Hindi siya gaanong pansinin, simple lang kasi. Average height, slender body, dark hair, medium skin.
Sa panunuod ko sa kanya, natutunan ko na tahimik lang siya at maliit ang circle of friends. Hindi siya mahirap magustuhan, pero mahirap lang talagang mahanap siya sa dagat ng mga taong makukulay ang pananamit at pagka-tao.
Pero nakita ko siya. At napaka-swerte ko! Ok na ako na hindi siya na-appreciate ng iba. Mas gusto ko na ako lang ang tumitingin sa kanya, tanging ako lang ang nakaka-kita ng halaga niya.
Una ko siyang nakita anim na buwan na ang nakakalipas, noong napadaan ako sa Laguna dahil kinailangan kong ayusin ang problema sa isa sa mga business ko. Hindi ako madalas pumunta sa Laguna dahil sa traffic, pero masaya akong ginawa ko.
He was so cute, walking around in his apron, handing out fliers to promote his business. May-ari siya ng maliit pero mataong cafe sa Santa Rosa. I watched him every day since then. Hindi ako mahilig sa matamis o sa kape, kaya nagkakasya na lang ako sa panunuod sa kanya mula sa labas ng cafe. Hindi siya pala-kaibigan sa customers, pero magalang siya at palaging nakangiti.
I fell in love with him right there.
Kahit sa pag-uwi, nakasunod ako sa kanya. Kinailangan ko pang bumili ng bahay sa mismong subdivision na tinitirhan niya para mas lalo kaming magkalapit.
I know this is not normal, I am a stalker. And I am fine with it.
Sa ilang buwan ng pagsunod, nakabisado ko na halos lahat ng tungkol sa kanya. Routine, hobbies, his friends.
Araw-araw ko siyang nakikita, pero laging sa malayo. For some reason, I enjoyed watching him from afar. Bukod sa masarap siyang panoorin, may kaba din ako na baka kapag nilapitan ko siya, hindi niya tanggapin ang feelings ko.
Even though I want to be patient and map out how I am going to approach him, my love and obsession is strong. Habang humahanap ako ng tiyempo na magpakilala sa kanya, hindi ko na kayang pigilan ang pananabik. So here I am, watching him passed out and drooling on my back seat.
It was the first time that I kidnapped and drugged him last night. Sabi ko sa sarili ko, isang beses lang. I just want to feed my hunger. Pagkatapos, hindi na mauulit.
But I failed.
Tasting him once just made me want to taste him again. Gusto ko na siyang angkinin ng buo. But I am still conflicted, I don't want to frighten him. There are no signs that he will like me, and I don't know if I can ever handle rejection from him.
Diniinan ko ang hawak ko sa steering wheel. It hurts to deceive him like this, so I need to find a way to introduce myself to him ASAP. And then, he will date me, we'll get married and live together happily.
I looked at him through the rear view mirror.
Damn.
For now, I'll satisfy myself while he's still sleeping.
"Sorry, baby, I'm just so crazy for you," I muttered before moving myself to the backseat.
-
"Sir, sir, gising na po. Dito na po tayo."
I palmed my face harshly, grabe ang sakit ng ulo ko. Pero pinilit kong dumilat.
"P-Po?" Nanlalabo man ang mata, tumingin ako sa driver. Noong nakita ko ang hitsura nito, nagtataka ako, parang hindi siya yung driver na naaalala ko kanina.
Wala siyang suot na face mask.
"Sir, kausapin daw kayo ng guard," sabi niya, kaya bumaling ang atensyon ko sa guard.
Nagpakilala ako ng maayos sa guard at sinabi ko na masama ang pakiramdam ko kaya nakahiga ako sa likod. Humingi ng pasensya ang guard at pinayagan naman kami agad na makapasok.
Sinandal ko ang ulo ko at pumikit ulit. Pinipilit kong gisingin ang diwa ko, pero for some reason, hindi ko mapigilan ang isipin kung totoo bang iba ang hitsura ng driver na 'yun sa driver ko ngayon.
Tumingin ako sa relo ko, alas-onse na ng tanghali. Anong oras ba ako umalis sa cafe? 9AM? Parang ang tagal naman yata ng biyahe.
"Manong," hinilot ko ang ulo ko. "Anong oras niyo ho ako sinundo?"
Mabilis akong tiningnan ng driver mula sa rearview mirror bago sumagot.
"Mga alas-diyes po. Tapos medyo traffic, gawa ng Lunes," paliwanag niya habang lumiliko sa kanto papuntang bahay ko.
Tumango ako. Makes sense. Baka nga 10AM niya ako sinundo. Baka nawalan lang ako ng sense of time dahil sa sakit ng ulo ko.
Pagkatapos magbayad, pumasok ako sa bahay. Gusto ko sanang humiga at magpahinga agad, pero ang lagkit ng pakiramdam ko kaya nagdesisyon akong maligo muna.
Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. For the most part, nakapikit lang ako at hinahayaang dumaloy ang tubig sa katawan ko mula sa shower, hoping na mahugasan ang lahat ng sakit ng ulo ko.
Pagkatapos maligo, humarap ako sa salamin para mag-toothbrush at doon ay napansin ko ang mga marka sa katawan ko. Ang daming maliliit na pulang mga marka, lalo na sa dibdib at tiyan. Patuloy kong inispect ang katawan ko at nakitang may marka rin ako sa kili-kili at hita.
Hickeys? Pero impossible. I'm sure I will remember if someone gave me this much. Nag-bihis ako at hindi na ito inisip.
Pero dahil sa mga markang nasa katawan ko, at sa patuloy na pagkahilo ko, alam kong kailangan ko na magpacheck-up.
"I'll visit the doctor later," naisip ko bago ako muling nakatulog.
-
Hindi ko alam kung ilang oras nanaman akong nakatulog, pero nagising ako na uhaw na uhaw at init na init. Hindi ko inakalang mas may isasama pa pala ang pakiramdam ko. This time, natuluyan na akong masuka. Umiikot ang paligid at halos hindi ko makita ang lahat, pero nagawa ko pa ring tawagan si Hakob para humiling na puntahan ako.
Nawalan ulit ko ng malay pero agad ding nagising noong narinig ko na kumakatok siya sa pinto. Hirap mang bumangon ay pinag-binuksan ko siya at agad niya akong dinala sa sofa. Doon na ako humiga, at agad naman niya akong pinakain at pinaimon ng gamot.
"Thank you, Hakob. Sorry sa abala."
"Wala 'yon," sagot niya, nagsisimula nang magligpit habang ako naman ay nakahiga sa sofa.
"Thanks padin." Napatingin ako sa pinto na hindi pala namin naisara kanina dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.
"Halika na kaya sa hospital, Drew? Mukhang masama na 'yang nararamdaman mo, e." Si Hakob na ang nag-sara ng pinto nang makita niyang nakatingin ako doon.
"Papahinga nalang ako."
"Ang kulit nito!" Tumaas ang boses niya.
Pero lalo lang akong sumalampak ng higa. Dahil nakakain na ako at nakainom ng gamot, gumaan na ang pakiramdam ko, at tinamad na akong pumunta ng hospital. Alam ko naman na gagaling ako, gano'n naman kasi palagi. Plus, I'm not fond of hospitals. I hate falling in-line, I hate waiting.
"I'll be fine after this, Jacob. Thanks," sabi ko habang tinatakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso ko.
"Takot ka ba sa hospital? Kahit kailan hindi pa kita nakitang nagpunta sa hospital," inis niyang sabi, sabay kinapa ang noo ko.
"I go sometimes," maikli na sagot ko.
"Hindi ka naman mainit. Lagnat kaya ito, o baka pagod ka lang?" Naupo si Hakob sa sofa sa tapat ko.
"I don't know," sagot ko, naupo din at uminom ng tubig.
"Nag-simula ito no'ng nag-bar tayo, e." Patuloy ko. Kumunot ang noo niya.
"May hangover ka pa rin hanggang ngayon? Hindi ka naman mahina sa inuman, ah?"
Nag-kibit balikat lang ako.
"May nangyari ba sayo matapos natin mag-hiwalay noon?"
Naisip ko tuloy yung panaginip ko. Posible kaya? Pero paano?
Umiling nalang ako. It was just a dream. Malamang ay pagod lang ito dahil the cafe has been busier than ever at palagi kaming pagod ni Amalia nitong mga nakaraan.
"Basta, magpa-check-up ka na lang, bro. Kase hindi ko alam gaano kadalas ako makakapunta kung sakaling kailanganin mo ako. Alam mo naman, kami lang ng kapatid kong maliit sa bahay ngayon. Wala si nanay."
"Oo naman. Salamat," tinapik ko ang balikat niya.
"I think I'll go to the doctor tomorrow."