“Archie!" sigaw ni Mr. Tan. Kitang-kita nito kung paano bumagsak sa kalsada si Archie nang mabangga ito ng kotse. Hindi niya mapaliwanag, pero parang ramdam din niya ang sakit na nararamdaman ng kapatid. Winaksi niya ang mga taong nakiusyo sa nangyaring gulo, at agad na niyakap ang kapatid habang na sa kotseng papalayo ang tingin. Maya maya ay nilingon din niya si Arwena na nakahandusay sa tabi ng kotse. Gusto niya rin sanang tulungan si Arwena. Gusto niya rin alamin ang kalagayan nito, pero hindi naman niya mabitiw-bitiwan si Archie. Pakiramdam niya ay mas kailangan siya ng kapatid. “Help!” sabi pa ni Mr. Tan, nanginginig ang mga kamay nito. Hinaplos ang duguan na noo ni Archie, at naikuyom ang kamao na nabahiran ng dugo. Nagtangis din ang bagang nito dahil sa magkahalong galit at

