3

1013 Words
It's the day after, and I already informed Amalia that I can't supervise them today. I'm feeling better, pero pupunta parin ako sa doctor para magpatingin. Nakakahiya kasi kung maulit pa ang nangyari, ayoko nang abalahin pa si Hakob. Good thing my people are responsible and trustworthy, kaya hindi ako nag-aalala sa café. Matapos imake sure na ok na ang mga dadalhin kong gamit, lumabas na ako ng bahay. Pag-bukas ko ng front door, tumibok ng sobrang bilis ang puso ko sa gulat. Kasi naman, may taong naghihintay sa labas ng bahay. "A-Anong kailangan nila?" Mahina kong tanong habang binibistahan ang lalaking may dalang Tupperware. Hakob is my only visitor, ever. Bukod kay Hakob, si Amalia at ang ibang empleyado ko lang sa shop ang nakakaalam ng address ko kaya hindi ako sanay na may pumupunta sa akin dito. "Bagong lipat ako diyan sa tapat," sabi ng lalaki, itinuro ang bahay na katapat ng sa 'kin. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang bahay. Hindi ba't ilang bwan na mula nung may lumipat diyan? "I mean, I bought it a while ago, pero ngayon lang talaga ako pormal na lumipat." Sabi niya na parang nababasa ang iniisip ko. Ngumiti siya, and so did his eyes. Napatulala ako. Pamilyar. "O-Okay..." Iwas ko ng tingin. He is smiling too much and it's awkward for me. "Dinalan kita nito. Nagluto ako ng pansit, baka sakaling hindi ka pa kumakain." "A-Ah... Oo." Inabot ko ang Tupperware na hawak niya at sinubukang ngitian din ang lalaki. Akala ko, sa ibang bansa lang uso 'yong nagbibigyan ng pagkain sa kapitbahay kapag bagong lipat. "Thank you." "You're welcome." "P-Pasok ka." Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at kasabay nun ang paglaki din ng ngiti niya. Agad siyang humakbang papasok. Nagpasiya akong ipagpaliban na ang pagpunta sa hospital at kumain na lang muna. Nakakahiya namang paalisin ang bago kong kapitbahay. If ever, siya ang una kong kaibigan sa subdivision. Hindi naman siguro siya masamang tao, lalo na't hindi naman makakapasok dito ng hindi dumadaan sa mga guards. "Thanks for letting me in." Nagulat ako dahil makaraan niyang sabihin 'yon, hinawakan niya ang kamay kong nasa doorknob at siya na mismo ang nagsara ng pinto. Pasimple ko nalang hinila ang kamay ko. "You live alone," he stated as if he already knew. Tumango nalang ako at inaya siya sa loob. Walang pag-aatubili siyang dumiretso sa kusina at naupo sa dining table, nauna pa siya sa akin. Sumunod na lang ako. Ipinatong niya ang braso sa lamesa, tapos ay nakapangalumbabang tumitig sa 'kin. Iba ang pakiramdam ko sa titig na 'yon. Pansin ko, kanina pa siya tumititig sa mukha ko at hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. "M-May dumi ba ako sa muka?" Sa tanong ko, isang mabilis na iling ang sagot niya. "You're beautiful." Para namang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "Pardon?" "I said you are beautiful. You're very pretty." Hindi na ako sumagot pa at umiwas nalang ng tingin. This f*****g creep. Mukhang hindi ko magiging kaibigan ang bago kong kapitbahay after all. Pero agad din akong humarap sa kanya ng marinig ko ang sunod niyang sinabi. "I like you, Andy." Nag-simula akong makaramdam ng kaba sa ibabaw ng pagka-ilang na kanina ko pa nararamdaman. I don't remember telling him my name. Also, walang tumatawag sa 'kin ng Andy. I introduced myself as Drew to everyone. "P-Paano mo nalaman—" I stopped. Natatandaan ko, natawag na akong Andy isang beses. Sa panaginip ko. "W-What the—" Bago ko pa man matapos ang mura ko, he cut me off. "Andrew Solstice Sacayanan. 26 years old." Napa-nganga ako sa gulat, pero nagpa-tuloy mag-salita ang lalaki. "You own the Solstice Café. You're living alone for 5 years now. Your and only child to a retired professor father and a retired nurse mother living in the USA. You are an anonymous writer on your own website, solsticeisyou.com—" "S-Stop!" On my reflexes, inabot ko ang bibig niya at tinakpan ng nanginginig kong mga kamay. "P-Papaanong..." Alam kong halata na sa mukha ko ang takot at pagka-lito. Hindi ko na alam kung anong itatanong ko, o kung gusto ko ba talagang malaman kung paano niya nalaman lahat ng tungkol sa 'kin. Nanatiling nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. "S-Sino ka ba..." Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya. Mahigpit niyang hinawakan 'yon, bago inamoy at hinalikan ang bawat daliri na siyang nagpakilabot sa 'kin. "Judas." "H-Ha?" "Judas Mondragon. Mapapangasawa mo." "Ha?!" Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero lalo lang humigpit ang hawak niya doon. "Ako 'yong sumundo sa 'yo sa bar nung isang gabi." He kissed my palm and continued talking. "Ako din ang sumundo sa 'yo sa cafe kahapon." Pakiramdam ko ay gustong lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko. Hinila ko ulit ang kamay ko at this time, biniitawan niya ako. "What the f**k are you saying?!" Inilibot ko ang paningin sa paligid, naghahanap ng pwedeng gamitin laban sa kanya. Then I spotted my kitchen knife on the counter. Pero bago pa man ako makalayo para abutin 'yon, nag-salita siya. "You're too small for me, love. 'Pag kinuha mo 'yan, sigurado ka bang ako ang masusugatan?" Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya. Letting him inside was a mistake. "Sit." Matigas niyang utos. Ganon pa man, hindi ko magawang kumilos. Binuka ko ang bibig ko, pero isinara ko rin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. "Go on, sit." Ulit niya sa kanyang utos, itinuro ang upuang nasa harap niya. Naupo ako, tila isang asong sunod-sunuran sa amo. Parang bumabalik ang kirot ng ulo ko sa nangyayari, kaya hinawakan ko ang noo ko bago tumingin sa kanya. "W-What do you want?" I asked, defeated. He smiled bago sumandal, magka-krus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib niya. Diretso siyang nakakatitig sa 'kin. Sinubukan kong labanan ang mga titig niya, pero ako rin ang sumuko at naunang yumuko sa aming dalawa. Nakakapangilabot ang behavior ng taong 'to. Pero mas matindi ang kilabot na naramdaman ko sa sinabi niya. "I want all of you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD