SIX

1705 Words
Alas dose 'y media na ng tanghali ngunit parang hindi sumikat ang araw. Nang sinilip ni Kind ang labas mula sa bintana ay madilim-dilim pa rin ang langit at malakas ang pagbagsak ng niyebe. Hindi pa din natatapos ang masamang panahon, ngunit kumpara kagabi, kahit papaano ay humina na ang pag-ulan ng niyebe. Puting-puti ang palagid, at kahit nakatodo na switch ng heater ay ramdam pa rin niya ang lamig sa loob ng kuwartong inuupahan. Ramdam din niya ang p*******t ng ulo dahil sa kakulangan ng tulog. Hindi siya pinatulog ng kaniyang pag-aalala, at hanggang ngayon nga ay iniisip pa rin niya kung nasa bahay pa kaya niya ang hindi kilalang lalaki, o hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya kahit masama ang panahon. Either way, she doesn't want to see that creepy guy ever again. Isinara na niya ang kurtina at muling nagdoble ng makapal na jacket at gloves upang maibsan ang panlalamig na nararamdaman. Napaupo na lamang siya sa gilid ng kama. She really hopes that Hiraya would contact her soon. Ngunit bukod sa palaging out of coverage ang mga signal ay ilang araw na rin ang nakararaan nang patayin niya ang sariling cellphone. Sunud-sunod kasi na hindi magagandang mensahe ang lumalabas doon. She does not know how did it happen, but she could receive messages even though she is out of coverage. At dahil sa mga movie na napapanood niya noon ay mas lalo pang tumaas ang kaniyang suspetsa na baka na-wire tapped ang kaniyang cellphone. Kaya sa huli ay ini-off ba lamang niya iyon. Kinakailangan na talaga na niyang makalabas mula sa bansang ito sa lalong madaling panahon. Lalo pa at malapit na rin niyang maubos ang kaniyang natitirang pera. Iginala niya ang paningin sa maliit na kuwarto. Walang kahit ano roon bukod sa kama, ilaw at isang upuan. Ngayon ay pinoproblema niya kung saan kukuha ng makakain. Nagsisimula na rin kasing mag-ingay ang kaniyang sikmura. Tumigil ang kaniyang mga mata sa sulok ng kuwarto. Boots? Bahagyang kumunot ang noo nang makita ang isang pares ng winter boots doon. Tumayo siya at nilapitan iyon. Pang babae ang boots, at mukhang naiwan ng may-ari sa kuwartong iyon. "Hihiramin muna kita ha?" Pagkausap niya sa makapal na sapatos na para bang sasagot iyon. Nanlalamig na rin kasi ang kaniyang mga paa. Hindi sapat ang doble niyang medyas at ang tsinelas na pambahay--- na wala naman siyang choice kung hindi ang pagtyagaang gamitin dahil sa pagmamadali niyang makaalis mula sa kaniyang bahay ilang araw na rin ang nakakaraan. Ilang araw na siyang palipat-lipat ng inn. Hindi nga niya alam kung saan niya nakukuha ang kaniyang swerte dahil palagi niyang nauunahan ang mga lalaki na makaalis bago pa man siya nito makita. Mga lalaki. Dalawang lalaki. Ang orihinal na nag-iisang lalaki lamang na naghahanap sa kaniya ay dalawa na ngayon. Ilang gabi na ang nakararaan nang mapansin niya iyon. May kasama na itong isa pang matangkad din na lalaki. Kaya naman dalawang lalaki na ngayon ang kaniyang pinagtataguan. Saktong-sakto lamang sa kaniyang paa ang winter boots. She heaved a sigh full of relief after feeling some warmth on her feet. Ilang araw na rin kasi siyang nagtitiis sa panlalamig na nararamdaman ng kaniyang mga paa. Bumaba siya mula sa ikalawang palapag ng building na iyon kung nasaan ang inuupahan niyang kuwarto. Walang katao-tao sa unang palapag maliban sa may katandaan nang babae na nagbabantay sa information desk. Lumapit siya roon at nagtanong kung mayroon bang vending machine sa loob ng gusaling iyon o kahit anong maaari niyang mapagbilhan ng maipanglalaman sa kaniyang kumakalam na sikmura. Itinuro naman nito sa kaniya kung nasaan ang vending machine. Nagpasalamat siya rito at pinuntahan ang direksyong itinuro nito. Sa isang mahabang upuan sa tapat lamang ng vending machine na lamang niya kinain ang biskwit at hot chocolate. She felt so satisfied after finishing her hot choco. Wala talagang makatatalo sa init ng inuming tsokolate sa ganitong malamig na panahon. Nang matapos siyang kumain ay saka siya bumalik sa kuwarto. Umupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang kaniyang nakapatay na cellphone mula sa maleta. Ilang beses siyang nagpakawala ng malalalim na paghinga bago nagdesisyon na buhayin na muli iyon. At gaya pa rin nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagpasok ng mensahe roon. Mga mensaheng nagsasaad na nalalapit na raw ang kaniyang kamatayan. She tried her best to ignore all of those and leave those creepy messages unopened. Nag-scroll lamang siya nang nag-scroll. Until she came across one specific message. Galing iyon kay Hiraya at natabunan na iyon ng ibang mga mensahe. Tatlong araw na pala ang nakaraan nang matanggap niya ang mensaheng iyon. Agad niya iyong binuksan at tila nabuhayan siya ng loob dahil sa nabasa. Tila nabuhay bigla ang kaniyang pag-asa. May ibinigay ito sa kaniyang espisipikong araw at petsa. Kind, I have successfully bought a plane ticket for you with the help of my friend. She's a flight stewardess at St. Petersburg airport, and she agreed to help you na makaalis ng bansa. The flight is on Tuesday at four p.m. Please meet me at my clinic at three. Agad niyang tiningnan ang araw sa kalendaryo sa kaniyang cellphone. Bukas ang Araw ng Martes na tinutukoy ng kaniyang kaibigan. Oh, thank you so much, Lord. Nabubuhay na ang kaniyang pag-asa na makapunta ng Pilipinas. Muli niyang pinatay ang kaniyang cellphone at inihagis iyon sa loob ng maleta. She can't wait to leave this country soon. She can't wait to finally meet her brother and her father. May ngiti sa kaniyang labi nang ibagsak niya ang katawan sa kama. Labis-labis ang kaniyang kasiyahan at labis din ang pasasalamat niya kay Hiraya sa tulong nito sa kaniya. Since Hiraya is a pedia, she also got a lot of connection. Iba't iba kasi ang trabaho ng mga magulang ng mga bata na nagiging pasyente niya. She can somehow get some good sleep now. Ilang araw na rin kasi siyang kulang sa tulog, ngunit ngayon, she can finally sleep, kasama ang magandang balitang hatid ni Hiraya. *** But her smile did not last. Kakaibang kaba ang naramdaman ni Kind nang mapansin ang dalawang lalaki nakatayo sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Ilang linggo na din siyang palipat-lipat ng inn na tinutuluyan. Kung hindi sa mga motel ay sa mga village cabin siya nagtatago. Parehas matangkad ang dalawa at nakasuot ng itim na coat. Kahit madilim sa labas, at kahit malakas ang hanging panggabi na may dalang nyebe, alam niyang sa bintana niya nakatingin ang mga ito. Maingat niyang isinara ang kurtina ng bintana kung saan nya sinisilip ang mga ito. Pagkatapos ay dali dali niyang kinuha ang kaniyang maleta. Maliit lamang iyon at iilang pirasong damit lamang ang laman. Halos lahat kasi ng gamit niya ay naiwan sa kaniyang bahay noong gabi na tumakas siya. Hindi na niya inaalis ang mga damit niya doon. Kinuha niya ang sling bag niya na naglalaman ng natitira niyang pera at ilang mahahalagang dokumento. Naroroon din ang cellphone niya ngunit hindi na niya iyon binubuksan magmula nang makakuha siya ng sunud-sunod na death threats doon. Nang nasigurado niyang wala na siyang naiwan na mahalagang gamit ay isinuot niya ang pinakamakapal niyang coat dahil nagkakaroon daw ng snowstorm ngayong gabi ayon sa balita. Ayaw niyang iyon ang maging dahilan ng kamatayan niya. Nakaligtas nga siya sa mga lalaking ito, ngunit ang lamig naman ang kumuha ng buhay niya. Maingat siyang lumabas ng kuwarto. Ni-lock ang pinto, at nilusot sa siwang sa ilalim niyon ang susi. Isinuot niya ang itim na mask na tumabing sa kaniyang bibig at ilong, pagkatapos ay siniguradong natatakpan ng hood ng kaniyang coat ang ulo. Malakas ang kabog ng dibdib niya nang madaanan ang dalawang lalaki na nakatalikod sa direksyon niya. Abala ito sa pagkausap sa isang matandang babae na nasa desk na siyang nag-aasikaso ng mga nagche-check in sa inn na iyon. Nag-uusap ang mga ito sa lengguwaheng Russian. Humigpit ang hawak niya sa maleta at binilisan ang lakad. Binilisan niya ang lakad hanggang ang lakad na iyon ay naging pagtakbo. Ang tanging nasa isip niya ay makaalis sa lugar na iyon. Itinago siya ng dilim ng gabi at ng malamig at malakas na hanging may nyebe mula sa mga nagtatangka sa buhay niya... "THANK YOU so much." Pasasalamat niya sa driver ng taxi sa wikang Russian. Nagpasalamat din ito nang iniabot niya rito ang bayad at agad din naman na itong umalis. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng clinic ni Hiraya. Napaaga ang pagpunta niya roon dahil sa hindi inaasahang pangyayari kanina. Kinuha niya amg spare na susi ng clinic sa ilalim ng paso na malapit lang sa pintuan. Para talaga sa kaniya ang susi na iyon. Giit ng kaniyang kaibigan noon, baka daw maisipan niyang biglang dumalaw ng wala ito sa loob ng klinika, at least hindi niya kailangang maghintay sa labas. Hindi niya inaasahan na sa wakas ay magagamit rin niya ang susi na iyon. Sinigurado niyang walang nakakita o nakasunod sa kaniya bago pumasok sa loob ng klinika bitbit ang kaniyang gamit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabinsa kaibigan ang tungkol sa mga lalaking humahabol sa kaniya. Natatakot siyang baka maidawit niya si Hiraya sa kaniyang gulo. Ngunit kahit takot siya ay wala naman siyang magawa. Ang kaibigan lamang ang makakatulong sa kaniya. Ilang ulit rin niyang siniguradong naka-lock ang pintuan. Ibinaba niya ang kaniyang maleta at binuksan ang heater. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw ng klinika. Pagkatapos ay saka niya ibinagsak ang kaniyang katawan sa sofa. Pagod na pagod na siya kakapalipat-lipat ng lugar. Pagod na pagod na rin siya sa kakulangan ng tulog at pahinga. Iniharang niya ang isang braso sa kaniyang mga mata. I just need to hold out until tomorrow. Iyon na lamang ang pakunsuwelo niya sa kaniyang sarili. Paulit-ulit niyang sinabi ang mga katagang iyon sa kaniyang isip. Kailangan na lamang niyang magtiis hanggang kinabukasan, at pagkatapos niyon, magbabago na ang kaniyang buhay. She is hopeful. Iyon na lamang kasi ang makakapitan niya sa ngayon: ang pag-asang makita ang kaniyang ama at ang kaniyang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD