghahalukaykay ng mga magazine ang ginang. Nakita niya kung paano lumungkot ang mukha ng Mommy Tinah niya. "I just want to see you settled down. I want to see you happy with your own family. You know, I'm not getting any younger. Your Dad and I." Natahimik na lamang siya sa sinabi ng ina. Yeah, he may be heartless, but he always have that soft place in his heart for his mother. Hindi niya gustong nalulungkot ito. His mom is always bright and vibrant. Masayahin ito at halos bilang lamang ang beses na nalungkot o sumimangot. Kaya naman kapag nalungkot ito, maging silang magkakapatid ay nalulungkot din, kahit pa pare-pareho silang magkakapatid na may masasamang ugali. "I don't want you to regret not having your own family to love you and to take care of you. Can you atleast try? For me?" He heaved a deep sigh. "Okay, I'll try. But I will not promise anything. Please don't be disappointed if nothing happens after I tried." Lumapit sa kaniya ang ina at niyakap ang kaniyang leeg. "I won't. Thanks, son!" "You are welcome, Mom." Bumalik na ito sa prenteng bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Eksakto namang may kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina. Sunud-sunod iyon. "Come in." Si Danilo ang nagbukas ng pintuan, ang kanang kamay niya sa pagpapatakbo ng restaurant na iyon. "What's the problem, Dan?" May kunot sa kaniyang noo. "I'm sorry for barging in, Sir. Nagkakagulo po kasi sa labas. A customer wants your presence," medyo aligagang sabi nito. "We tried to reason her, but she still wants to see you." "It's okay. Go on. I'll be out in a minute." "Okay po, Sir." Isinara na ng kaniyang empleyado ang pintuan. Tumingin naman siya sa kaniyang ina. "Mom, I'll be back." "Sure, son." Sagot nito nang hindi tumitingin sa kaniya. Ang atensiyon nito ay nasa magazine na. Inayos niya ang buhok at ang neck tie. Hindi na siya nag-abalang isuot ang kaniyang coat. Nang maayos na ang kaniyang hitsura ay saka siya lumabas ng opisina. Nakasanayan na niya iyon. He always want to look presentable in front of others, especially in front of his clients and customers. Tumayo na siya at tinungo ang pinto. Nang makalabas siya ng opisina ay isang babae ang galit ba galit habang dinuduro ang isa niyang empleyadong babae na umiiyak na. Ang iba pang mga customer ay natigil na rin sa pagkain at nakatingin na lamang sa galit na babae. Si Mrs. Morales ang umiiyak, isa sa pinakamatagal at pinakamatanda niyang waitress. Nanay Lolit kung tawagin nila ang ginang. Nanay Lolit has been loyal to him and to his restaurant for years now. Sa katunayan ay hindi na nga dapat siya nagha-hire ng nasa age bracket nito, but he did anyway. Hindi rin ito nakapagtapos ng pag-aaral, walang background sa kahit anong trabaho, at isang lumang bio data lamang ang ipinasa nito sa kaniya noon. Nagtiwala lamang siya rito, at hindi naman siya nagsisi, napagtapos nito ang lahat ng mga anak at proud siya na nakatulong siya na mangyari iyon, naging maayos ang pamamalakad sa loob ng kusina, palaging malinis ang buong restaurant, at napakametikulosa nito sa mga inihahandang pagkain ng kanilang mga chef para sa mga customer. Sa tinatagal-tagal nitong nagtratrabaho sa kaniya ay ngayon lamang niya nakitang umiiyak ang ginang at dinuduro-duro ng isang customer. May nagkalat na rin na pagkain sa sahig. "What seems to be the problem?" Kunot-noo niyang tanong. Natigil naman sa pagsasalita ang customer at tumingin sa kaniya. Makapal ang makeup nito at ang puting summer dress ay may bahid na ng mapulang sauce na natapon sa bandang hita at tiyan nito. "Are you the owner of this restaurant?" Mataray na tanong nito. "Yes. I am." Humarap sa kaniya ang babae at pinagkrus ang mga kamay sa tapat ng dibdib nito na halos lumuwa na mula sa suot na dress. Mukha itong bakasyunista na halatang tumigil lamang saglit sa restaurant niya upang kumain ng tanghalian. Katunayan, halos ganoon naman ang lahat ng customer nila araw-araw, ang iba pa nga sa mga iyon ay naka-underwear lamang, two-piece o swimming trunks. Sanay na sanay na sila sa ganoon. Afterall, malapit lamang sa dagat ang lokasyon ng kainang iyon, at katabi lamang ng Hotel Buenavista, na siya rin ang nagmamalakad. "Well, look at what your employee did to me." Ipinakita nito sa kaniya ang sauce sa damit. "Her stupidity messed up my dress!" "Ma'am, pasensya na po talaga kayo. Nahilo lang po ako---" "Will you shut the f**k up?!" Pinutol nito ang iba pang sasabihin ng ginang na puspos ang paghingi ng paumanhin. "I do not want to hear any of your explanation anymore." Muli itong humarap sa kaniya. "My dress is expensive and I want you to compensate for it." "Okay." Walang kangiti-ngiti niya sabi. Inismiran siya ng babae ng makitang walang bahid ng paghingi ng paumanhin sa kaniyang mukha. "How rude? Ganito ba ninyo itrato ang mga customer sa restaurant na ito?!" Inalis niya ang mahigpit na pagkakatali ng kaniyang neck tie. "Well what do you want me to do? Apologize for your f*****g behavior, you high and mighty prick?" "What did you say?!" Sigaw ng babae. Halos mamula na sa galit ang mukha nito. Unti-unti siyang lumapit dito at napaatras naman ang babae nang makita ang kaseryosohan sa kanyang mukha. "We will never apologize for priveleged idiots like you." Walang sabi sabi niyang hinatak ang dress nito at winasak iyon. Nanlaki ang mata ng babae dahil sa ginawa niya. She is noew standing in the middle of his restaurant with her two piece swimsuit underneath. Everyone gasped by what he did. Hindi makapaniwala sa ginawa niya. "Since I'll compensate for that dress, might as well destroy it totally, right?" Itinapon niya ang wasak nang dress sa sahig, tinapakan iyon, at pinamunas sa nagkalat na pagkain nang hindi inaalis ang tingin niya sa babae. He always hated people like this. Hindi naman makapagsalita ang babae. Ang kaninang maganda nitong bestida ay isa nang maduming basahan ngayon. Samantala, ang iba pang customer na nasaksihan ang kaniyang ginawa ay isa-isang nagsibalikan sa pagkain dahil sa takot. Tinalikuran na niya ito at humarap kay Nanay Lolit. "Stop crying and back to your station. Don't worry about this anymore, you are not at fault." "Salamat po, Sir Cruel. Pasensya na po uli." Magalang nitong hinging paumanhin bago pumasok na muli sa kusina. "Danilo," pagtawag niya sa kanang kamay. Agad namang lumapit sa kaniya ang tauhan. "Yes, Sir Cruel?" "Get that idiot's bank account and compensate her ugly dress. Make her leave this restaurant..." he paused, "this island. Make her leave this island immediately. Ayokong makita pa ang pagmumukha niyan sa islang ito. Kahit itapon ninyo iyan sa dagat, o ipakain sa mga pating, wala akong pakialam." "Consider it done, Sir." "And please, kapag may na-encounter ka pa uli na customer na katulad ng isang iyan, compensate what they want to be compensated to, then kick them out of this island. I don't need a f*****g customer like her." Iyon lamang ang huli niyang sinabi bago bumalik sa loob ng kaniyang opisina. Ibinagsak niya ang katawan sa swivel chair at nahilot ang kaniyang sentido. May mga ganoong bagay talaga silang nae-encounter on an almost daily basis. May mga tao talaga, na katulad na lamang ng babae kanina, na may kakaibang ugali sila na nakasasalamuha sa halos araw-araw. Syempre, naging normal na lamang din iyon. Paano'y talaga namang hindi mo masasabi ang bawat ugali ng mga estranghero at bakasyunista na pumapasok sa restaurant na iyon araw-araw. Hindi mo naman basta-basta matataya ang ugali ng isang estranghero o bakasyunista. At dahil doon, araw-araw ding tumatatak sa utak niya na iba-iba talaga ang ugali ng isang tao. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nakakasawa ang ilan sa mga iyon. Nakakasawa. He could not really understand those people. Those who always step on someone much smaller than them. That is one of the kind that he really hates. Talagang lumalabas ang pagiging demonyito niya kapag nakaka-encounter ng mga ganoong customer. Lalo pa kapag tinatapakan na ang karapatan ng kaniyang mga tauhan. Yeah, he is cruel, and has a devilishly blunt personality. Yeah, he is someone who can cut off ties with other people in an instant, someone who can fired an employee in a second. Ngunit ang mga inaalis lamang niya sa trabaho ay iyong talagang tamad, walang galang, at magnanakaw. Lalo na ng kanilang mga recipe. Ilang beses na ring nangyari ang ganoong insidente sa kaniyang restaurant. Kaya naman mas naging mahigpit ang pagha-hire niya ng mga magiging empleyado, may mga ispisipikong tao na lamang ang maaring makapasok sa kusina, at iilan na lamang ang personal na nakakapasok sa kaniyang opisina. "Son, is everything alright?" Naimulat niya ang mga mata nang marinig ang boses ng kaniyang Mommy Tinah. May pag-aalala roon. Oh right, his mom is still here. Tila saglit niyang nakalimutan na naroroon nga pala sa loob ng kaniyang opisina ang ina. Tila lumipad saglit ang kaniyang isip dahil sa nangyari sa labas iilang minuto pa lamang ang nakalilipas. "Is everything fine? Ano ang nangyari sa labas?" muling tanong nito. Iniiwas niya ang tingin mula sa ginang. "It was nothing, Mom. It was just a little commotion earlier but the customer will be compensated. Everything is fine," sagot lamang niya at muli nang isinuot ang kaniyang reading glasses. Wala talaga siyang panahon pala sa mga komosyon ng tulad nang nangyari sa labas. He is too busy to think about those things twice. Mas mahalaga ang kaniyang trabaho kaysa sa mga ganoong klase ng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD