Chapter 02: Big Step

1924 Words
Hindi na bago sa akin ang nakakabinging katahimikan. Simula kasi nang pumuta sina Papa at Mama sa Japan kasama si Samdrex, ako na lang mag-isa ang naiwan sa bahay namin dito sa Manila. Kaya ito, nasanay na lang ako. It’s been two years simula nang umalis sila Papa. Nasa Japan ang mga magulang ni Mama kaya doon na rin nag-aral si Samdrex para maalagaan din sila Lolo. For four years, nasanay na akong kumain at gumising nang mag-isa. That is why this deafening silence between us right now is not new to me. Mahigit sampung minuto na kaming nababalot ng katahimikan habang pinapakiramdam ang isa’t isa. Ibinaling ko ang aking atensyon kay Sir Malwin sabay taas ng aking kaliwang kilay. Hindi makapaniwala siyang napailing sa akin bago napasandal sa sofa dulot ng labis na pagkadismaya. Napangisi ako sabay tapik sa aking hita. Alam na ni Chief kung ano ang dapat na gawin. “Oy, Selene. Seryoso ayaw mo talaga kay Eli?” paninigurado ni Sir Malwin. “Sinabi nang ayaw ko nga po, Sir. Alam n’yo naman pong hindi ako nakakapagtrabaho nang maayos kung hindi ko bet ang partner ko.” Ngumisi ako sabay tango kay Sir Arc. Si Sir Arc Smith ang Deputy Chief ng International Police Institue habang si Sir Malwin naman ang Chief Operating Officer ng Keeper Association. Sa tingin ko pareho lang sila ng edad ni Sir Malwin base sa kanilang pormahan at awra. Mga nasa thirtys na pero ang fresh pa rin ng mga itsura. Medyo mature nga lang si Sir Arc tingnan kasi ang seryoso. Anyway, mukhang tapos na ang usapang ito. Hindi na ako ang magiging partner ni Eli kaya for sure sa ibang misyon na ako ma-a-assign. Jokes on him. Ano ako baliw? Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo para makipag-partner sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa akin five years ago, April 9, 2014. “Si Charmaine na lang ang magiging partner ni Eli, Sir Arc.” Napabuntong-hininga si Sir Malwin sabay lingon kay Eli. Mas lalong lumapad ang suot kong ngiti dahil sa aking narinig. Inayos ko na ang aking buhok sabay tango ulit kay Sir Arc. “I sincerely apologize, Sir. Mauuna na po ako.” Mayumi akong napatayo sa aking upuan saka pasimpleng sumenyas kay Sir Malwin na aalis na ako. Pero bago pa man ako makalabas sa pinto, biglang may nagsalitang engkanto. Automatiko akong napairap sabay kuyom ng aking mga kamay. Pabida talaga ang loko. “Sir Malwin, I didn’t expect that you would have an incompetent agent here at KA. I’m disappointed. Siya ang Top 2 sa ranking n’yo rito sa Pilipinas, right? I see. Deserve naman pala ni Miss Em ang Top 1. Nakatrabaho ko na siya and she’s very professional.” Agad kong nilingon si Eli pagkatapos niyang magsalita, umiinom lang naman siya ng kape habang nakangiti sa boss ko. He’s getting on my nerves! “Oh! Oo, magaling nga ‘yon si Em.” Tumango-tango si Sir Malwin kaya may panghahamak ko siyang tinitigan. Alam na alam niya talaga kung paano ako pabalikin sa upuan ko. He knows I hate being compared to Miss Em. Fine, they win. Nakangiti akong naglakad pabalik sa aking upuan sabay sulyap sa direksyon ni Eli. Nakatingin na siya sa akin and he looks proud of himself. “Oh, ba’t bumalik ka? Pumapayag ka na, Selene?” umaasang tanong ni Sir Malwin. Marahan akong napatango sabay thumbs up sa kanila. “Weh? Mukhang napipilitan ka lang, eh.” Ilang beses akong napakurap nang marinig ko ang sinabi ni Eli. Ang sarap niyang ilibing ng buhay. “Mr. Dominic, I’m doing this because this is my job. Challenge sa akin ang assignment na ito kaya tatanggapin ko,” taas-noo kong sabi. “You declined earlier,” pambabara niya. Yeah, dahil ayaw kong makasama ka. “I changed my mind. Mabilis magbago ang isip ng isang tao. They’ll say no tapos gagawin din naman nila. Gano’n ako.” Hindi na sumagot pa si Eli at napatango na lang. Manahimik na lang kaya siya kung wala siyang matinong masabi, malaking tulong talaga kung isasara niya ‘yang bibig niya. “Teka, magkakilala ba kayo?” “Hindi.” “Yes.” Nagkatinginan kami ni Eli pagkatapos naming sagutin ang tanong ni Sir Malwin. Pero hindi ako nagulat sa sabay naming pagtugon, ang ikinagulat ko ay ang pagsabi niya ng ‘hindi’. Napangisi ako sa kanya sabay iwas ng tingin. I see. Gusto niyang umaktong walang nangyari between sa ‘min. Fine, madali lang naman ‘yan. “Sino ba sa inyo ang nagsasabi ng totoo?” naguguluhang tanong ni Sir Arc. “I mean, Si―” Hindi ko na pinatapos si Eli sa nais niyang sabihin at ako na ang sumagot. “Sorry, nalito lang po ako. Hindi po namin kilala ang isa’t isa. Anyway, ano po ba ang assignment namin at kailangan pang kaming dalawa ang gumawa nito?” Mabuti na lang ay naramdaman ni Sir Malwin ang nais kong ipabatid. He nods at me, I smile back at him. Good thing he is not dense. “So, uhm, nevermind that. The thing is hindi basta-basta ang assignment na ibibigay sa inyo kaya kailangan n’yong magtulungan. Si Eli ay pinili ng gobyerno para sa misyon na ito at ikaw naman ang napili ng STONE na kumatawan sa kanila, Selene.” May inilabas si Sir Malwin na mga papeles at litrato mula sa brown envelope na nasa small table at inilatag ito sa aming harapan. Magkasabay kaming tumingin ni Eli sa mga litrato, pero agad din akong umatras nang mapansin ko ang posisyon naming dalawa. Nagbangga lang naman ang balikat namin and obvious naman na sinadya niya ito. Feeling close, gosh. “Sir Arc, the representative of the International Police Institute, is here to cooperate with the Keeper Association along with Captain Eli Dominic. Kung may kailangan tayo, willing silang tumulong at gano’n din naman tayo sa kanila. Ngayon, ang primary goal ninyong dalawa sa misyon na ito ay kunin ang loob ng dalawang batang ito.” Itinuro ni Sir Malwin ang litro kung saan may dalawang bata na naglalaro sa isang park. Halatang nakaw lang ang kuha dahil hindi aware ang mga nasa picture. “Lance Cortez, seven years old. Lea Cortez, five years old. Sila ang kailangan n’yong protektahan, naiintindihan n’yo?” Sabay kaming napatango ni Eli habang seryosong nakatingin sa larawan ng dalawang bata. Kahit hindi ako sabihan na protektahan sila, gagawin ko pa rin. Masyado pa silang bata para saktan ng magulong mundo. “Ang STONE ay samahan ng mga archaeologist sa buong mundo, ‘di ba? Ano ang kinalaman nila sa dalawang bata?” usisa ni Eli. “Miyembro ng STONE ang mga magulang ng dalawang bata,” inilapag ni Sir Malwin ang litrato ng dalawang archaeologist na nakasuot ng kanilang uniporme, “and they got killed while protecting the Jiem.” Nabalot ng kalungkutan ang aking puso habang nakatingin sa nakangiting mukha ng mag-asawa. Ngayong wala na sila, paano na sina Lance at Lea? “Sinubukan nang ibaon sa limot ng STONE ang tungkol sa Jiem pagkatapos masawi ng mga miyembro nila five months ago. Pero last week lang, nabalitaan ni Chairman Kou na may mga taong nais na makuha ang Jiem.” Napuno ng pag-aalala ang aking mukha dahil sa sinabi ni Sir Malwin. Ang unang pumasok sa isipan ko ay ang kapakanan ng mga bata. Subukan lang talaga nilang saktan sila Lance, ako ang makakaharap nila. “Nasaan ba ang Jiem?” naguguluhan kong tanong. “Itinago ng mga magulang nila Lance. Honestly, wala ng balak ang STONE na alamin kung nasaan ito. Pero ngayong may naghahanap sa Jiem, hindi nila p’wedeng hayaan na malagay sa panganib ang mga bata. Sigurado silang ang mga bata ang unang pupuntahan ng mga tao na ito.” Nakagat ko ang aking ibabang labi pagkatapos kong marinig ang paliwanag ni Sir Malwin. Hindi nga madali ang misyon namin. “Antigong bato ang Jiem at billions ang halaga nito. Kailangan n’yong malaman kung saan ito itinago, pagkatapos ay ihatid n’yo ito sa STONE. Ito ang napagkasunduan ng STONE at gobyerno. Para hindi mapunta sa wala ang mga nasawing buhay, kailangan sa mabuting mga kamay mapunta ang bato.” Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa mga papeles at larawan. Mabuti na lang ay bumalik ako sa upuan ko. I’m glad I changed my mind. “Siya nga pala, misyon n’yo rin na protektahan ang mga bata. Sila ang pinakamahalaga sa lahat. Kapag may nangyari kay Lance at Lea, kayo ang malalagot,” dadag ni Sir Arc. “Alamin kung nasaan ang Jiem, ihatid ito sa STONE, at protektahan ang mga bata. Paano namin ito gagawin ni Selene?” Napaigtad ako sa aking upuan nang marinig ko ang pangalan ko mula sa bibig ni Eli. It’s been five years since I last heard him say my name. Pucha, Selene! Mag-focus ka nga! “Oo nga, Sir Malwin. Idi-divide ba namin ang trabaho? Like ako muna ang maghahanap sa Jiem tapos si Eli ang magbabantay sa mga bata?” Nagkatinginan sina Sir Malwin at Sir Arc dahil sa tanong ko. Napakunot ang aking noo dahil sa ikinikilos nila. Ba’t parang masama ang kutob ko rito? “Ano kasi,” tumikhim si Sir Malwin, “ano, ang balak nilang ipagawa sa inyo ay. . .” Nakaabang ako sa susunod niyang sasabihin pero mukhang nahihirapan siyang bigkasin ito. “Ano ba kasi?” iritado kong tanong. “Magpapanggap daw kayong mag-asawa.” Napatigil ako dahil sa sinabi ni Sir Arc. That’s bullshit! “Pucha, ayaw ko,” diretso kong sagot. “Selene, walang tumatanggap na kamag-anak sa dalawang bata. Natatakot sila na baka patayin din sila kaya sa orphanage iniwan sina Lance at Lea. Ang gusto lang naman ng STONE ay iparamdam sa mga bata na hindi sila nag-iisa. For five months, pagkatapos ilibing sina Bernard at Vilma, sa bahay-ampunan na umuuwi sila Lance. Kaya pumayag ka na, please,” pagmamakaawa ni Sir Malwin. “Tapos ano? Pagkatapos ng misyon iiwan din namin sila?” sarkastik kong tanong. “Si Eli na ang bahala sa kanilang dalawa pagkatapos,” sagot ni Sir Arc. What? “Handa siyang ampunin ang mga bata pagkatapos ng misyon n’yo.” Hindi makapaniwala akong napalingon kay Eli. Kalmado lang siya habang nililigpit ang mga gamit sa mesa. Ano’ng pumasok sa isip niya para magdesisyon siya ng ganito? Ano na naman kaya ang trip niya? Don’t make me laugh, Eli. Duda ako sa plano mong ito. “I understand,” saad ko habang nakangisi. “T-Talaga? Okay ka nang magpanggap kayo, Selene?” tanong sa akin ni Sir Malwin. Napatango na lang ako sabay tayo sa aking upuan. “Naintindihan ko na ang dapat naming gawin. So, ano ang plano ngayon?” pag-iiba ko sa usapan. Napatayo na rin sila at kinamayan kami ni Eli. “Finally! Maraming salamat sa inyo. Ngayong araw rin magsisimula ang pagpapanggap n’yong dalawa. Bago n’yo sunduin ang mga bata sa Happy Orphanage, pumunta muna kayo sa inyong magiging bahay. Nakahanda na ang tutuluyan n’yo sa San Sebastian. Good luck.” Ngiti na lang ang naging tugon ko kina Sir Arc. Honestly, hindi pa ako ready. Akala ko may one week preparation pa pero ngayon na pala ang day one namin. Grabe, hindi ganito ang inaasahan kong paraan para magkaroon ng asawa. Kahit pagpapanggap lang ito, para sa akin ay isa ito sa pinakamalaking hakbang ko in five years. Dahil ang totoo niyan, pagkatapos naming maghiwalay ni Eli, siya lang ang lalaking minahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD