Sobra ang poot niya sa 'kin.
Inasahan kong magagalit siya dahil sa mga ginawa ko, pero hindi ko inakalang ganito katindi.
Natural sa tao ang gumawa ng mga bagay na pagsisisihan natin, but that is not an excuse. Ganoon pa man, habang pinapanood ko siyang panay ilag sa 'kin, nagsisisi ako. Sana pala hindi ko ipinilit. Sana pala tiniis ko muna.
Itinago ko ulit ang phone niya sa sikretong safety deposit box ko. Kakatapos ko lang i-text ang assistant niya sa café para ipaayos ang deliveries. Pinalabas kong nagbakasyon si Andy at nagsu-supervise siya over the phone—when in fact, ako talaga ang katext nila. Ginawa ko rin ito sa best friend niyang si Jacob at sa mga magulang niya para hindi sila mag-alala o maghanap.
I know this is something I can't keep doing. But I am determined to figure something out.
Matapos kong itago ang phone, nilapitan ko si Andy—Andrew Solstice. Para sa akin, mas maganda pakinggan ang Andy kaysa Drew. Mas bagay sa kanya. Mas sweet. Mas masarap sa dila.
Parang siya kagabi.
I immediately pushed away those nasty thoughts bago lumapit sa kanya. Nakahiga siya sa sofa, as usual, hindi ako pinapansin. I understand, though. May kasalanan ako, at handa akong harapin ang galit niya.
As long as he is by my side, I am fine with everything.
"Hey." Sa pagkapa ko sa leeg niya, naramdaman ko pa rin ang init ng kanyang balat. Nilalagnat siya kanina pa dahil sa ginawa namin kagabi, kaya naman mas lalo akong nakonsensya.
"I'm sorry." Yumakap ako sa kanya at humalik sa mainit niyang leeg.
Nakakahalina lalo ang init ng balat niya, which is not helping my patience. Alam kong mas mainit at mas masarap sa loob, tulad kagabi, pero hindi muna. I can't push my luck any further... for now.
"I'm very sorry, Andy. Patawarin mo ako sa ginawa ko kagabi," bulong ko sa nananahimik kong mahal.
During the time that I kidnapped him, I never did anything aside from touching and kissing him all over. I wanted to wait, to do it with him while he was conscious. And I hate myself for losing patience last night.
I did not want our first time to be like that.
Pero sa totoo lang, gustong-gusto ko ang nangyari kagabi. Wala akong pinagsisihan—liban na lang sa sobrang aga kong ginawa 'yon sa kanya. Sana'y kinuha ko muna ang loob niya.
Hindi pa rin niya ako pinansin. Balak ko pang mangulit, pero naramdaman ko ang vibration ng sarili kong phone.
Nag-reply ang doctor na tinext ko kanina.
"Run him a bath. Kung accurate ang sinend mong temperature kanina, kailangan mo lang siyang paliguan para bumaba 'yan. Painumin mo ng gamot. Kapag hindi siya gumaling within this day, either dalhin mo sa hospital or ako ang pupunta."
I put my phone away. I don't like any of his suggestions, pero kung kakailanganin, gagawin ko para gumaling si Andy.
But for now, I'll try running him a bath.
"Hey, baby?" malambing kong tawag, pero nanatili siyang nakapikit. Alam kong gising siya at ayaw niya lang akong pansinin, kaya binuhat ko na lang siya.
Sa pagbuhat ko sa katawan niyang nababalutan ng sarili kong mga damit, mas lalo kong naintindihan—handa akong gawin ang lahat para sa kanya.
Pwera na lang ang palayain siya.
Sa banyo, inilublob ko siya sa bathtub at tinutukan ng shower. Wala akong planong tagalan ang pagpapaligo sa kanya at palalain pa ang lagay niya, kaya minadali ko ang pag-shampoo at pagsabon. Alam ko sa sarili kong gusto ko pa siyang hawakan nang mas matagal, but I can't risk it today.
"Kaya ko na." Matigas ang boses niya nang dumapo ang kamay kong may hawak na tuwalya sa kanyang hita.
Masasabi kong matapos ang insidente, nawala ang takot niya sa 'kin. Hindi na siya nauutal o natatakot tumingin sa 'kin sa tuwing kakausapin niya ako.
Kung iisipin, magandang bagay iyon.
Pero ayoko nang may galit siya.
Sa kabila ng pag-aaklas na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya, nagpaubaya ako. Siya ang nagpunas sa sarili niya habang kinuha ko ang susuotin niya ngayong gabi. Pinabayaan ko rin siyang magbihis mag-isa.
Ang dami kong gustong gawin, pero ang tanging ginawa ko lang ay halikan siya nang madiin sa labi.
Guess I'll be sleeping with blue balls tonight.
Sa ilang gabing nandito ako sa kuta ng hudas, hindi niya ako tinabihan sa kama.
Except last night and tonight.
Ramdam ko ang pagbuti ng pakiramdam ko. Hindi ko inakalang lalagnatin ako dahil sa ginawa niya kagabi. Ganoon ba iyon kasakit para lagnatin ako ng ganito kataas?
At kung oo, paano ko nakayanan?
Tinitigan ko ang mukha ng katabi ko. Ang sarap ng tulog niya—nakabuka nang kaunti ang mga labi at may lumalabas na mabining hilik.
Gwapo kung sa gwapo, sa totoo lang.
Ni sa hinagap, hindi ko inakalang may magnanasa sa 'kin na tulad niya. Pero kidnapper at r****t naman pala.
Kahit hindi na lang sana.
Maya-maya pa, humigpit ang yakap niya sa akin. Mabilis ang pangyayari. Hindi ko nagawang umiwas ng tingin nang bigla niyang idinilat ang mga mata niya. Diretso siyang nakatitig sa 'kin.
"How are you, baby?"
Uncomfortable pa rin ako kapag kinakausap niya ako, pero hindi na ako takot.
Para saan pa?
Iyong kinatatakutan kong kukunin niya, nakuha na rin naman niya.
Ano pa bang mawawala sa 'kin?
Nakakasuka. Pakiramdam ko, wala akong kwentang lalaki. Hindi ko man lang nagawang protektahan ang sarili ko.
"What are you thinking?" Tumaas ang kamay niya at humawak sa akin, ang mga daliri ay nakapalibot sa leeg ko. Minasahe niya ako doon.
My muscles tensed up. Hindi ako sumagot.
"Loosen up, love. Kasi baka hindi mo magustuhan kapag ako ang nagpakalma sa 'yo."
"Tsk." I relaxed. Tumawa lang siya.
"Matulog ka na," pabalang kong sabi.
Hindi siya sumagot, pero gumapang ang kamay niya mula sa leeg ko papunta sa batok. Doon niya naman ako minasahe.
"Your temperature went down." Hinila niya ako papalapit. Inipit ko ang mga labi ko, inaasahang hahalikan niya ako.
"Sorry kagabi kung nasaktan ka. Nagkasakit ka pa ngayon. I was too excited, but I'll be gentle next time."
Sa sinabi niyang iyon, mas naging malinaw sa akin—hindi ko ito madaling matatakasan.
May next time.
Mauulit at mauulit pa ang ginawa niya kagabi.
Lalagnatin ba ako ulit?
Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Goodnight, Andy. Mahal kita."
Baka obsessed ka lang?
But he sealed his words with a kiss on my lips.