Unti-unti nang napapikit si Arwena dahil sa nakadadarang na halik ni Tandre. Utak niya ay tumututol sa ginagawa nila, pero katawan niya ay hindi nakikiayon; hindi man niya magawang suklian ang halik nito, kamay naman niya ay napakapit nang mahigpit sa batok ni Tandre. Naramdaman niya rin ang pagngiti ni Tandre, at kasunod ng ngiti na ‘yon ay paglapat ng palad nito sa likod niya. Marahang humaplos na parang ginuguhit ang bawat kurba ng katawan niya, at maya maya ay dahan-dahan na nitong binaba ang zipper ng damit ni Arwena. “T-Tandre,” saka lang parang nahimasmasan si Arwena. Naidilat nito ang mga mata, pero hanggang dilat lang ang nagawa niya. Hindi niya magawang awatin ito. Napatitig na lang siya sa mga mata ni Tandre na tiim na tiim habang hinahalikan siya ng buong puso. Hindi ni

