bc

Chasing Love: A Second Chance At Forever

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
dominant
boss
lighthearted
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Bitiwan mo ako, please." Kahit nahihilo at nanghihina, buong lakas pa ring nagpupumiglas si Arwena mula sa mahigpit na paghawak ng lalaking kumaladkad sa kanya palabas ng bar. Kaya lang, kahit anong pagpupumiglas ang ginawa niya ay hindi pa rin siya binibitiwan nito. Mas humigpit pa ang paghapit nito sa baywang niya sa puntong halos buhatin na siya. "Sumama ka na lang ng maayos at tumahimik ka kung ayaw mong masaktan," gigil na bulong nito kasabay ang paghawak sa pisngi niya. Sandaling natigil ang paghagulgol ni Arwena, pero luha niya ay hindi tumigil sa pagpatak na sumabay sa malakas na kabog ng dibdib niya. “Bitiwan niyo na ako! Tulong—” naputol ang pagsigaw niya nanghawakan siya sa leeg ng lalaking walang puso at diniin sa hood ng kotse. Paulit-ulit na umiling si Arwena, kasabay ang panginginig ng buong katawan. "Please, bitiwan mo ako, ayoko—" Hinarang niya ang mga palad sa pagitan nilang dalawa sabay ang pag-iwas ng mukha niya na akmang hahalikan ng lalaki. "Stop acting like you're a virgin!" sikmat ng lalaki, kasabay ng paglapat ng katawan nito sa kanya. Diin na diin sa puntong ramdam agad ni Arwena ang p*********i nito. "Lumayo ka! Ayoko nga sabi, ayoko!" Halos pumutok na ang mga ugat sa leeg niya sa kasisigaw at pakiusap sa lalaki na wala siyang balak pakawalan hangga't hindi nakukuha ang gusto nito. "Please let me go, ayoko sa'yo! Ayoko! Maawa na kayo.” Paulit-ulit siyang nakikiusap at buong lakas na sumigaw, pero sa ingay at dilim ng lugar kung saan siya dinala ng lalaki ay imposible na may makakarinig sa kanya. "Ayaw mo? But earlier on the dance floor, it seemed like you were inviting everyone to fvck you!" sabi ng lalaki habang inamoy-amoy na ang leeg at pisngi niya. Paulit-ulit na umiling si Arwena at pilit iniwas ang mukha sa lalaki na parang gutom na gutom at gusto na siyang kainin. Hindi pa nga lumapat ang labi nito sa balat niya, pero diring-diri na siya. "Don't do this… 'wag po, maawa ka na, please… 'wag—" Kasabay ng sigaw at pagmamakaawa niya ay hampas sa mukha ng lalaki. Pero parang hindi nito ramdam ang sakit ng mga hampas niya. Ang maangkin siya ang tumatakbo sa buong sistema nito. "Stop resisting; this won't take long, but I well make sure, pareho tayong mag-e-enjoy—" Kasabay ng pahingal na pagsasalita ng lalaki ay ang pagbaklas ng sinturon at pagbubukas ng zipper niya. Ang bilis na rin ng mga galaw nito na parang may hinahabol. Tinakpan na rin nito ang bibig ni Arwena, at pinupog ng marahas na halik ang leeg niya. Puro iyak at mahinang hampas na lang ang nagawa ni Arwena. She felt helpless. Sa bawat sigaw niya; sa bawat panlalaban ay lalo lang siyang nanghihina. Nawalan na siya ng pag-asa na makawala sa mabangis na lalaking gustong angkinin siya. "No, don't do this!" Habang pinipilit ng lalaki ang sarili kay Arwena, nagbalik naman sa alaala niya ang dahilan kung bakit siya napadpad sa bar at naglasing mag-isa. Gusto niya lang naman sanang makalimot. Gusto niyang mawala ang sakit—sakit na pinaramdam sa kanya ng lalaki na akala niya ay tunay siyang mahal pero hindi pala. Gumuho ang mundo niya nang masaksihan ang kataksilan ng nobyo at best friend niya. Hindi niya matanggap na ang dalawang tao na pinagkakatiwalaan at minahal niya ng sobra-sobra ay nagawa siyang saktan at pagtaksilan. "kasalanan mo, kaya nagloko ako—kasalanan mo kung bakit naghanap ako ng iba. Lalaki ako Arwena, may pangangailangan na hindi mo maibigay." Hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ng kanyang nobyo. Paulit-ulit niyang naitanong sa sarili, kasalanan nga ba niya? Siya nga ba ang nagtulak sa nobyo niya na maghanap ng iba? Kung binigay niya ba ang sarili ay hindi siya magtataksil? "Bakit sa kanya pa, Jake?" "Farah bakit? Best friend mo ako, you are like a sister to me, pero bakit mo nagawa sa akin 'to? Bakit inahas mo ang boyfriend ko?" " 'Wag mong isisi sa akin ang pagkukulang mo, Arwena. Kung naging mabuting girlfriend ka, kung binigay mo sa kanya lahat, hindi sana siya naghanap ng iba na pupuno sa pagkukulang mo. And it's not my fault, kung sa akin niya nahanap ang tunay na saya na hindi mo kayang ibigay sa kanya!" "Umalis ka na Arwena!" "Jake, akala ko ba, mahal mo ako? Akala ko ba handa kang maghintay? Minahal mo ba talaga ako?" Kung gaano ka desperada si Arwena na makawala mula sa lalaking hayop na gusto siyang angkinin ngayon ay gano'n din siya ka desperada na malaman kung minahal nga ba siya ng nobyo na siyang pinaglalaanan niya ng lahat. "Minahal kita, Arwena. Totoo ‘yon, but you’re so boring, nakakapagod kang mahalin—nakakapagod hintayin. Kaya bakit pa ako maghihintay kung mayro'n namang babae na willing ibigay ang lahat sa akin at kayang-kaya akong dalhin sa langit ng walang pag-aalinlangan." Kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Arwena ay ang pagpatak ng mga luha niya. Puno ng galit ang puso niya—galit sa boyfriend at best friend niya na siyang dahilan kung bakit siya napapahamak ngayon. Sila ang nagdala sa kanya sa sitwasyon niya ngayon na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o tuluyan nang masisira ang buhay niya. "Bitiwan mo ako, hayop ka!" Inipon niya ang buong lakas, maitulak lang ang lalaking halang ang kaluluwa na ngayon ay marahas na hinihimas at pinipisil-pisil ang hita niya. "Sabi nang tumahimik—" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin. Hindi rin alam ni Arwena kung ano ang nangyari, basta naramdaman na lang niya na may humatak sa lalaking hayop palayo sa kanya, at pagdilat niya ay nakabulagta na ang hayop sa harapan ng kotse. Bukas ang ilaw ng kotse kaya kitang-kita niya kung paano pinagsisipa ng lalaking tumulong sa kanya ang hayop na lalaki. "Don't dare make a move, kung ayaw mong mamatay ngayon din!" Isang sipa pa ang ginawa ng lalaki sa walang hiya kasabay ng singhal. Habang si Arwena ay napaupo na lang habang takip ang mga palad sa tainga at paulit-ulit na umiling. Kalat-kalat na rin ang kolorite niya sa mukha. "Mr. Tan, anong nangyari?" "Where the hell have you been?" Imbes na sagutin ang tanong ng tauhan niya ay galit na hinawakan nito ang balikat at patulak na binitiwan. "Sorry, Mr. Tan, tinawag po kasi ako ng kalikasan," sagot nito habang na kay Arwena na ang tingin. "Bring that asshole to the police station," utos niya sa tauhan niyang bakas ang pagtataka sa mukha. Rinig na rinig ni Arwena ang usapan, pero wala na siyang lakas na tumayo o harapin ang lalaki na tumulong sa kanya. "Miss, tahan na, you’re safe now?" mahinahong sabi ng lalaki kasabay ang paghaplos sa balikat ni Arwena. She gazed at the man's hand and then slowly lifted her head. Her eyes met his, and it was like magic, erasing all the pain and fear she felt. "Come with me, hayaan mo akong ilayo ka sa lugar na ‘to.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
474.5K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
521.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
613.6K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook