Ang bait ni Andy ngayon.
Not that he was hard to handle before—palagi naman siyang masunurin kahit labag sa loob niya. Aside from the first few days na madalas siyang magtanong kung kailan ko siya papauwiin, he never really gave me a hard time.
Pero napansin kong nabawasan na ang pag-irap niya sa akin sa tuwing akala niya, hindi ko siya tinitingnan. Maging ang pasimpleng pagbulong niya kapag inuutusan ko siya—unti-unting nawala.
Siguro ay gumana ang approach ko sa kanya na casual lang. I tried to treat him as a friend. Sinubukan kong huwag siyang hawakan o halikan, lalo na matapos siyang magkasakit dahil sa kagagawan ko. And voila—he's now a lot more comfortable than before.
And because he is a good boy, natuwa ako at naisipang bigyan siya ng pabuya.
Ang sarap titigan ng hitsura niya noong nagulat siya nang sabihin kong ilalabas ko siya. Tahimik lang akong nakamasid sa nakaawang niyang labi at matang mulat na mulat. Para siyang kuting. Nang hawakan ko ang pisngi niya, pumikit siya ng ilang saglit at ikinuskos ang mukha sa palad ko bago umiwas ng tingin.
Napangisi na lang ako sa ginawa niya. Does this mean that I finally gained my lovely cat's trust?
"Grocery shopping? Gusto mo rin bang bumili ng mga bagong underwear? Wearing something that's not your size might be uncomfortable." himok ko sa kanya.
If I had my way, he wouldn't wear underwear at all. Pero hindi pa ngayon. Huwag muna ngayon.
Ang mabuti kong baby, mabilis na kumilos para makaalis na kami. Ultimo sa pagsuot ng damit na ipinabili ko pa sa assistant ko, hindi na ako nahirapan sa kanya. Mukhang gusto pa niya ng dagdag na premyo.
Kaya naman, walang pag-aatubili kong iniabot sa kanya ang cellphone niya.
Nagtaka siya. I am sure he was thinking na baka may balak ako sa likod ng maganda kong ginawa. Pero wala.
"Bakit, Judas?"
"Because I love you and I trust you."
Tugon ko sa tanong niya. Hindi naman siya sumagot. Sinundan ko lang ng tingin ang kamay niyang ipinasok sa bulsa para itago ang telepono. May nabuhay na kaba sa dibdib ko, pero mabilis kong dinisregard.
Matalino si Andy. That, I know.
Sa isang buwan naming magkasama, alam kong alam na niya ang kapasidad ko. Aside from our first night, I never treated him harshly. But I have been firm that he is mine. That he is not going anywhere without me.
"K-Kiss?"
"Yup! Kiss, halik, laplap. Iyong malalim tsaka matagal." Ngisi ko.
Nakakatawa siyang mag-react—akala mo hindi ko pa natikman ang bawat sulok ng mabango at maganda niyang katawan. Kung mamarapatin niya, hahalikan ko siya sa paraang sinabi ko.
Pero gusto ko munang mas makuha pa lalo ang loob niya.
So I gave him a light kiss.
At sa paghiwalay ko mula sa magaang halik na iyon, nakita ko ang pamumula ng maputla niyang mga pisngi.
It's tempting.
Alam ko ang hangganan ko pagdating kay Andy. Ayokong gumawa ng isang bagay na pagsisisihan ko sa ngayon, kaya pinili kong ayain na siyang lumabas. Tamang-tama habang hindi pa lumulubog ang araw.
Dinala ko siya sa isang malayong mall. Hindi ko gustong may makakita sa kanya na kakilala niya. Kampante akong walang naghahanap sa kanya dahil namamanage ko naman ang pakikipag-communicate niya sa mga kaibigan niya—ako mismo ang nagpapanggap na siya gamit ang cellphone niya.
But still, I want to make sure he's not going to be taken from me.
And so, we drove to SM Santo Tomas.
"Where would you like to shop?" tanong ko.
Nang huminto siya sa paglalakad, huminto rin ako. Inilibot niya ang paningin sa paligid bago itinuro ang isang boutique na may damit panglalaki at pambabae. Hinila ko siya papasok.
Bawat damit na piliin niya, ikinonsulta niya sa akin. Wala kaming biniling hindi niya isinukat at ipinakita sa akin. He looked like he is enjoying himself, na nagpa-ngiti sa akin.
His style is simple, but it's cute and fits his personality so well. He picked a few items before saying he's all set.
Tumango ako bago pasimpleng tumingin sa women's section.
Gusto ko rin sanang bilhin pati iyong manipis na white nightie na naka-display para sa kanya. Pero hindi ko ginawa, alam kong mahihiya siya. Ipapabili ko na lang sa assistant ko.
I just know—Andy would look fine in that.
"Nagugutom na ako, Jude," reklamo niya habang sinusubukan ko siyang papiliin pa ng ibang damit.
Nakaramdam din ako ng gutom sa sinabi niya. Doon ko lang naalala na hindi pa kami kumakain.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ko matapos halikan ang noo niya.
Alas-siyete na pala. Kanina pa kami namimili.
Tinuro niya ang isang medyo mataong café sa loob ng mall. Inakbayan ko siya at iginiya papasok. Agad kaming pinaupo ng server at binigyan ng menu.
"Hey." Saglit siyang nag-angat ng tingin mula sa menu nang tawagin ko siya.
"Yeah?"
"I will buy something."
Ikinuyom ko ang kamay kong nasa bulsa habang matiim ko siyang tinitigan.
Diretso rin ang tingin niya sa akin habang bahagyang nakaawang ang mga labi.
"I won't be long. Mag-order ka lang dito. I will get back to you, okay?"
May kurot sa dibdib ko nang hindi siya agad sumagot. I am nervous, but I have already decided to give him my trust.
"Okay?" ulit ko.
Doon siya tila nagising, marahang tumango bago ngumiti.
"Yes," mahina niyang sagot.
"Dito ka lang, Andy."
Hinalikan ko siya ng magaan sa labi bago ako dumiretso sa dapat kong puntahan.
Habang naglalakad, inilabas ko ang telepono ko at tinawagan si Alfonso.
"Saan ang punta niyo, sir?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya.
"Bantayan mo siya. Huwag mong hahayaang mawala sa paningin mo. I will just buy something."
"Okay, sir."
I could have simply asked my assistant or Alfonso to buy this thing for me. But I decided to go myself.
Gusto kong subukan si Andy. I want to prove to myself that I have control over him. That after everything we've been through, he will never go against me.
I tried to take my time buying my stuff, pero hindi ako pinapatahimik ng kumakabog kong dibdib.
Lalo lang dumagdag ang kaba ko nang mag-vibrate ang phone ko.
I checked the caller ID.
Alfonso.
I could not even answer the call. I immediately went back.
I knew I should have just looked after him myself!
Dapat si Alfonso na lang ang pinabili ko ng punyetang s**t na ito. But I was dumb. I pushed my chances too hard.
And I shouldn't have.
Because look at how empty the seat I left him on is.
I palmed my head.
Makulit pa rin pala talaga ang pusa ko.
"Bakit nakatakas, Alfonso?" matigas ang tono ng boses ko.
"Mahirap siyang sundan sa dami ng tao habang sinusunod ko ang itinakda mong distansya, boss. Pasensya na."
Kinamot ko ang ulo ko, mas lalo lang akong nairita.
Kasalanan ko talaga ito.
"f*****g hell."
Inihagis ko kay Alfonso ang cellphone ko.
"Use that to track his phone. Quick, bago pa siya tuluyang makalayo sa akin."
Pagkasara ko ng pinto ng kotse, kinuha ko ang dahilan kung bakit ko siya iniwan.
Halos malukot ang box sa higpit ng hawak ko.
"Since you caused me so much trouble, guess I have to make use of you the soonest. What about tonight?"
Sa inis, inihagis ko ang kahon ng condom sa backseat.