bc

Arrianne's Door

book_age16+
878
FOLLOW
5.0K
READ
escape while being pregnant
independent
brave
maid
drama
comedy
bxg
city
realistic earth
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Boss mong akala mo ay galit sa'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba?

Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala.

Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Napabuntong-hininga ako pagkababa mula sa eroplanong sinakyan ko. Ito na ang simula ng pagbabago buhay ko. Buhay na malayo sa nag-iisang dahilan kung bakit narito ako ngayon sa lugar na ibang-iba sa aking nakasanayan—ang mama ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba itong naging desisyon ko pero nandito na nga ako. Hindi na ako pwedeng umatras. Mariin ako'ng pumikit at pagdilat ay simula na ang aking paghakbang. Sinundan ang mga tao na galing din sa sinakyang eroplano. Diretso na ako'ng naglakad palabas ng airport, kung saan tumambad sa akin ang maraming sasakyan at mga tao na ang bibilis maglakad. Lahat ay nagmamadali na parang may hinahabol. Ang ingay ng paligid, busina dito, busina doon. Ang lapad pa ng mga kalsadang nakikita ko. Muli akong bumuntong-hininga. Tapik ko ang dibdib ko na hindi matigil ang kaba. Halo-halo ang nararamdaman ko, takot, kaba, at excitement. "Kaya mo 'to Arrianne, matapang ka. Kakayanin mo ang bago mo'ng buhay. Laban para kay Nanay at sa'yo," tahimik ko'ng pag-cheer sa aking sarili. Matapos palakasin ang sarili, pumara ako ng taxi at inabot sa driver ang papel kung saan nakasulat ang address ng pupuntahan ko. Ang address na binigay sa akin ng agency. Mamamasukan ako bilang hardinera sa isang mayamang pamilya. Habang sakay ng taxi, hindi pa rin matigil ang pag-iisip ko. Marami pa ring tumatakbo sa isipan ko. Nandoon ang pag-aalala kung mababait ba o salbahe ang magiging boss ko o okay lang ba si Mama ngayong wala ako sa tabi niya. Hanggang sa marating namin ang exclusive village. Sandaling huminto ang taxi, kasabay ang paglapit ng dalawang guards. Sandali nilang kinausap ang driver, saka ito nagpatuloy sa loob ng village. Hindi na ako magkamayaw sa kalilingon sa paligid. Ang gaganda ng mga bahay na nakikita ko. Napapangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan. Napaghalata na ignorante ako. "Wow!' bulalas ko nang tumigil ang taxi sa harap ng isang mansyon. Napakagandang mansyon na sa panaginip ay hindi ko naisip na makapasok. Agad ako'ng bumaba, awang ang bibig gaya ng pinto ng kotse na nakalimutan ko nang isara. Narinig ko na lamang ang tawa ng driver. Napagtanto niya siguro na mamamasukan lamang ako bilang kasambahay sa napakagandang mansyon na ito. "Salamat po," sabi ko sa driver, matapos ibigay ang bayad ko. "Walang ano man, Ma'am," sagot naman nito at ngumiti bago umalis. Bitbit ang hindi kalakihang bag. Mabagal akong naglakad papunta sa gate at pinindot ang doorbell. Kaagad namang nagbukas iyon at dumungaw mula roon ang guard. "Magandang hapon po. Ako po ang bagong hire na hardinera," pakilala ko kasabay ang pag-abot ng mga katibayan na galing sa agency ko. Walang ano mang salita na tinanggap iyon ng guard at binuklat isa-isa at nang masiguro na tunay ang mga ito, saka niya na ako pinapasok. Tahimik ako'ng sumunod sa kanya, kasabay ang panakanakang sulyap sa paligid. "Dumito ka muna, tatawagin ko muna si Aling Donna," mahinahong sabi ng guard. "Sige po, salamat," mahina ko'ng tugon, nag-iingat kasi ako na hindi mabaliktad ang dila ko kapag nagsasalita dahil nga hindi ako sanay magsalita ng tagalog, kasi nga bisaya ako. Habang naghihintay, binusog ko muna ang mga mata ko sa paglibot ng tingin sa buong paligid. Ang ganda ng mga halamang nakikita ko, kaya lang mukhang hindi na alagaan. Ang daming lantang dahon at masyadong malago na ang iba kaya kalat na itong tingnan. Naisip ko na kaya nga sila kumuha ng bagong hardinera, para may mag-alaga sa mga halaman nila. Ang laki nitong mansyon at ang ganda. Pero ramdam ko ang lungkot. Parang walang buhay. Walang ingay at wala ako'ng nakikita na ibang tao bukod sa tatlong guards. Siguro laging busy sa mga trabaho ang mga boss ko. Sana lang mabait sila. Maya maya ay nakita ko nang papalapit ang isang matandang babae, mga nasa late 50's ang edad sa tantiya ko. May puti na itong buhok at naka-uniform ng kulay itim na may puti sa collar. Agad akong tumayo hindi pa man sila tuluyang nakalapit. "Magandang hapon po," magalang kong bati. Ingat na ingat pa rin sa pagbigkas ng salita. "Magandang hapon," sagot ng matanda na wala man lang kangiti-ngiti. Napalunok na lamang ako sa turan ng matanda. Alam ko'ng siya ang katiwala ng mansyon. Sa awra pa lamang niya ay bakas na ang pagiging strikto. Hinangod pa nga ako ng tingin, mula ulo hanggang paa "Ako po si Arrianne Dela Zerna, ang bagong hire na hardinera," pakilala ko sa matanda. Hindi ko naman mapigil ang makaramdam ng pagkailang. Paano kasi, kita ko sa gilid ng aking paningin ang pag-smile ng guard na nagbukas sa akin ng gate kanina. Bukod sa ngiti niya, nakakailang din ang mga titig nito. Hindi na nga siya kumurap. "Donna," pakilala ng matanda kasabay ang pag-abot ng kamay na agad ko namang tinanggap para kamayan siya. Sinabayan ko pa ng ngiting na-iilang. Talaga naman kasing nakakailang siya. Ayaw nga niyang ngumiti, naka-straight face lang siya. "Ako ang mayordoma ng tahanang ito," sabi niya na seryoso pa rin ang mukha. "Tawagin mo na lamang akong Aling Donna gaya ng tawag sa akin ng iba," sabi niya pa. "Opo, Aling Donna," sagot ko. Habang nagsasalita ang matanda, hindi ko pa rin maiwasan na muling mapasulyap sa guard na nakatayo pa rin malapit sa amin ni Aling Donna. Isa rin siyang nakakailang. Kanina pa kasi siya nakangiti at hindi man lang nahihiya kahit mahuli ko pa na nakatitig sa akin. Loko din 'to, ah! Kararating ko nga lang, pagka-interesan ba agad ako. Sorry siya at wala akong interest sa mga lalaki. Trabaho ang pinunta ko rito at hindi lalaki. "Hoy, Ronan! Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Bumalik ka na sa pwesto mo," bulyaw ni Aling Donna nang mapansin itong hindi pa rin umalis malapit sa amin. Kamot sa ulo na lamang ang tugon ng lalaki na tinawag ni Aling Donna na Ronan. Umiiling-iling ito na bumalik sa guard house habang pinagtatawan ng dalawang kasama. Nang makalayo ang guard. Niyaya ako ni Aling Donna na pumasok na sa loob. Pero ang ipinagtataka ko, hindi kami sa main door dumaan. Sa gilid ng mansyon kami dumaan. Hindi pa nga maalis ang tingin ko sa malaking pinto na iyon. Malapit lang kasi kami ro'n pero lumayo pa kami. Para namang may magagawa ako kung saan man ako padaanin ng matandang masungit na ito. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nililibot pa rin ang paningin sa paligid. "Dito ang daan nating mga naninilbihan sa mansyon. Ito ang daan papuntang maid's quarter. Hindi tayo pwedeng dumaan sa main door kahit na anong mangyari," sabi ni Aling Donna. Tahimik lang ako'ng nakikinig sa mga sinasabi niya. A kahit nagtataka ako kung bakit hindi kami pwedeng dumaan sa main door, pinili ko na lang na huwag magtanong. Baka isipin niya na kalahi ko ang mga marites. "May sariling kusina at sala ang maid's quarter. Magkahiwalay ang mga babae at lalaki," patuloy ng matanda hanggang sa makapasok kami. Diretso ang punta niya sa kusina habang nakasunod pa rin ako. Nagtimpla siya ng kape at inabot iyon sa akin, kasabay ang pagsabi na maupo ako. Tahimik na siya habang tinititigan ako. Mahilig ako sa kape pero ngayon, hindi ko magawang humigop. Kamot sa leeg na lang ang ginawa ko. May dalang higad kasi ang mga tingin ng matandang ito, nangati akong bigla. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" seryosong tanong niya. "Arrianne po, taga Negros po ako. Twenty-three years old na po ako," tugon ko. "Pangalan mo lang ang tinatanong ko, pati address at edad, sinabi mo na." Naka-straight-face pa rin siya at hindi mawala ang pagkakatitig sa akin. "Bawal ang makipagrelasyon sa katrabho mo rito," may diin nitong sabi. Pero ewan kung bakit natawa ako. Lalo tuloy sumama ang timpla ng mukha niya. Ginalit ko pa yata ang matanda. Napalunok-laway na lamang ako at nagbaba ng tingin. "Walang nakakatawa, Arrianne. Isa lamang iyan sa mga dapat mong tandaan na mga rules dito sa mansyon." Talagang hindi pala iyon biro. Napalunok uli ako. "Ano pa po ang ibang rules na dapat kong tandaan?" tanong ko. "Bawal kang dumadaan sa main door," maagap niyang tugon. "Nasabi niyo na po iyan kanina," sagot ko naman agad. Pabida ako, matalas daw ang memorya. "Siguraduhin mo, kahit anong mangyari, hinding-hindi ka dadaan do'n. Kahit pa may mamatay sa harap ng main door!" Mas lalong bumakas ang pagiging estrikto niya habang sinasabi 'yon. Pero hindi ko napigil ang pagkunot ng noo. Kahit sino naman siguro, hindi makakayang manood lang kung may taong naghihingalo sa harap mo. Pero mahigpit na bilin kaya kailangan sundin. "Alam ko ang iniisip mo, Arrianne. Basta sundin mo na lamang ang sinasabi ko." "Opo," sagot ko, at hindi na naman nag-usisa pa kung bakit may ganong rules dito sa mansyon. "Mamaya, ipakikilala kita sa iba pa nating mga kasama. Bukas ka na rin magsimula sa trabaho. Magpahinga ka na muna kung gusto mo. Iyan ang kwarto mo." Turo niya ang kwarto na malapit sa pinto papasok sa loob ng mansyon. Agad na rin ako'ng pumasok sa kwarto na tinuro sa akin ni Aling Donna pag-alis niya. Medyo pagod na rin kasi ako. Hindi nga kasi ako sanay sa mahabang byahe. Maayos naman ang kwarto ko. May single bed, may kumbre kama na, at may dalawang unan. Tamang-tama lamang ang laki ng silid. Ang ikinatuwa ko, may sariling banyo ang kwarto ko. Patango-tango ako habang nilibot ang paningin sa loob ng silid. Lumapit ako sa may cabinet, sakto lamang din ang laki no'n. May laman na iyong dalawang jumpsuit na kulay green at may bulaklak pa talaga sa harap. Ito yata ang uniform ko. Kulay green pa talaga. Isang tingin lang. Alam na agad, isa akong dakilang hardinera. Napangiti na lamang ako at umupo sa gilid ng kama. Malambot din naman iyon kaya alam ko na magiging komportable ang pagtulog ko. Sana magiging komportable nga. Ito ang unang beses na wala si Mama sa tabi ko. Ngayon pa nga lang, sobrang miss ko na siya. Paano pa sa susunod na mga araw? Muli ko pa'ng nilibot ang paningin sa maliit na silid na ito. Hanggang sa matuon ang paningin ko sa malaking kahon na katabi ng cabinet. Ayaw ko na sanang pansinin iyon, kaya lang na curious akong bigla sa nakita kong naka-usling matulis na bagay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook