Prologue
Divinagracia Interprises, 15th Floor – CEO’s Office
Ang bawat tunog ng stiletto heels ko sa sahig ay parang t***k ng aking pusong matagal nang sugatan, pero ngayo’y buo na ang desisyon. Matibay at matatag.
Dalawang dokumento ang hawak ko.
Isang resignation letter.
Isang annulment petition.
Dalawang papel na pareho ang ibig sabihin… paglaya.
Huminga ako ng malalim. Saglit na ipinikit ang mga mata. Nasa harap ko na ang pinto ng opisina ng CEO. Isang kwartong pamilyar ngunit laging malamig—parang relasyon naming dalawa ng aking asawa. Walang init. Walang emosyon.
Kumatok ako. Isang beses lang.
“Come in,” malamig na boses ang tumugon mula sa loob. Boses na dati kong inasam marinig… pero ngayon, gusto ko na lang kalimutan.
Binuksan ko ang pinto. At nandoon siya.
Si Bart Divinagracia.
Ang CEO ko.
Ang asawa kong hindi kailanman ako minahal.
Naka-upo siya sa harap ng desk, tiklop ang mga kamay, nakatutok sa laptop. Hindi man lang ako tinignan.
“Sir,” mahina ngunit matatag ang boses ko.
Huminto siya sa pagta-type. Dahan-dahang tumingala.
Ang malamig niyang mata, saglit na nagulat—pero agad ding bumalik sa walang buhay niyang maskara.
“Yes, Ms. Lacosta?”
Ms. Lacosta.
Bahagya akong napangiti.
Oo nga pala. Sa kumpanyang ito, sekretarya lang ako. Empleyadong pinapasweldo niya. Hindi asawa.
Hindi ako agad sumagot. Dahan-dahan kong inilapag ang dalawang sobre sa ibabaw ng mesa.
Isa, kulay cream—pormal, corporate.
Isa, kulay puti—legal, personal.
“What’s this?” tanong niya habang nag-angat ng kilay.
“I’m resigning,” sagot ko. Deretsahan. Walang paliguy-ligoy. Layunin ko lang ngayon ay tapusin ang paghihirap ko.
Bago pa siya makapagsalita, itinulak ko palapit ang puting sobre.
“At ito… petition for annulment.”
Biglang tumahimik ang buong silid. Parang huminto ang oras.
Ang lalaking minsang hindi ko maabot-abot, hindi ako kailanman minahal. Ngayon ay napatulala. Napatitig sa akin na parang isang estranghero.
“What… is this some kind of joke?” mababa ang tinig niya, pero ramdam ang gulat.
Napangiti ako. Hindi ngiti ng saya. Kundi ng pagod. Ng pagsuko. At kahit nakitaan ko pa siya ng emosyon ngayon, wala ng silbi.
“Wala po akong lakas ng loob na biruin ka, sir. Alam mo 'yan.”
Tumayo siya. Matikas pa rin ang tindig. Perpektong plantsado ang polo. Walang gusot. Walang bahid ng gulo. Parang siya—plain. Walang emosyon. Walang damdamin.
“Why?” tanong niya. Isang salitang ubod ng ikli, pero maraming pwedeng isagot.
Tumingin ako sa kanya. Sa wakas, buong tapang. Hindi bilang sekretarya. Hindi bilang asawa. Kundi bilang babaeng nagmahal… at napagod.
“Because I already gave you everything.” Mahinahon ang boses ko, pero buo.
“Loyalty. Silence. Patience. Love… Anong sinukli mo?”
Tahimik siya. Tulad ng dati. Hindi mo pa rin makikitaan ng emosyon. Hindi mo mababasa ang iniisip.
“In public, you were my boss. In private… You were barely my husband.”
Naglakad akong paatras. Kontrolado ang bawat hakbang.
“You said you wanted peace. I gave you that.”
Huminga ako nang malalim.
“I wanted love. But you never even tried.”
“I didn’t sign up for this…” Mababa ang tinig, pero mariin.
Napatawa ako. Mapait.
“Exactly. You signed a contract. I signed over my heart. Kasalanan ko…”
Muling lumubog sa katahimikan ang paligid.
Pinulot niya ang envelope ng annulment. Binuksan.
“Are you sure about this?”
Tumango ako. Buong buo.
“Anessa…”
“Sir,” agad kong putol. “Let’s keep it professional.”
“Professional?” Sa unang pagkakataon, kumunot ang noo niya.
“Isn’t this what you always wanted?”
Muli, nanahimik ang silid.
“Did mom know this?” tanong niya, at ramdam kong unti-unting nawawala ang kanyang composure. Namulsa siya na parang hindi na alam ang susunod na sasabihin.
“Hindi pa. Pero wala ka dapat ikabahala. Sisiguraduhin kong papayag siya. Papayag sila.”
“Tingin mo papayag siya?” may pag-aalinlangan sa boses niya. “She likes you…”
Ngumiti ako. Hindi para makuha ang pabor niya—kundi para ipaalam sa kanya na wala nang makapagbago sa disesyon ko.
“I know… At alam ko ring hindi mo ako gusto—hindi mahal. Kaya sarili ko na lang ang mamahalin ko.”
“That’s more important,” sabay talikod. Hinarap ko ang pinto.
“If I sign… Wala nang balikan.”
Huminto ako. Humarap muli.
“I know… Isang taon na akong nanatili. Isang taong naghintay. Pero kahit minsan, hindi mo ako binigyan ng dahilan para manatili pa.”
At sa kauna-unahang pagkakataon, iniwan ko siya. Mag-isa sa malamig na opisina—opisinang kasing lamig ng puso niya.
Pagkalabas ko, huminga ako ng malalim.
Ngumiti. Hindi ngiting masaya, kundi ngiting may kalayaan.
Ngayon, malaya na ako.
Hindi na ako ang Anessa’ng laging naghihintay.
Hindi na ako ang babaing umaasa.
Ako na ang babaing pumiling kumawala. Piniling mahalin ang sarili.
At si Bart?
Nanatili siyang nakatayo. Walang imik. Nakatitig sa dalawang papel.
Dalawang papel… na mas mabigat pa sa alinmang kontratang napirmahan niya bilang CEO.