Kabanata 5 Pagbangon

1014 Words
Tahimik na umupo si Arwena sa link chairs ng clinic na pinuntahan niya. Kahapon ay buo na ang loob niya. She wants to get rid of the baby. Pero ngayong nandito na siya at nakikita na niya ang mga babae na galing sa loob kwarto at umiiyak, parang nagbago ang isip niya. Parang ayaw na niyang ituloy ang binabalak. Nakakaramdam rin siya ng takot para sa sarili at sa baby niya. Napahawak pa siya tiyan at hindi namalayan ang pagpatak ng luha. “Ms. Arwena Dela Torre." Narinig niya ang pagtawag na 'yon, pero hindi siya tumayo. Parang may pumipigil sa kanya na sumagot o pumasok sa loob. “Ms. Dela Torre..." Napapikit siya nang muli nitong tinawag ang pangalan niya. Tumayo nga siya, pero hindi para pumasok sa kwarto. Umiling-iling siya sabay sabi, "I'm sorry, I can’t do this!" at patakbong lumabas ng clinic. Her eyes were welling up with tears, and was struggling to breathe. Nang tuluyan na siyang makalabas ay umupo siya sa hagdan at doon humagulgol habang hawak ang dibdib na parang sasabog sa sakit. Wala na rin siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga tao. Galit na galit siya sa kanyang sarili. Hindi niya akalain na magagawa niyang mag-isip ng gano’ng bagay. Hindi niya gustong mabuo ang bata sa sinapupunan niya, pero dugo’t laman pa rin niya ito. "Anong klaseng tao ako?" tanong niya sa sarili. "Pinalaki ako ng mga magulang ko na may takot sa diyos. Pero muntik na naman akong makagawa ng isa pang pagkakamali, na alam kong pagsisisihan ko habang buhay. Sorry… sorry, baby,” paulit-ulit niyang sabi habang haplos na ang tiyan. "I’m sorry,’ I’m a bad mommy.” Samantala, abot-abot ang kabang nararamdam ni Archie habang bumabyahe papunta sa clinic kung nasaan si Arwena. Natatakot siya. Kinakabahan na baka huli na siya at nagawa na ni Arwena ang isang bagay na lalong sisira ng buhay niya. Mabuti na lang at nakita niya ang papel kung saan nakasulat ang address at pangalan ng clinic na malapit sa telepono nila. Archie could barely walk as he saw Arwena sitting on the stairs, sobbing and barely able to breathe. Naghalo-halo ang nararamdaman niya, galit at awa. "Did you do it?" pabulong, ngunit madiin nitong tanong nang nasa harap na siya ng kaibigan. Pero parang bingi si Arwena na hindi naririnig ang sinasabi niya. Patuloy lang ito sa paghagulgol ni ang tingnan ang siya ay hindi rin nito ginawa. “How could you—" Gusto niyang talakan ng talakan si Arwena, gusto niya itong sumbatan. Pero parang hindi niya magawa; hindi niya kaya lalo’t nakikita niya na nasasaktan din ito. Naikuyom na lang nito ang mga kamay at sandaling tumalikod. Hinahabol din niya ang sariling hininga na parang mapupugto na dahil sa nararamdamang lungkot. “Stop the drama, Arwena!” sabi niya at muling hinarap ang kaibigan na hindi pa rin siya pinapansin. “Isn't this what you want? Nagawa mo na—wala ka nang problema. So get up and start fixing your life!” Finally, nag-angat rin ng ulo si Arwena. Sa lahat ng sinabi ni Archie, parang ang mga huling salita lang ang narinig nito. "Archie…” Lumakas pa lalo ang hagulgol nito. Sunod-sunod din ang pagpatak ng mga luha niya habang nakatingala kay Archie. Archie's heart melted as he saw Arwena's teary eyes; all his irritation and rage vanished. Gusto na niya agad yakapin ang kaibigan na alam niyang naghahanap ng kamaray at maiiyakan ngayon. “I’m sorry…” sabi niya at muling yumuko, sumabay din ang pagyugyog ng mga balikat sa paghagugol niya. Napapikit si Archie. Pinigil niya rin ang emosyon—pinigil niya ang sarili na ‘wag umiyak sa harap ng kaibigan. "Sorry for what?” mahinahong tanong ni Archie. Pinipilit niya rin na ‘wag pumiyok ang boses. Pero pinilit niyang magpakatatag. Kailangan maging malakas siya para sa kaibigan. “Wala kang kasalanan sa akin, Arwena. Sa anak mo ikaw may kasalanan!” Nahagod nito ang buhok matapos sabihin ‘yon. Alam niyang masakit ang sinabi niya. Pero hindi na rin niya napigil ang sarili na magsalita ng gano’n. Sa pagkakataong ‘to, parang nawalan na rin siya pag-asa na tumino pa ang pag-iisip ni Arwena. Kahit kasi anong gawin niya, kahit anong ipayo niya rito, walang silbi, hindi siya nakikinig. Ang hirap payohan ng taong sarado ang pag-iisip. “Sorry… matigas ang ulo ko—sorry, dahil in-ignore ko lahat ng payo mo, at sorry dahil inaaway kita sa tuwing pinagsasabihan mo ako.” Napabuga ng hangin si Archie, ngunit pahapyaw namang tumawa. “Ngayon mo lang na realize ‘yan? Tapos na nga, Arwena!” Umupo siya sa tabi ng kaibigan. "I didn’t do it, Archie, hindi ko kaya. Hindi ko pala kaya…” Bumilog ang mga mata ni Archie, at maya maya ay ngumiti. Hinawakan niya rin ang tiyan ng kaibigan at hinaplos-haplos iyon. "Nandito pa siya? Hindi siya nawala?” tuwang-tuwa na tanong nito at niyakap ang kaibigan. Kung umasta siya ay parang siya ang tatay ng ipinagbubuntis ng kaibigan. "Archie, natatakot ako. Paano kung hindi ko kayanin? Paano kung hindi ko ma-fulfill ang tungkulin ko bilang isang ina?" “ ‘Wag kang matakot, Arwena. Tatagan mo ang loob mo. Nandito naman ako, tutulungan kita. Magtutulungan tayo. Willing akong maging daddy ng baby mo. Ako ang tatayong daddy niya. Kakayanin kong maging daddy kahit, kahit hindi ako daddy material. Alam mo naman, mommy material ako." Patawa nito na nagpangiti naman kay Arwena ng konti. “Stop crying na ha.” Pinahid naman niya ang mga luha nito at nginitian ng matamis. “Handa rin akong magpakalalaki para sa inyo, Arwena. Kaya tama na ang iyak, kakayanin natin na maging mabuting magulang para sa baby natin." Mahigpit na yakap na lang ang sagot ni Arwena, sa kaibigang si Archie. Sa kabila ng mga nasabi niya rito, hindi pa rin siya nito sinukuan, at handa pang maging daddy ng anak. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang kabait sa kanya ang bagong kaibigan. Dahil lang ba sa pareho silang pinoy o may iba pang dahilan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD