EIGHT

2320 Words
EIGHT "f**k!" The guy grunted before looking back at her. Sapo nito ang nasaktang ulo. Napaatras si Kind sa talas ng tingin sa kaniya ng masungit na lalaki. Akala niya ay muli itong lalapit sa kaniya nang makitang humakbang ito. Ngunit nagkamali siya. Tumigil ito sa tapat ng kaniyang sapatos, pinulot iyon, at pagkatapos ay walang sabi-sabing ibinato sa dagat. Hayun ang kaniyang kasama nang lumalangoy ng mga isda. "HOY!" Malakas na sigaw niya nang tuluyang lumubog sa tubig ang kaniyang sapatos. He gave her a grin of satisfaction. Halatang nag-enjoy sa ginawa nitong pagganti. At hindi niya maintindihan kung bakit bumilis ang t***k ng kaniyang pulso, hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagkainis. Tinalikuran na siya ng lalaki at pasipol-sipol pang naglakad na palayo. Napasimangot siya, kung pwede lang ay ibato na rin niya sa ulo nito ang isa pa niyang sapatos tutal ay wala naman na iyong kapares. Napabuntong-hininga na lamang siya. Ano na ang gagawin niya ngayon? Tatlong araw pa siyang mamamalagi sa isla na iyon, at wala na siyang baon na iba pang sapatos o tsinelas. Mukhang makababalik siya sa Maynila nang isa na lamang ang sapin sa paa. Nakasimangot siyang bumalik sa reception. Ang isang paa niya ay puno na ng buhangin. "O? Miss Kind. Saan po kayo nanggaling?" Tanong ni Danita, ang isa sa kaniyang mga assistants. Napatingin ito sa basa niyang damit, at sa paang iisa lamang ang may sapin. "Ano pong nangyari sa sapatos ninyo?" "Naku, huwag mo nang itanong, Danita." Inalis na niya ang simangot at baka magtuloy-tuloy pa ang pagka-badtrip niya. Lumibot ang kaniyang paningin sa reception hall. Paunti na nang paunti ang mga tao. Mukhang katatapos lamang ng event at hindi man lamang niya iyon nasaksihan. Salamat sa supladong lalaking iyon, punung-puno ng sarkasmo na sambit ng kaniyang isip. Wala na ang bride at groom sa reception venue. Mukhang pinaghahandaan na ang honeymoon. Nakita niyang nagpapaalam na ilang mga bisita sa mga magulang ng groom, pati na rin sa pamilya ng bride. Tumulong siya sa pagliligpit ng ilang mga kagamitan. Mabuti na nga lamang at tuluyan nang mga nagsiuwi ang mga bisita. Hindi na gaanong nakahihiya ang kaniyang paa. "Danita, ito pa." Inabot niya ang ilang mga gamit kay Danita, at sinisiguradong nache-check iyon nang maigi sa listahan. Nasa ganoong estado siya nang lapitan siya ng ina ng groom, si Mrs. Cistinah Buenavista. Sa katunayan ay ito ang tumawag sa firm nila noon, kaya naman ito ang una niyang nakilala. "Kind, I would like to thank you for this successful event." Tinigil niya ang ginagawa at nginitian ang magandang ginang. Mrs. Cistinah Buenavista still looks young. Sa katunayan nga ay parang mas matanda pa siya rito. Walang kupas ang ganda nito at hindi niya mapigilan ang sarili na humanga dito. She wants to be just like her when she grew older. Kaya naman pinag-iigi rin niya ang pag-aalaga sa katawan at kalusugan. "Salamat din po sa tiwalan ninyo, Ma'am." Magalang niyang sabi. "I hope that you'll be the one to organized the future weddings of my two other sons." "Sana nga po, Ma'am." But she doubt that will ever happen. Lalo na at pumasok sa kaniyang isip ang nangyari sa dalampasigan sa pagitan niya at sa kung hindi siya nagkakamali, ay bunso nitong anak. "You know what, you actually look like a foreigner, but you are so fluent in Tagalog. Have you been living here in the Philippines since birth?" Kitang-kita niya sa mukha nito ang kuryosidad. "And I really like your name, by the way." Umiling-iling siya bilang pagsagot. "I started living here not a long time ago. Ilang buwan pa lamang po akong nakatira dito, at hindi po kayo nagkakamali. I am half-Russian, one-fourth Filipino and one-fourth Spanish." "Oh, so you are a mixed just like me. Sigurado akong magiging magaganda at guwapo rin ang mga magiging anak mo." Isang ngiti na lamang ang isinagot niya sa ginang. Sa katunayan ay hindi pa pumasok sa isip niya ang pag-aasawa. Ang atensiyon kasi niya ay nakatuon sa paghahanap sa nawawalang ama at kapatid. Bigla tuloy natanong ng isip niya kung kailan kaya niya mahahanap ang dalawa. "Are you married?" Tanong bigla ng ginang sa kaniya. "Naku hindi pa po," umiling-iling siya at nahihiyang napangiti. Makahulugang ngiti rin ang ibinalik sa kaniya ng ginang at wala siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon. "What happened to your shoes by the way?" Bigla na lamang kumunot ang noo nito nang makita ang kaniyang paa. Nahihiya tuloy niyang naitago sa likod ng isa niyang binti ang paa na walang sapin. "Ah, inanod po sa dagat kanina nang hindi ko napapansin. Natuon po kasi ang atensiyon ko sa panonood sa mga alon," pagsisinungaling niya. Nakahihiya namang sabihin niya rito na ibinato iyon sa dagat ng suplado nitong anak. "Oh, is that so? That happened to me too in the past." Kumunot ang mga mata niya nang makitang hinuhubad ng ginang ang suot nitong mamahaling sandals. "Here. Wear this." Namilog ang kaniyang mga mata at bahagyang napaatras. "Naku, hindi na po." Nahihiya niyang pagtanggi. "Diyan lamang naman po ako sa Hotel Buenavista tutuloy ng ilang araw," malapit na malapit lamang kasi ang hotel na iyon, Although nasa kabilang isla, ilang minuto lamang ang layo niyon kapag sumakay ng motorboat. "Isa pa, nakakahiya po. Maaari naman po akong bumili ng tsinelas sa souvenier shop." "Tsk, huwag ka nang mahiya, ija." Wala na siyang nagawa nang ito mismo ang magtapat ng sandals sa kaniyang mga paa. "S-salamat po." Nauutal niyang sabi. Saktong-sakto lamang sa paa niya ang sandals nito. Parehas na pareha sila nang sukat ng mga paa ng ginang. "You are welcome." Bumaling ito sa asawa na nakatayo sa hindi kalayuan at kausap ang pamilya ng bride. "Terrence!" Sigaw ng ginang. Sumenyas ito, pinapalapit ang asawa. Matikas pa rin ang asawa ng ginang, at bagay na bagay ang dalawa. Agad namang lumapit ang lalaki nang makita ang pagsenyas ng asawa nito. Malalaki ang hakbang nito nang tinahak ang kanilang direksyon. "What is it, darling?" Tanong nito sa asawa. "Buhatin mo ako. I don't have shoes." Itinago ni Kind ang ngiti. Parang isang teenager ang ginang na nanghihingi ng atensyon sa nobyo. "What happened to your shoes?" Kunot-noong tanong ng asawa nito habang iniipit ang ilang hibla ng buhok ng ginang sa likod ng tenga nito. Kind found that gesture really sweet. "I lost it." Pagsisinungaling ng ginang. "Piggy back ride, please." Agad naman sumunod ang asawa nito. Tumalikod at bahagyang yumukod upang makasampa sa likod nito ang ginang. "Here. Careful. Yumakap ka nang maigi sa leeg ko." Inalalayan nito ang ginang na makapag-piggy back ride sa likod nito. "You good?" Kapakuwan ay tanong nito sa asawa. "Yep!" Kind heard Mrs. Buenavista happy answer. She even heard her popping the sound of 'p'. Napaka-sweet ng dalawa. Sa katunayan ay mukhang suplado si Mr. Buenavista. Kaya naman bahagyang nagulat si Kind nang makitang sweet na sweet ito pagdating sa asawa. Lumaki pa ang ngiti niya nang bahagyang lumingon sa kaniya ang ginang at kinindatan siya. Mukhang pinagplanuhan talaga nito na makuha ang atensiyon ng asawa. Oh, how she wish to find a man with the same personality. It must be nice to have someone who will treat you like you deserve every good thing in this world. Mukhang matagal pa bago siya makahanap ng ganoon sa kaniyang buhay. Ni kapatid at ama nga niya ay hindi niya makita, love life pa kaya? Napailing-iling na lamang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. *** "Goodnight, Danita. Goodnight, Mina. See you guys, tomorrow." Pagbati niya sa dalawang assistant. Ang kuwarto ng mga ito ay katapat lamang ng sa kaniya. Magkasama ang dalawa sa kwarto at siya ay piniling humiwalay. Hindi kasi siya kumportable na may ibang kasama sa kuwarto. She's been alone all this time. Miski ang kaniyang ina, noong nabubuhay pa ito, ay bilang lamang sa daliri kung kailan niya nakatabing matulog. "Goodnight, Miss Kind." "See you tomorrow, Miss Kind." Bati rin ng mga ito sa kaniya bago tuluyang pumasok ng kuwarto. Ibinagsak niya ang katawan sa kama nang makapasok sa kuwarto. Alas dos 'y media na ng madaling araw ang oras na isinasaad ng orasan na nakasabit sa pader. Nanakit na ang kaniyang likod dahil sa pagliligpit na ginawa kanina sa pinagdausan ng reception. At sa wakas, ngayon ay makapagpapahinga na rin siya. Kinuha niya ang de-keypad na cellphone at tiningnan kung may na-receive siyang tawag o text man lamang mula kay Hiraya. Ngunit tulad ng mga nakalipas na buwan, wala pa ring paramdam ang kaibigan. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at hinubad ang sandals na suot. Hindi pa rin siya makapaniwala na basta na lamang iyon ibinigay sa kaniya ng ginang gayung napakamahal ng brand na nakatatak doon. Inilabas niya mula sa bag niya ang sapatos niya na wala nang kapares. Napasimangot siya. Sayang naman ang kapares niyon na paniguradong palutang-lutang na sa kung saan. Kahit papaano ay nalungkot siya. May sentimental value din kasi sa kaniya ang sapatos. Iyon ang kauna-unahang nabili niyang bagay nang unang beses siyang makasahod sa firm na kasalukuyang pinagtratrabahuhan ngayon. Before the firm, she was homeless, broke, and in the verge of hunger. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa amo niya sa pagtitiwala sa kaniya. At nang mabili niya ang sapatos na iyon, talaga namang kakaibang saya ang kaniyang naramdaman. Ngunit sa panget na paraan lamang pala mawawala ang kapares niyon. Napabuntong-hininga na lamang siya at binitawan na ang sapatos. Kumuha siya ng sweater at jogging pants mula sa dala niyang maleta at nagtungo sa banyo. She took a quick bath, at nang matuyo niya ang buhok ay naisipan na niyang matulog. Ngunit pahiga pa lamang siya ay saka naman siya nagsimulang sikmurain. Nag-iingay ang kaniyang tiyan at ramdam niya ang p*******t niyon. Oo nga pala, isang beses lamang siya nakakain ngayong araw. Paano ay nakalimutan niya iyon sa sobrang pagkaabala sa pag-aasikaso ng kasal. Kinuha niya ang wallet mula sa bag, sinuot ang sandals at itinali ang kaniyang buhok. Tinungo ang elevator at pinindot ang unang palapag. Sa pagkakaalala niya ay mayroong twenty-four seven na restaurant sa tabi lamang ng hotel na iyon. Tutal ay mayroon pa silang tatlong araw bago bumalik sa Maynila, susulitin na lamang niya ang mga araw na iyon. Nang lumabas siya mula sa Hotel Buenavista ay kita pa rin niya ang mga taong nakaupo sa may dalampasigan at nagkukuwentuhan. At kahit lagpas alas dos 'y media na ng madaling araw ay may nakikita pa rin siyang lumalangoy, at nagkakatuwaang magbabarkada sa mga floating cottages. She somehow feel excited. Hindi talaga niya palalagpasin ang maiksing bakasyon niyang ito. She has never been in a beach before even when she was in Russia. Hindi siya pinapayaan noon ng kaniyang ina, kahit pa kasama at pinagpapaalam siya noon ni Hiraya. The beach is one of the places that is off-limits. Naglakad siya patungo sa restaurant. Halos lumubog ang kaniyang paa sa buhangin ngunit diretso pa rin siya sa paglalakad. Pakiramdam nga niya ay masisira kaagad niya ang sandals na bigay ng ginang sa kaniya. Kaya naman napagdesisyunan niyang dumaan mamaya sa mga souvenier shop upang bumili man lamang ng tsinelas. Walang katau-tao sa loob ng restaurant. Siya lamang ang customer sa mga oras na iyon. Kung meron man ay ilang crew iyon. Isa sa mga iyon ay matandang babae. And that's new to her. The woman belongs in the age bracket of people who shouldn't be working anymore. Umupo siya sa table malapit sa sulok. Lumapit naman sa kaniya ang matandang babae. "Ma'am, ito ho ang menu." Magalang na sabi nito sa kanya bago inabot ang menu. Lahat nang pagkain sa menu at talaga namang mukhang nakatatakam. Mas lalo pa tuloy nag-ingay ang kaniyang tiyan. Agad siyang pumili ng makakain at sinabi iyon sa matandang babae. "Aasikasuhin ko na po ang order ninyo, Ma'am. Pahintay lamang po saglit." "Salamat po." Tinalikuran na siya ng matandang babae at pumasok sa kusina. Lumibot ang tingin niya sa kabuuan ng restaurant. Maganda iyon at malinis. Talaga namang nare-relax ang ambience. Dapat pala ay kinatok niya sina Danita at Mina, at niyaya ang mga ito. Kaso nga lang ay sigurado siyang napagod din ang dalawa at paniguradong nag-aamot na ng tulog. Yayayain ko na lamang sila dito bukas ng tanghali. Sabi ng kaniyang isip. Minuto lamang ang lumipas nang tumunog ang bell sa may itaas ng pinto ng restaurant na iyon, hudyat na may pumasok. "Oh, Sir Cruel, ang aga ho yata ninyo?" Sabi ng isang empleyadong lalaki at lumapit sa bagong dating. Napalingon tuloy siya sa kinakausap nito. "No customers?" Tanong nito. "Meron hong isa," sagot naman ng lalaki at sabay na napatingin sa direksyon niya. Natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaking bagong pasok. Naka-sweater din ito at jogging pants, tulad ng suot niya. Umawang ang kaniyang labi. "Ikaw na naman?" "I should be the one saying that." Unti-unti lumapit sa kaniya ang lalaking tinawag sa pangalang 'Cruel.' Oh, dear Lord. What a coincidence. A guy with an attitude completely opposite to her, and now his name too? Kumunot ang noo niya nang makitang hinatak ng lalaki ang upuan na nasa tapat niya, at walang paalam man lamang na naupo doon. Ang lamesa ay nasa pagitan nilang dalawa. "What do you think you are you doing, mister?" Nagkrus ang kaniyang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. "Sitting." Sarkastiko nitong sagot bago ipinatong ang isang siko sa mesa at nagpalumbaba sa harap niya. "And what are you doing in my restaurant?" "What people do in restaurants. To eat." Sarkastiko rin niyang sagot. Umangat ang isang kilay nito. He grinned after he realized that she just returned a solid burn to him. "And how's your shoe?" Muling tanong nito, obviously trying to piss her off. Napasimangot siya, na mas ikinalaki naman ng mapang-asar nitong ngiti. Naku, kung pwede lamang niyang punitin ang pesteng labi nito ay baka kanina pa niya ginawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD