8

821 Words
Tangina. Hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makalayo. No'ng basta ko iniwan ang mga pinamili namin at tumakas, naramdaman ko agad ang bigat sa dibdib ko. Para akong nag-aalangan—iyon pala, may masamang mangyayari. Huminto ako para magtago sa likod ng mga basurahan, hinihingal dahil sa bilis ng takbo ko. Agad kong inilabas ang cellphone ko para tawagan si Hakob, pero bago ko pa man maidial ang numero, may isang lalaki na hindi ko kilala ang biglang sumunggab sa akin. Agad niyang kinuha ang cellphone ko, ibinulsa ito, at parang kuting na hinila ako sa leeg ng damit ko. "P-Pakawalan mo ako!" sigaw ko, pero iyon lang ang naaalala ko. Ang bilis ng pangyayari—walang nakapansin, o baka wala lang talagang may pakialam. Nagmamadali ang lalaki habang nagda-drive palayo. Nanghihina akong sumandal at malalim na bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung saan kami patungo, pero alam kong papunta kami kay Judas. Nanlamig ang katawan ko—hindi lang dahil sa takot kundi pati na rin sa hiya. Paulit-ulit kong sinampal ang sarili ko, sinisikap kumbinsihin na tama ang ginawa kong tumakas. "'Wag mong saktan ang sarili mo," madiing sabi ng lalaki. "Ako ang papagalitan ng boss ko kapag nalaman niya 'yan." Hindi ko siya pinansin pero isinandal ko ang ulo ko sa bintana, pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga poste ng ilaw. Malaki ang bahay na hinintuan namin. Hindi ko alam kung nasaan kami, pero sigurado akong malayo ito sa lugar namin. Napapalibutan ng mataas na talahib ang lote, at ang bahay lang ang tanging may liwanag. Huminto ang sasakyan sa harapan ng mansion, at pwersahan nanaman akong kinaladkad ng lalaki pababa. Umiiyak ako, pero hindi ako nanlaban. Sumunod lang ako. Hindi ako natatakot sa pwedeng mangyari sa 'kin. Mas natatakot ako sa maaaring sabihin ni Judas. Sa kabila ng lahat, may parte sa akin na nagsisisi. Nang nasa harap na kami ng isang malaking stair case ay binitawan ng lalaki ang damit ko. "Akyat. Kumaliwa ka. Hinihintay ka ni boss do'n." Utos nito. Mas nakakatakot ang presensya ng lalaking ito kaysa kay Judas sa pisikal na anyo, pero alam kong mas matakot ako sa kaniya. Kilala ko na ang kapasidad ni Judas—kung ano ang kaya niyang gawin. At ayaw ko mang harapin siya ngayon, alam kong wala naman akong choice. Pagdating ko sa taas, natagpuan ko ang pinto sa dulo ng hallway. Tuluyang nanghina ang mga binti ko, kaya naman ginamit ko ang pader para magabayan akong mag-lakad palapit sa pintuan. Ang tagal bago ko naisip na kumatok. Sa totoo lang, para bang gusto kong bumalik nalang kung saan ako nanggaling. Pero alam kong wala nang atrasan. Binuksan ko ang pinto. Ang unang sumalubong sa akin ay ang halimuyak ng rosas at kandila. "Welcome home." Si Judas, nakaupo sa isang malawak na kama na natabunan ng puti at pulang talulot ng rosas. Topless siya, at ang tanging suot niya ay boxers. Ginamit niya ang hawak na rose para ituro ang kama. "Come here." Hindi ako gumalaw. Tumalim ang titig niya. "I said, come here, cat." Nag-aalangan akong lumapit. Sa huli, wala akong magawa. Hinila niya ang pulso ko at itinumba ako sa kama. "Jude..." nauutal kong sabi, habang nagsisimula nanaman akong umiyak. Hinawakan niya ako sa balikat at tumitig sa mga mata ko. "You will stay in this house with me starting tonight. May guard ka 24/7, at hindi ka aalis sa paningin ko. Do you understand?" Walang espasyo para tumutol. Tumango nalang ako, dahil alam kong wala nang magbabago. Bigla niyang ginamit ang rose, inihaplos sa pisngi ko, pababa sa leeg ko. Na siyang nag-papikit sa akin. Lumunok ako. "My baby is a bad, bad boy..." bulong niya, gamit ang malamig na boses. "And what do we do to bad boys, Andy?" Hindi ako maka-sagot. "Bad boys get... punished." He answered his own question. Nangilabot ako. Hindi ko alam kung dahil sa bulaklak na bahagyang dumampi sa tenga ko o dahil sa sinabi niya. "Don't worry," bulong niya, habang ang kamay niya ay pumasok sa laylayan ng sweater ko. "I won't be harsh." Mas lalo kong idiniin ang pagkakapikit ng mata ko habang unti-unting lumalakas ang mga hikbing lumalabas sa akin. Pero naputol ang tensyon nang bigla siyang tumayo. Pinanuod ko siya na inihagis ang rose sa sahig at madiing pinindot ang intercom. "Bring food for two," utos niya. "Yes, sir," sagot mula sa kabilang linya. Nanatili siyang nakatalikod habang mabilis ang pag-taas baba ng mga balikat niya. Maya maya pa ay bumalik si Judas at umupo sa tabi ko, nakangiti. Kinuha niya ako sa mahigpit na yakap. "I love you," bulong niya, habang ramdam ko ang t***k ng puso niyang parang unti-unti nang kumalma. Kanina ay kulang nalang saktan niya ako dahil sa sobrang galit. Ngayon, ang malambing na version ni Judas na naman ang kaharap ko. Pinigilan ko ang sarili ko na yakapit niya pabalik. What have I gotten myself into?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD