“Ahh!" namimilipit na sigaw ni Farah. Pinipilit nitong alisin ang pagkakaipit ng paa niya sa malaking bato. “Ahh…” Humahagulgol ito matapos maalis ang pagkakaipit ng paa. Saka naman siya nagpalinga-linga sa paligid. Wala kasi sa tabi niya si Jake. Hindi mahagilap ng mga mata niya. Magkahawak kamay nga sila kanina nang madala sa agos ng tubig. Pero dahil sa lakas ng agos ay nabitiwan siya ni Jake. “Jake… nasaan ka?" Humahagulgol na tawag nito sa pangalan ng nobyo. Pero walang sumagot. Sariling boses niya lang ang narinig niya. Ang lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon. “Jake, na saan ka ba?” Pinilit tumayo ni Farah, pero hindi niya kaya. Masakit ang paa niya na namamaga at may sugat pa. Masakit rin ang buong katawan niya. Bukod sa sugat sa paa, may mga galos, pasa, at sugat din ang

