Nagising si Arwena nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Nasa harapan niya si Mr. Tan, at wala na itong damit pang-itaas. Agad binalot ng kaba ang buong sistema niya. Para siyang bata na umupo at sumiksiksik sa headboard habang yakap-yakap ang makapal na kumot. “ ‘W-wag kang lumapit…” parang maiiyak na sabi nito. Umiling-iling pa siya habang nagmamakaawa ang tingin kay Mr. Tan. Para namang naging tuod si Mr. Tan. Sobrang nagulat siya sa naging reaksyon ni Arwena. Nalito siya sa kanyang sarili. Dapat kasi ay natutuwa siya. Gusto nga niyang pahirapan si Arwena, pero parang naaawa siya, at parang na-gui-guilty. Hindi niya rin nagustuhan ang nakikita niyang takot sa maluha-luha nitong mga mata—takot na nakita n’ya noong gabi na niligtas ni

