“Wena, hayaan mo na, nagmamadali na ‘yong tao. Alam mo naman si Tandre, kapag pumalpak ang tao niya, pinapagalitan agad. Takot lang ‘yon si Ted na mapagbuntungan ng galit.” Pigil ni Archie sa kaibigan niya na hahabulin pa sana si Ted. Sa gulo ba kasi na nangyayari ngayon, hindi maiwasan ni Arwena na mag-isip ng masama. Natatakot siya na baka ang arrangements na sinabi ni Ted ay custody pala ni Nathan. Sinisi niya pa ang sarili kung bakit siya nag-sign agad na hindi man lang binabasa ang papel. Napahawak na lang siya sa batok at napalingon kay Nathan na masayang pinapanood ang paborito nitong show. Wala itong kaalam-alam sa gulo na kinasasangkutan ng mga magulang niya. Kung gaano nga kasaya si Nathan ngayon ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Arwena. Nalulungkot siyang isipin

