“Ayan na Tita, hindi nagsisinungaling ang hitsura niya! Totoo ang sinasabi ko. She had an affair, hindi ko kasalanan kung nasira man ang relasyon nila Jake. Siya ang may kasalanan at hindi ako." Tuloy si Farah sa kasinungalingan binuo niya para pagtakpan ang sariling kagagawan. Habang si Arwena ay tuluyan nang hindi makapagsalita, nakatitig na lang ito sa Mama niya—titig ng dismaya dahil sa tingin nito na parang naniniwala sa sinasabi ni Farah. Gusto niya pa sanang kontrahin ang mga sinasabi ni Farah, pero nagdadalawang isip na siya dahil sa mapanghusgang tingin na galing mismo sa Mama niya. “Arwena? Totoo ba ang sinasabi ni Farah? Kaya ka ba umalis para itago ang nagawa mo? How could you? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan,” sabi nito na sinabayan ng paulit-ulit na pag-iling. Kun

