One thing I hate about my job is my working hours. Sure, may exact time naman ng pagpasok at pag-out which are 8 a.m. and 5 p.m., respectively. Pero walang hiya, anong oras na tapos nandito pa rin ako sa labas ng airport hinihintay ang bagay na kailangan kong ihatid sa kliyente ko. It’s already four in the morning, for goodness sake. Alas-otso pa ako naghihintay rito.
Napasandal na lang ako sa aking upuan habang sumisilip sa bintana ng kotse. Nakailang burger na ako pero wala pa rin akong nakikitang naka-red coat na lumabas sa exit. ‘Yon lang ang ibinigay sa aking information, eh. Hintayin ko lang daw rito ang babaeng naka-red coat tapos kunin sa kanya ang isang white envelope. Nasaan na po ‘yong babae? Nauubos na po ang pasensya ko rito.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang phone na nasa bulsa ng aking coat. Napairap na lang ako nang makita ko ang pangalan ni Sec. Jovan sa screen. Ayaw ko sana siyang sagutin, pero wala naman akong choice. Trabahong usapan ito.
“Good morning, Agent Coffee.”
“Pucha, huwag n’yo nga akong tawagin ng ganyan.” Hindi ko maiwasan na maalang habang hinihintay ko siyang magsalita mula sa kabilang linya. Wala namang problema kay Jovan except the fact na gusto niya akong ligawan.
Sa totoo lang, ilang beses ko na siyang ni-reject. Alam na alam niyang wala akong gusto sa kanya at hinding-hindi ko siya magugustuhan romantically, pero ayaw niya pa rin talaga sumuko. Ewan ko ba sa lalaking ito.
“Everyone calls you that. Kaya naman wala akong choice kundi makisabay,” natatawa niyang tugon. I roll my eyes at him.
“Ano ba ang kailangan mo?” iritado kong sabi.
“Ang aga-aga ang init ng ulo mo sa akin. Nasasaktan na ako, pare.”
“Jov, wala pa akong tulog kaya umayos ka,” banta ko.
“Ah, kaya naman pala. Huwag mong sabihin nasa airport ka pa?” Sumulyap ako sa labas ng bintana bago sumagot.
“Unfortunately, yes. Nandito pa rin ako.”
“I see. Kumain ka na ba?”
“Pakialam mo ba?” mataray kong tanong. Narinig kong tumawa siya kaya napapikit na lang ako sa sobrang inis.
“Kung balak mo lang na manggulo, ibababa ko na ito.”
“Wait, wait. May meeting ka raw mamaya with Sir Malwin!” Hindi ko napigilan na mapangiti nang mataranta siya. Jovan is a funny guy pero ‘no’ pa rin talaga. I don’t see him as a potential lover, eh.
“Anong oras daw? New assignment ba?” usisa ko.
“Yes, new assignment with a partner. Exactly 8 a.m., kailangan nasa conference room ka na. Nakakahiya naman kong ma-late ka, international police pa naman ‘yong partner mo.” Napasipol ako nang marinig ko ang sinabi ni Jovan. Mukhang importante ang assignment na ito, nakaka-excite naman.
“Okay. End call ko na.”
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Jovan at agad din na tinapos ang tawag. Saktong pagbulsa ko ng phone ko ay siya namang paglabas ng babaeng naka-red coat sa exit. Saglit akong nanalamin bago lumabas sa aking kotse.
Dali-dali kong nilapitan ang babae na agad din na napaatras nang harangin ko ang kanyang dinaraanan. Nakasuot siya ng face mask at sun glasses habang balot na balot naman ng red coat ang kanyang katawan. Base sa kanyang ayos, balak niyang itago ang sarili niya. Pero sa porma niyang ito, mas mapapansin lang siya ng mga tao. Wrong choice of clothing. Mabuti na lang kaunti lang ang tao rito sa airport ngayon.
“Magandang umaga, Ma’am. Ako po si Sandra, ang inutasan na kumuha ng sulat sa inyo.” Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahan na tumingala sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya kaya hindi ko mawari kung matanda o dalaga na ba ang kaharap ko ngayon.
“M-Magandang umaga ho.” Namangha ako nang marinig ko ang mahina niyang boses. Opposite ito sa inaasahan kong bumati sa aking mga tainga. I’m guessing she’s already in her fiftys.
“Dala n’yo po ba ang kailangan ko, Ma’am?” diretso kong tanong. Napatango siya at kinuha sa bulsa ng coat ang isang puting sobre.
Hindi na ako nagdalawang-isip na kunin ito sa kanya para maitago sa coat ko. Nang masiguro kong secure na ito, hinarap ko muli ang babae upang magpaalam.
“Maraming salamat po. Alis na ho ako.”
Hindi ko pa man naihahakbang ang aking mga paa ay pinigilan na agad ako ng babae. Kunot-noo ko siyang tiningnan at dito ko na nakita ang mga pasa niya sa mukha. What the heck happened to her!
“T-Tulungan mo ako, Hija. P-Papatayin nila ako kapag nalaman nilang hindi totoo ang ibinigay ko sa kanila.”
Nang makita ko ang umiiyak na mukha ng Ginang, hindi na ako nag-atubili pang igiya siya papunta sa aking sasakyan. Hindi kasali sa trabaho ko ang isama siya. Pero hindi ko p’wedeng hayaan na may mapahamak para lang magawa ko ang aking misyon.
Pagkapasok namin sa kotse, ipinahubad ko sa Ginang ang suot niyang coat. Dito na tumambad sa akin ang kanyang bugbog-saradong katawan. Nagtagis ang aking bagang dahil sa aking nasaksihan. Walang puso ang gumawa nito sa kanya.
“Paano ho nangyari sa inyo ito?” nag-aalala kong tanong.
“A-Ako ho si Maribel, singkuwenta anyos. Tinulungan ko ho na makatakas si Atty. Go kaya ako ho ang nandito ngayon. Katulong lang po ako ng pamilya Flores. M-Matagal ko na pong alam ang tungkol sa agawan ng yaman sa pamilya nila. Kaya hindi ho ako makakapayag na mapupunta sa maling tao ang pinaghirapan ni Sir Leo. M-Ma’am, maniwala ho kayo sa akin. Balak pong baguhin ni Sir Uriel ang last will ni Sir Leo para sa kanya mapunta ang mana at hindi kay Sir Brendon. M-Maniwala po kayo sa akin.” Napahagulhol na si Manang Maribel habang ikinikiskis ang mga palad sa kanyang mga hita. She’s scared. Nag-aalala siguro siyang hindi ako magtitiwala sa katulad niya.
“Tahan na ho, Nay. Si Sir Brendon po ang nagpadala sa akin dito ngayon,” nakangiti kong wika.
Mas lalong napaluha si Nanay nang makita niya ang ngiti ko. Mukhang siyang nabunutan ng tinik habang paulit-ulit na nagpapasalamat sa akin. Hindi ko maiwasan na humanga sa kabayanihan na ginawa niya para sa pamilya ni Brendon Flores. They deserve to know what this woman did for them.
“Magpahinga ho muna kayo, Nay. Ihahatid ko ho kayo kina Sir Brendon.” Tumango siya sa akin at marahan na pinunasan ang kanyang mukha gamit ang tissue na ibinigay ko.
Akmang papaandarin ko na ang sasakyan nang may marinig akong mahinang pagputok mula sa labas. Maagap kong ipinayuko si Nanay saka ako tumingin sa bintana. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang bala na tumama sa unahan ng kotse. Bullet proof ang sasakyan ko kaya hindi tumagos sa salamin ang bala. Damn! Mukhang nasundan na nila si Manang Maribel!
Ilang sandali pa ay pinaulanan na kami ng bala kaya agad ko rin na pinaandar ang sasakyan paalis sa airport, pero hindi nagpapigil ang mga naghahabol kay Manang Maribel. Tatlong itim na kotse ang kasalukuyang nakasunod sa amin ngayon habang tinatahak namin ang daan papunta sa aming destinasyon. Mababakas na ang labis na pag-aalala sa mukha ni Nanay Maribel, hindi na siya mapakali habang sumusulyap sa aming likuran. Pucha, kailangan kong mag-isip ng paraan para matakasan ang mga taong ito!
Habang nag-iisip ng p’wede naming madaanan, isang motorcycle rider ang biglang kumatok sa bintana ko. Hindi ko makita ang mukha ng driver dahil sa suot nitong helmet. Naka-all black pa talaga si Kuya, ah. Rider na rider ang pormahan with matching gloves pa.
I chose to ignore him pero kumatok siya ulit sa bintana. Naguguluhan ko siyang tiningnan tapos nag-ok sign siya sa akin. Ano’ng trip nito? Wala akong oras para makipaglokohan!
“F*ck off,” I mouthed.
Sumenyas siya sa akin na sundan siya sabay ok sign ulit. Hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko pero sumunod ako sa rider. I can’t believe I’m doing this. Limang taon na akong nagta-trabaho bilang Keeper pero ngayon lang ako nagtiwala instantly sa taong hindi ko naman kilala. Ewan ko ba, pero iba ang feeling ko sa isang ito.
Naghabulan kaming apat habang nasa unahan namin ang motorcycle rider. I couldn’t help but feel secure while staring at the rider’s back. I don’t know why I feel at ease while I’m following him.
Maya-maya pa ay may natanaw akong grupo ng mga police na nakabantay sa entrance ng tunnel. Agad kong tiningnan ang kalagayan ni Manang Maribel, mukhang nakampante na siya nang makita ang pulisya. Honestly, kaya ko namang takasan ang mga humahabol sa amin. Pero ibang usapan na kung kasama si Manang Maribel, hindi siya katulad ko kaya kailangan kong isaalang-alang ang kapakanan niya.
Sumenyas ‘yong rider sa mga pulis at tinanguan lang siya ng mga ito. Nang makalagpas kami, napansin kong hinarangan agad ng mga pulis ‘yong tatlong kotse na nakasunod sa amin. Wow! Who is this guy?
Pagkalagpas namin sa tunnel agad kong inihinto ang aking sasakyan nang mapansin kong wala na ‘yong motorcycle rider. Mariin kong sinuri ang paligid para hanapin siya , pero wala talaga. Pagkalipas ng ilang minuto, nagdesisyon na akong ihatid si Manang Maribel sa bahay ni Sir Brendon.
Agad din siyang inasikaso ng pamilya nang makita nila ang kanyang sinapit. Napaiyak pa si Sir Brendon habang tinitingnan si Manang Maribel na ginagamot ng family doctor. Nang masiguro kong natanggap na nila ang white envelope, nagpaalam na ako. Ang security team na ang bahalang maghatid sa kanila papuntang Germany kasama si Manang Maribel.
Nakangiti akong nagtungo sa aking kotse knowing that I did a great job. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang bahay nila Sir Brendon bago ako sumakay sa aking sasakyan at pinaandar na ito.
“Ahhh!”
Malakas akong sumigaw habang sinasalubong ko ang pagsikat ng araw. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng aking kotse habang sinasabayan ang kantang What a Perfect Day by Lind. Napangiti ako habang dumadampi sa aking pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Ang ganda ng panahon ngayon. Pakiramdam ko ay may magandang mangyayari.
After kong maligo at magbihis sa isang hotel, agad din akong nagtungo sa Keeper Association para sa aking meeting. Gusto ko pa sana na umuwi sa bahay pero baka kapusin na ako sa oras. Yeah, I know panay reklamo ako kanina na puyat ako at ang tagal kong naghintay. Well, ugali ko nang magreklamo pero ginagawa ko pa rin naman ang trabaho ko with a smile on my face.
Pagdating ko sa entrance ng KA, magiliw akong binati ng guard na sinuklian ko lang ng ngiti. Saktong alas-siyete ay naglalakad na ako patungo sa elevator. Hindi ako halatang walang tulog sa gray suit ko. Siyempre naman, kailangan presentable tayo all the time sa trabaho.
Pagpasok ko sa elevator ay binati rin ako ng mga empleyadong kasabay ko. Nginitian ko lang din sila sabay pindot ng button papuntang sixth floor. Pasara na sana ang pinto ng elevator nang biglang may pumigil nito mula sa labas. Umarko ang kilay ko pero hindi ko na lang pinansin ‘yong bagong dating. Umisod na lang ako para makapasok siya at dito ko na napansin ang suot niyang helmet. Why is he wearing a helmet? Yeah, we know he’s a rider sa outfit niya, pero ba’t hindi niya hinubad ‘yang helmet?
Napailing-iling na lang ako habang pinipigilan ang sarili na huwag matawa. Lakas naman kasi ng trip nito.
Unti-unti ay nababawasan na ang mga kasabay namin sa elevator hanggang sa kami na lang ni Helmet Guy ang natira. Looks like sa sixth floor din ang punta niya.
Pagtigil ng elevator, nagkatinginan pa kami, naghihintay kung sino ang unang lalabas. Dito na ako napahalakhak at nauna nang naglakad patungo sa conference room. Loko, ang weird talaga ng lalaking ‘yon.
“Oy, ba’t nakangiti ka?” bungad sa akin ni Jovan sabay harang sa dinaraanan ko. Mukhang sa conference rin ang tungo niya. Sumimangot lang ako sa kanya saka siya nilagpasan.
“Selene, huwag mong sabihin na may iba ka na?” pangungulit niya habang nakabuntot sa akin.
“Jov, ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo na I don’t have time for relationships.” Napapalakpak si Jovan sabay abot sa akin ng paborito kong canned coffee. Tinanggap ko na lang ito for the sake of formality kasi nga hindi ba nagbibigay ng kape ang secretary? Gano’n.
Pagdating namin sa conference room, naabutan namin si Sir Malwin na kausap ang isang lalaking nakasuot ng black suit. Tumigil kami sa tapat ng pinto at magalang silang binati bago kami pumasok.
“Oh! Nandito na rin pala si Mad Dog.” Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ng kasama ni Sir Malwin. Did he just say Mad Dog?
“Loko talaga ang batang ito. Tanggalin mo nga ‘yang helmet mo.” Napakurap ako nang marinig ko ang salitang ‘helmet’. H-Helmet?
Agad din akong napalingon at bumungad sa akin ‘yong rider na nakasabay ko sa elevator kanina. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang helmet habang nakaabang naman akong makita ang kanyang mukha. Well, maling desisyon pala na nag-abang ako. Dahil ang mukhang nakatago sa helmet na suot niya ay ang mukhang ilang taon ko nang pilit na kinakalimutan.
“Ayan! Ang pogi-pogi nitong si Eli tapos nagtatakip ng mukha.”
Nahigit ko ang aking hiningi habang nakatingin ako sa nakangiting si Eli. Maya-maya pa ay napalingon siya sa akin. For the first time, in five years, ngayon ko lang ulit nakita nang maayos ang mukha niya.
“Siya nga pala, Selene siya ang magiging partner m―”
“I’m sorry, Sir Malwin. Ayaw ko po siyang makatrabaho.”