SEVEN

2201 Words
Several months later... "Hey, why aren't you joining the dance?" Narinig ni Cruel na tanong ni Chase sa kaniya. "I am f*****g bored already." Hindi siya nag-abalang tingnan ang kapatid. Patuloy lamang siya sa pag-scroll at pagbabasa sa kaniyang cellphone. "Then dance." Pamimilit sa kaniya ng kapatid. "Leave me alone." Bored naman niyang sabi. Kumunot ang noo ni Chase. "You are still reading that document. Can't you be a normal guy even just for a day? It's our brother's wedding after all, you dumbass." Sinubukan nitong agawin ang kaniyang cellphone ngunit agad niyang naiiwas iyon. "Could you just leave me the f**k alone?" Nagsisimula na siyang makaramdam ng pagka-irita. Sa kanilang magkakapatid, ang Kuya Chase talaga niya ang kaparehong-kapareho ng ugali ng kanilang ina. "Sige ka. Hindi ka makakapag-asawa niyan kung trabaho ka nang trabaho." Pananakot nito kahit sa totoo lamang ay wala namang nakakatakot sa sinabi nito. Mas pabor pa nga sa kaniya ang magtrabaho kay mag-asawa e. "Coming from you?" Tanong niya gayung parehas lang naman sila na walang balak mag-asawa. Ang pinagkaiba lang ay subsob siya sa trabaho, samantala ang kapatid ay happy-go-lucky at kahit hindi magtrabaho ay okay lang. Palibhasa ay mabilis itong ma-bored sa mga bagay. His work is the only thing that keeps him sane and actually makes him happy. Oh yeah? Kantyaw ng kaniyang isip. It makes you happy to yell at people every single day? Tanong nito. Kung nagkatawang-tao lamang iyon ay baka kanina pa niya iyon naundayan ng suntok. "I will not get married unless I have found someone with a name that is completely opposite to mine," dugtong pa niya. He just said the impossible. Was there even a name like that existing in this world? He highly doubt so. He heard his brother chuckled. "Then I guess you will find her today." Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pagtapik nito sa kaniyang balikat bago siya iniwan na at naglakad palayo. Saka pa lamang niya tiningnan ang papalayong kapatid. May dala itong kopita ng pulang alak at patungo na sa lamesa ng iba pang mga bisita. Napailing-iling na lamang siya. Mag-isa na lamang siya sa mesa. Ang kaniyang mga magulang na kanina niyang kasama sa mesa ay sumasayaw na sa dance floor sa saliw ng malamlam at mabagal na musika. May iba pang mga bisita na sumasayaw rin. Ngunit ang kaniyang mga mata ay natuon sa mesa ng bagong kasal sa hindi kalayuan. He could see how his older brother, Trail, and the bride, Pursue, are talking to each other. Tila may sariling mundo ang dalawa, nagtatawanan at walang pakialam sa ibang mga bisita. Their eyes are focused to each other. They look so happy and in love, and it was actually the first that he saw his brother smile that big. That smiling guy from a distance, who once said that he will never get married, is now completely bewitched and swayed off his feet. That guy who said to him before that love is an illusion, is now dancing with the love of his life. Ang kapatid niyang dating walang ginawa kung hindi ang magkampo sa loob ng mansyon nito, heto at iniiipit sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok ng asawa. Mukhang iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig. His mind suddenly wondered about who will be the next groom between him and his other brother, Chase. Napaismid siya bago kinuha ang kopita ng alak at tuloy-tuloy na nilagok ang laman niyon. Bold of his mind to even wonder. Of course, it's the latter. Chase will surely get married in no time. Way before him. Tumayo na siya at iniwan ang mga nagkakasiyahang tao. He is never a party-guy anyway, and his family knows that very well. Dire-diretso siyang umalis mula sa reception hall at naglakad palabas. *** NAPANGITI si Kind habang nakatingin sa newly-wed. Lumabas siya mula sa reception hall na halos malapit lamang sa dagat. Nagsisimula nang dumilim ang langit at malamig na rin ang hangin mula sa dagat. Nag-inat-inat siya, another wedding has been done and was successful organized by her. Ilang buwan na rin ang nakalilipas nang matagumpay siyang makaalis mula sa Russia. Sa tulong ni Hiraya at nang kaibigan nito ay nakarating siya ng Pilipinas nang walang aberya. Bigla tuloy pumasok sa kaniyang alaala ang huli nilang pag-uusap ni Hiraya. I just need to hold out until tomorrow. Iyon na lamang ang pakunsuwelo niya sa kaniyang sarili. Kailangan na lamang niyang magtiis hanggang kinabukasan, at pagkatapos niyon, magbabago na ang kaniyang buhay. Her fatigue drove her to sleep. She's been asleep for several hours, and it felt like the most satisfying sleep she ever had in her life. At nang magising siya kinabukasan ay medyo maaliwalas na ang panahon. Sumilip siya sa mahahabang kurtina na tumatabing sa salamin na pader ng klinika. She could see the rays of sunshine above the white snows. Tumigil na ang pagbagsak ng niyebe at unti-unti nang gumaganda ang panahon. Bumangon siya mula sa sofa at nag-inat. Medyo masakit ang leeg niya ngunit hindi niya iyon ininda. That good night's sleep also gave her a good mood today. Pakiramdam niya ay may mangyayaring maganda. Nagtimpla siya ng kape, at sinisimsim na niya iyon nang tumunog ang bell sa itaas ng pintuan at bumukas iyon. Nagkatinginan sila nang kapapasok lamang na si Hiraya. "Hey," nakangiting bati nito. "Hey," pagbati rin niya. "Are you going to open the clinic today? You are way too early that your usual opening hours." "No. I am not opening the clinic today. I am here to hide from my mother's guest." Sigurado siyang ang 'guest' na tinutukoy ng kaibigan ay isa na naman sa mga binata na inirereto ng mama nito. "I did not expect you to come this early, too. Did you sleep here?" Nakita niyang ibinaba nito ang bag na dala at isinara ang pintuan. "I've been contacting you, but your phone has been off for days. I was waiting for your replies. Hindi ko alam na dito ka pala nagkukuta sa clinic ko." Sigurado siyang ilang araw na ding nakasara ang klinika ng kaniyang kaibigan dahil nga sa nagdaang masamang panahon. "Yeah, I did sleep here," she answered. "Pero kagabi lang. There had been a situation." "Situation? What situation?" Nagtimpla rin ng kape ang kaibigan niya at tumabi sa kaniya sa sofa. "Well, I was out sleeping in village inns these past few days." Nakita niya kung paano kumunot ang noo ng kaibigan. "Why? Do you know how dangerous that was? To be out, sleeping in village inns especially with that freaking snowstorm?" "Yeah, I know..." she paused for a moment. "Look, Hiraya. Remember that time, when you visited me, and you said that I you found me unconscious due to hunger?" Tanong niya. Agad namang tumango-tango ang kaniyang kaibigan. "Something happened that night, I am very much sure of that. It wasn't due to hunger, there was really this guy who knocked me unconscious." Shock and confusion was written on Hiraya's face. Alam kasi nitong hindi siya magsisinungaling sa mga ganoong bagay. "They've been chasing me. Two tall creepy guys dressed in black coat. Kaya kinailangan kong magpalipat-lipat ng matutuluyan nitong mga nagdaang araw." "D-do you know these 'guys'?" Umiling-iling siya. "But I'm sure that they are connected to my mother's debt." Ibinaba niya ang mug ng kape sa maliit na mesa at seryosong tiningnan ang kaibigan. "Hiraya, I really need to get out of this country as soon as possible. I need to find Treb and my father in the Philippines." Tumango-tango sa kaniya ang kaibigan. Determinado rin na matulungan siya. "I'll see what I can do." "And remember, in case I am not here anymore and someone asked you wherever the hell I am, just tell that you don't know me, got it?" Paalala niya rito. Punung-puno nang kaseryosohan ang kaniyang ekspresyon. Hindi naman niya gustong mapahamak ang kaibigan nang dahil sa pagtulong sa kaniya. "Yeah. Very well." Nang makarating sila sa Pilipinas ay tinulungan rin siya nang kaibigang flight attendant ni Hiraya na makapasok sa isang maliit na firm. With the help of her skills and years of experience, the firm rose to fame in span of months. Biglang dumami ang mga nagpapa-organize ng kasal dito, at dumami ang kanilang kliyente. Nagpapasalamat nga sa kaniya ang kaniyang boss, ngunit hindi nito alam ay mas nagpapasalamat siya dito sa tiwala nito. Who would have hire a person that has no ID's and like a complete alien anyway? Only her current boss. Ngunit magmula nang makarating siya sa Pilipinas ay hindi na niya nakausap pang muli si Hiraya. Kinailangan kasi niyang ibenta noon ang cellphone niya at bumili ng de-keypad na cellphone, upang magkasya ang kaniyang natirang pera sa paunang renta at pagkain niya. Sa katangahan nga lamang niya ay hindi niya naisip na hindi sa sim kundi sa lumang cellphone niya naka-save ang numero ng kaibigan. Ngayon ay hindi na niya alam kung paano ito mako-contact. All she can do is to wait for Hiraya to contact her first. Na hanggang ngayon, makalipas ang ilang buwan matapos niyang unang makarating sa bansang ito, ay hindi pa rin nangyayari. Hiraya never contacted her after she went to the Philippines. At bukod sa nami-missed na niya ang kaibigan ay nag-aalala rin siya para rito. She wanted to make sure that she's okay. Ngunit hindi naman niya alam kung paano. She heaved a deep sigh. Napatitig na lamang siya sa malalakas na hampas ng alon. This island is really pretty. Wala siyang masabi sa ganda ng isla na iyon. Hinubad niya ang two-inch heel na sapatos at naglakad-lakad siya sa dalampasigan. Matatapos na rin naman ang event at isa pa, marami naman siyang katrabaho na nag-aasikaso. Sigurado siyang wala nang magiging aberya sa reception. Humahampas ang alon sa kaniyang mga paa. Ni hindi niya alam na lumilipad na pala ang kaniyang isip. Ilang buwan na rin ang nakalilipas ngunit hindi pa rin niya nahahanap ang kapatid at ama. Napakarami nang nangyari sa takbo ng kaniyang buhay habang nasa bansang ito. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang nahahanap muli na balita na makakatulong sa paghahanap niya sa kaniyang ama at kapatid. Nang makaipon siya ng pera ay agad niyang pinuntahan ang address na nasa likod nang larawan nilang buong pamilya. Ngunit huli na siya. Wala siyang nadatnan doon kung hindi isang sunog na bahay. Mga pundasyon na lamang ang natira. It was a house in a middle of nowhere. A remote place. Puro matatanda na rin ang mga nakatira malapit roon. Ang ibang matanda ay halos wala na ring matandaan. At nang magtanong-tanong siya sa malapit na kabahayan doon ay matagal na raw pa lang abandonado ang bahay na iyon. Bigla na lamang daw nasunog ang bahay sa kalagitnaan ng gabi, at walang nakakaalam kung saan lumipat ang mga dating nakatira doon. Sa katunayan ay nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya iyon mapigilan. Wala siyang ibang impormasyon sa ama at kapatid maliban na lamang sa mga pangalan ng mga ito. Tumigil muna siya sa paghahanap sa mga nito dalawang buwan na rin ang nakalilipas. Inilagay na lang muna niya ang atensiyon sa pagtratrabaho at pag-iipon ng pera. Baka sakaling isang araw ay makakuha siya ng impormasyon. "Ay!" Impit siyang napatili nang maramdaman ang matigas na braso sa kaniyang bewang. Halos umikot ang kaniyang paligid. Naramdaman na lamang niyang buhat-buhat na siya ng isang lalaki na para bang isa siyang sako ng bigas. "Hoy! Ibaba mo ako!" Sigaw niya. Pinaghahampas niya ang likod nito. Umiikot ang kaniyang paningin dahil sa paraan ng pagbuhat na ginawa nito. "Ibaba mo sabi ako e, ano ba!" Hindi tumigil ang kaniyang kamay sa paghampas sa likod nito kahit unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Agad naman siyang ibinagsak nito sa dalampasigan. Dumikit ang mga butil ng buhangin sa basa niyang bestida. Hindi niya namalayan na tuloy-tuloy pala siyang naglakad patungo sa dagat, at basa na ang kalahati ng kaniyang katawan. "Are you trying to kill yourself?!" Galit na sabi ng guwapong lalaki. Mala-anghel ang mukha nito at wala siyang masabi roon. Nakaputi itong formal coat, pang best man iyon. Basa na rin ang pang ibabang parte ng katawan nito dahil sa paglusong nito sa dagat. Kilala niya ito, isa ito sa mga kapatid ng bagong kasal. "If so, don't f*****g kill yourself here! Go and take suicide somewhere else! You will dirty the reputation of this island." Walang sabi-sabi siya nitong tinalikuran. Akala nito ay magpapakamatay siya? She was left dumbfounded. E ano kung guwapo ito? Napakaarogante naman ng lalaking ito! Nung umulan siguro ng kasamaan ng ugali ay baka nagtatampisaw pa ang lalaking kaniyang kaharap. Bakit ba niya naisip na mukha itong anghel gayung pang demonyito ang kaarogantehan nito. Galit siyang tumayo, kinuha ang isa niyang sandals at walang sabi-sabing ibinato iyon sa lalaki. Hayun, sapul sa ulo ang lalaki na natigilan sa paglalakad. Saka naman niya na-realized ang ginawa nang unti-unti itong humarap sa kaniya, sapo ang nasaktang ulo. Napaatras siya sa talas ng tingin nito sa kaniya. Naku po, patay siya. Hindi niya alam ang pumasok sa kaniyang isip at binato ng sapatos ang kapatid ng groom! Paniguradong wala siyang sasahurin pagkatapos ang even na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD