Story By SWEETJELLY
author-avatar

SWEETJELLY

ABOUTquote
sweet na selosa?sweetjelly? pa hit ng f0ll0w☺️ RomCom/lighthearted/light action, drama, spg. Completed/PTR-Arrianne\'s Door Completed/PTR-Nilimot Na Alaala Completed/PTR-When Heart Beats Ongoing/Free-Her Nerdy Secret Add n\'yo na po sa library n\'yo. \'Di lang saya at kilig ang dala ng mga storyang \'to, may mapupulot ka pang aral☺️
bc
Her Nerdy Secret
Updated at May 4, 2024, 17:14
Si Erica Abijero, The Nerd, kung tawagin ng mga kaklase niya. Siya ay mahiyain, duwag, at walang lakas ng loob na kalabanin ang mga kaklase na walang ibang ginawa kung hindi ang bully-hin siya. Hindi makabasag pinggan, yuyuko lang sa tuwing pagtitripan, ngunit sa likod pala ng pagiging-nerd at mahiyain ay may sikretrong nakatago. Paano kung isang araw ay mabunyag ang sikreto na iyon? Magiging dahilan ba iyon para lalo siyang maging tampulan ng tukso at panghinaan ng loob, o magiging dahilan upang lumakas ang loob at matutong lumaban sa mga taong hinuhusgahan siya?
like
bc
Chasing Love: A Second Chance At Forever
Updated at May 3, 2024, 21:03
Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
like
bc
When Heart Beats
Updated at Apr 23, 2024, 23:10
Minsan nga lang tumibok ang puso. Doon pa sa taong hindi inaasahan. Si Cahaya Villarin, isang dalagang napilitan na lumayo. Matakasan lamang ang mga magulang na gusto siyang gawing pambayad utang. Napadpad sa isang liblib na lugar kung saan doon namuhay ng payapa. Malayo sa mga magulang at magulong syudad na kinagisnan. Pero ang payapang pamumuhay ay bigla na lamang nagbago at gumulo dahil sa lalaki na tinulungan. Ano ang dalang pagbabago ng lalaki sa buhay ni Cahaya? Ito ba ang magiging dahilan upang tuluyang makalimutan ang buhay na tikasan o ito ang magiging dahilan upang lisanin ang lugar na pinagtaguan.
like
bc
Arrianne's Door
Updated at Jul 10, 2023, 23:34
Boss mong akala mo ay galit sa\'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba? Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala. Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?
like
bc
Nilimot Na Alaala
Updated at Jul 8, 2023, 08:42
Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig. Si Romeo Cordova. Dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya panghambuhay ay unti-unting nagbago. Dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan. Umalis na wala man lang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala ng nakaraan. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dala na pagbabago ni Diego sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang gawin makuha lamang ang ninanais na pag-ibig.
like
bc
The Outcast Billionaire (Nelson De Vedra)
Updated at Apr 13, 2023, 04:20
Namulat sa karangyaan pero itinakwil ng basta na lang. Bumaliktad ang mundo ni Nelson nang itinakwil ng mga magulang. Ang masakit, hindi niya alam ang tunay na dahilan. Ngunit sa isang iglap, hinahatak na naman siya sa mundo ng pamilyang nagtakwil sa kaniya, na hindi pa rin alam ang dahilan. Babalik pa kaya siya sa buhay ng mga taaong nagtakwil sa kaniya o tuluyan niya na itong tatalikuran? Paano kung sa muling pagbaliktad ng mundo niya ay siyang pag-cross ng landas nila ng babaeng dating minahal? Malalaman pa kaya niya ang mga kasagutan sa likod ng pagtakwil ng pamilya sa kaniya? May pag-asa pa ba kaya sila ng babaeng minahal o muli lamang mawawasak ang puso niya?
like