Nakapangalumbaba si Judas, pinapanood niya ako habang hinihiwa ko ang mga gulay na nahanap ko lang sa ref niya.
"Uhmm, tapos na 'to." Marahan kong inilapag ang kutsilyo. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin, kaya nakaramdam na naman ako ng hiya.
"What?" maangas kong tanong.
Patuloy ang malalim niyang pagtitig sa akin, hinihimas ang sariling baba, parang may malalim na iniisip.
"What?!" ulit ko, mas matigas na ang boses ko ngayon.
"Do you want to go out?" tanong niya, ikinagulat ko.
Biglang namawis ang mga kamay ko. Tama ba ang dinig ko?
Hindi ko namalayang ako naman ang napatulala sa kanya. Nabigla lang ako nang binaling niya ang ulo niya sa kaliwa, pero nanatili ang tingin niya sa mukha ko.
"Do you want to go to the mall, Andy?" tanong niya ulit. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinimas. Iyong mga mata niyang nakatitig sa akin, parang nanghihingi ng sagot.
"A-Anong gagawin natin?" Hindi ko namalayang inihilig ko ang ulo ko sa kamay niyang nasa pisngi ko. Napa-atras lang ako nang ma-realize ko, na ikinangiti naman niya.
"Grocery shopping? Gusto mo rin bang bumili ng bagong underwear? Wearing something that's not your size might be uncomfortable."
Tumango lang ako at umiwas ng tingin. Siguro tatlong linggo na mula nang ikulong niya ako rito. Hindi ko na halos maalala ang pakiramdam ng sariwang hangin sa balat ko. So of course, I want to go out.
Ginawaran niya ako ng halik sa pisngi bago inutusang maligo na. We're leaving in an hour, sabi niya. Wala akong reklamo. Baka magbago pa ang isip niya. Isa pa, napansin kong particular siya sa oras, kaya alam kong kailangan kong gumalaw nang mabilis. Madali kong itinabi ang mga gulay sa refrigerator bago pumasok sa banyo.
Bago maligo, pinagmasdan ko ang sarili ko sa full-body mirror. Napakaputla ko. Noon pa naman akong maputla dahil sa bahay at cafe lang ako palagi, pero ngayon, mas halata. Kaya mas na-excite ako kahit paano dahil maarawan na ulit ako kahit sandali.
Habang patuloy kong iniinspeksyon ang sarili ay isang bagay ang hindi ko maitatanggi—mula nang dumating ako rito, mas nagkaroon na ng laman ang katawan ko. I've been eating good and well, pero wala pa rin akong panama sa hudas na nag-aalmusal ng weights.
Gumaling na rin ang mga marka ng kagat niya sa balat ko. Sabagay, it's been a while since that time he abused me. Buti na lang, hindi na siya gumawa ng kahit ano mula noon. Sana magtuloy-tuloy hanggang makaalis ako rito.
Pero kapag bumabalik sa isip ko ang gabing iyon, alam kong halos wala rin ako sa sarili nang pumayag akong gawin niya ang kahit anong gusto niya sa akin. The aphrodisiac sure did its job. Pero tandang-tanda ko rin iyong pakiramdam. Hindi ko inakalang magkakaroon ako ng karanasan sa kapwa ko lalaki—at ako pa ang...
Napapikit ako at tinakpan ang mukha ko nang magsimula itong mamula.
Fuck!
Nagustuhan ko. Hindi ko itatanggi sa sarili ko ang katotohanang 'yon. Maliban sa sobrang sakit ng katawan at lagnat kinabukasan... sobrang nagustuhan ko ang nangyari. And I can't get it out of my head.
Pero iyon ang hinding-hindi ko aaminin kay Judas.
Mabilis akong naligo, pero paglabas ko ng banyo, nagulat ako nang makitang naghihintay na pala siya sa kwarto ko. Nakaupo siya sa kama, nakaharap sa pinto ng banyo, parang ako lang talaga ang hinihintay niya. Nakatukod ang mga kamay niya sa likuran habang bahagyang nakatagilid ang ulo, taas-baba ang tingin sa katawan kong naka-boxers at may manipis na tuwalyang nakapatong sa ulo.
Suot niya ang isang gray na knitted sweater at brown pants. Napansin kong halos kapareho ng suot niya ang mga damit na nakalatag sa kama—walang duda, iyon ang ipapasuot niya sa akin.
"The hell is this?" itinuro ko ang mga damit.
"I got you something similar to mine so they would know you're already taken."
Gusto kong mag-aklas ang puso ko. Taken? Kailan pa? Single ako ah? Kino-consider ba ni Judas na pag-aari na niya ako?
Puta siya.
Pero kahit anong kumbinsi ko sa sariling naiirita ako, may kung anong gumagapang na pakiramdam sa loob ko. I am not stupid. Naranasan ko nang makaramdam ng ganito dati.
Kinikilig ako.
Mabilis kong inalis sa isip ko ang kahit anong kademonyohan.
"I asked my assistant to buy this for you. It's in a smaller size." Hinila niya ang kaliwang pulso ko hanggang sa mapapwesto ako sa pagitan ng hita niya. Doon, sinimulan niyang punasan ang natitirang tubig sa katawan ko gamit ang tuwalyang nasa ulo ko.
Matapos niyang gawin iyon, marahan niyang inilapag ang tuwalya sa kama.
"Bihis ka na."
Naka-boxers naman ako, at kung tutuusin, nakita na niya lahat sa akin. Kaya hindi na ako nagreklamo. Dahan-dahan kong sinuot ang mga damit sa harap niya mismo, inuuna ang pang-itaas para magaya ang pagkaka-tuck in niya ng sweater.
Matapos suotin ang damit na bigay niya ay tahimik niyang inayos ang suot ko, ultimo sapatos ay siya pa ang nagsuot. Matapos magbihis, tumingin ako sa salamin. Kita ko siyang pinapanood ako habang nakaupo pa rin sa kama. Halos pareho kami ng suot, maliban sa maliliit na detalye.
The first time I am wearing a couple outfit, and it had to be with this man.
Umiwas ako ng tingin sa salamin. Sana wala kaming makitang kakilala ko sa labas.
Tumalikod na ako sa salamint at lumapit ulit sa kanya, nagulat pa nang iniabot niya sa akin ang cellphone ko. Matagal ko nang inisip na wala na iyon, pero napansin kong paminsan-minsan ay ginagamit niya ang phone ko. Hindi ko siya tinanong tungkol doon dahil alam kong wala rin akong magagawa o makukuhang matinong sagot sa kanya, hanggang sa tuluyan ko na lang itong nakalimutan.
"Bakit, Judas?" tanong ko, pero kinuha ko rin ang phone mula sa kanya. Matiim ang titig niya sa akin, may maliit na ngiti sa labi—parang maamong tuta kung makatingin.
"Because I love you and I trust you." Walang pag-aatubili sa boses niya.
Sanay na ako sa sagot na 'yan. Kadalasan, sa lahat ng tanong ko, iyan lang ang sinasabi niya. Bihira siyang sumagot nang direkta. Nakakainis. Kaya na rin siguro bihira na akong magtanong sa kanya.
Kinagat ko ang sariling labi at tinitigan ang cellphone bago itinago sa bulsa ko.
"Salamat," mahina kong sabi.
Ngumiti siya ng malaki. Gumapang ang kamay niya sa bewang ko at bahagya akong hinila palapit.
"Ang bait ko, 'no?" bulong niya. "Bigyan mo ako ng reward."
He's not asking—he's demanding.
Napalunok ako.
"A-Ano bang gusto mo?" umiwas ako ng tingin, pilit pinapanatiling kalmado ang boses.
"Kiss."
Napalunok ako ulit.
"K-Kiss?" baka mali lang ang dinig ko.
Napapikit ako ng sunod-sunod, sinusubukang iproseso ang sinabi niya. Yes, we did something more. Pero kailanman, hindi siya humingi ng halik sa akin. He always initiated. At sa totoo lang, huli naming ginawa iyon noong gabing...
Gabing kinuha niya ang virginity ko... sa lalaki.
Mabilis kong inalis ang alaala sa isip ko at huminga nang malalim. Hinila niya ako para mas mapalapit sa katawan niya, nasa mukha nanaman niya ang mala-demonyong ngisi.
"Yup. Kiss, halik, laplap. Iyong malalim at matagal." Mabilis niyang tinaas-baba ang kilay niya, may kasama pang pilyong ngiti na nagpa-kabog ng dibdib ko.