“Archie, umayos ka nga!" sita ni Lucia kay Archie. Hinila pa niya ito palayo kay Arwena. “Alam mo namang maraming tao. Ang harot-harot mo!” Napakamot na naman sa ulo si Archie. Nawala nga kasi sa isip niya na nasa coffee shop sila at may mga customer na nakakakita sa kanila. “Nilalambing ko lang naman si Wena, Mom. Wala po kaming ginagawang masama," depensa ni Archie, pero ang tingin ay na sa mga staff nila na puro nakangiti habang nakatingin din sa kanya. Si Arwena naman, hindi mapigil ang sarili na mapatingin kay Mr. Tan na ngayon ay hawak na ang kamay ni Nathan. Akala nga kasi niya ay hindi na ito magpapakita. Iiwas na ito sa kanya sa kanya ng tuluyan matapos ang usapan nila kanina. “Kita mo ang tingin nila? Lahat na sa’yo!" pabulong na sikmat pa rin ni Lucia. “Mommy naman…m

