Bubong na yari sa anahaw, sementadong pader, sahig na nilapatan ng bagong carpet, ito ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa bahay ni Manang Tere. Akala ko kubo ito kanina dahil sa nataw kong bubong, hindi pala.
Isang palapag lang ang bahay. May dalawang magkatabing kuwarto na kurtina ang nagsisilbing pinto. Katapat nito ay ang sala na may muwebles na halatang pinaglumaan na ng panahon. Sa kanan naman ng sala ay ang kusina at ang banyo. Simple pero malinis ang bahay ni Manang Tere. Ang nakapagtataka lang ay hindi kasali sa mga litratong naka-display itong batang babae na kasama namin ngayon.
“Apo ka ba ni Manang Tere?” tanong ko habang nakaupo sa labas ng kuwarto na pinagpapahingaan ni Manang.
Umiling si Amie habang mag-isang hinahanda ang mesa para sa hapunan. Lumabas kasi si Eli dahil may nag-report na ginawang laruan ng mga bata ang kotse namin kaya hindi niya na naituloy ang pagtulong sa kusina.
“So, kaano-ano mo si Manang?” usisa ko sabay sulyap kay Manang Tere na mahimbing na natutulog sa kutson.
Inilapag muna ni Amie ang mga plato sa mesa bago ako sinagot. “Kapit-bahay po ako ni Lala Tere. Dito po ako tumatambay dahil madalas pong walang tao sa bahay namin.”
“Wala ba sila Mama mo?” Malungkot na napailing si Amie.
“Maaga pong umaalis si Mama para magtinda ng isda sa palengke. Si Papa naman po ay minsan lang umuwi. Tapos po kapag umuuwi siya. . .” Napatigil si Amie saka mariing napalunok. Umasa akong itutuloy niya ang pagkukuwento pero tinalikuran niya na ako para magsandok ng kanin.
Malakas ang kutob kong may hindi magandang nangyayari sa bahay nila. Kanina rin, ang buong akala niya ay ang Papa niya ang pakay namin. Kahit si Manang Tere ay napagkamalan pa kaming maniningil dahil sa ama nitong si Amie. Ayaw kong mag-isip ng masama tungkol sa isang tao lalo na’t hindi pa naman ako sigurado tungkol sa mga nalalaman ko. Pero ayon sa mga narinig ko at naging reaksyon nila kanina, nagkaroon ako ng konklusyon. May malaking utang siguro itong ama ni Amie kaya hindi mapirmi sa kanila.
Isa sa madalas na nagiging dahilan ng pag-aaway ay ang pera. Kapag marami kang pera, maraming mga mata ang nakaabang para pigain ka. Kapag kapos ka naman, gagamitin ng ilan ang pera para mas pahirapan ka.
Sa usapang pamilya, ang kakulungan ng kita para buhayin ang ‘yong asawa’t anak ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng hiwalayan. Oo, may mga pagkakataon namang dahil nangaliwa ang isa sa inyo kaya kayo naghiwalay. Pero most of the time talaga ay pera ang nagiging ugat ng mga away.
Base sa sinabi ni Amie, I’m guessing na ang ina niya lang ang naghahanap-buhay. Sabi pa nga niyang madalas wala sa bahay ang kanyang ama, ‘di ba? I’m not sure kung dahil nagta-trabaho ito o may gusto lang takasan.
“May trabaho ba si Papa mo?” Napatigil si Amie sa pagkilos nang marinig ang aking tanong. Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang tumulo ang kanyang mga luha habang hawak-hawak ang isang platong kanin. Oh, crap. Sumobra yata ako.
“W-Wala po. Ang totoo po niyan ay umuuwi lang po siya minsan p-para humingi ng pera kay Mama. T-Tapos po ay sasaktan n-niya pa po ako at si M-Mama kapag wala siyang n-nakuha.” Tuluyan nang napahagulhol si Amie kaya nilapitan ko na siya. Agad kong kinuha ang hawak niyang kanin at inilapag ito sa mesa. Pagkatapos ay marahan ko siyang ikinulong sa aking mga bisig sabay haplos sa kanyang likod.
Hinayaan ko lang na umiyak si Amie hanggang sa mapagod siya. Ilang sandali pa ay dumating si Eli at kunot-noo akong tinitigan. Nakayakap pa rin ako kay Amie pero tuluyan na siyang tumahan.
“Are you guys okay?” Nag-aalala kaming nilapitan ni Eli sabay haplos sa buhok ni Amie.
May pag-aalangan na kumalas sa akin si Amie sabay punas ng kanyang mga mata. Pinilit niya ang sariling ngumiti dahilan para mas lalo kaming mag-alala sa kanya. Nasanay na lang siguro si Amie na umaktong matatag sa murang edad. Nakakalungkot na kailangan niyang maranasan ang lahat ng hirap na ito dahil sa iresponsable niyang ama.
“Ayos ka lang ba, Amie?” tanong ni Eli sa bata.
Nakangiting tumango si Amie sa amin sabay lahad ng nakahanda ng mesa. “Opo, ayos lang po ako. Kumain na po kayo, Sir, Ma’am.”
“N-Naku, huwag mo na kaming tawagin ng ganyan. Tita Sandra na lang ang itawag mo sa akin at Tito Lester naman sa asawa ko.” Napansin kong biglang lumapad ang ngiti ni Eli dahilan para mapakunot ang aking noo. Ano na namang problema ng lokong ‘to?
“Sige po, T-Tita Sandra.” Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi ni Amie. Grabe, ang sarap pala sa pakiramdam na tawaging ‘Tita’.
“Oh, siya! Kumain na tayo,” masiglang wika ni Eli. Ang hyper niya yata ngayon.
“Siya nga pala, si Manang Tere, hindi pa rin siya gumigising,” nag-aalala kong sabi. Naupo na si Eli sa kahoy na upuan at umupo naman sa kaharap niyang upuan si Amie.
“Bukas pa po si Lala Tere magigising. Huling beses pong hinimatay siya ay five months ago noong umuwi siya galing sa Manila. Magdamag po namin siyang binantayan ni Mama noon at kinabukasan po ay naging okay rin siya. Pero dinala pa rin namin siya sa clinic para masigurong ayos lang talaga si Lala,” paliwanag ni Amie sa akin.
“Sure ba ‘yan?” May pagdududa ko siyang tinitigan.
“Sure na, sure po kaya kumain na po kayo, Tita. Huwag po kayong mag-aalala, wala pong makikipiyesta rito ngayon dahil bukas pa bibisita ang mga kaibigan ni Lala.” Inabot ni Amie ang kanin sa akin at malugod ko naman itong tinanggap.
“Piyesta pala rito? Kaya pala ang daming tao sa court,” singit ni Eli sa usapan.
“Opo, may mga palabas din po mamaya. Bukas naman po ng umaga ay maglalagay na rin ng banderitas dito sa purok namin.” Kahit namamaga ang mga mata ni Amie, mababakas pa rin na masaya siya sa event nila ngayon. Perfect timing naman pala ang pagpunta namin dito.
Habang kumakain ay naikuwento namin kay Amie kung ano ang pakay namin kay Manang Tere. Ayaw namin siyang mabigla lalo na’t malapit siya kay Manang. Pagkatapos naming magkuwento, hindi umimik si Amie at tahimik nang ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Hindi niya na rin kami kinausap hanggang sa matapos siyang hugasan ang aming pinagkainan.
“Umuwi na ba siya?” tanong sa akin ni Eli sabay lock sa pinto.
Nakaupo lang ako sa may sala suot ang gray pajamas ko habang tinitingnan ang aking emails. Kakatapos ko lang maligo kaya medyo basa pa ang buhok ko. Medyo nagsisi nga ako kasi nakalimutan kong wala pa lang heater dito. ‘Yan tuloy nilalamig ako ngayon.
“Oo, kailangan niya raw asikasuhin ang mama niya,” tugon ko habang nakatingin pa rin sa phone ko.
“Ba’t mo nga pala tinuruan si Amie ‘nung hand signal? May naikuwento ba siya habang wala ako kanina?” Agad akong umisod nang maupo si Eli sa tabi ko. May bakante namang single chair, ba’t kailangan niya pang tumabi sa akin? Gosh.
“Sa tingin ko inaabuso sila ng ama niya.” Tumango-tango si Eli sabay sandal sa upuan.
“I see. Kaya pala bigla siyang nanahimik nang sabihin kong isasama natin si Manang Tere pagbalik. Mawawala na ang takbuhan niya.”
Exactly. Kaya nga gusto kong ayusin muna ang lahat bago kami umalis. Hindi ako makakapayag na iiwan sila Amie na puno ng takot.
“Don’t worry. May plano na ako,” saad ko.
Pinatay ko na ang phone ko sabay tayo sa aking upuan. Hindi pa nagbibihis si Eli simula kanina kaya naamoy ko pa ang natural scent niya. Hindi naman siya amoy-pawis. Actually, noong kami pa, gustong-gusto ko talagang maamoy ang natural scent at amoy ng pabango niya. Kaya naman hindi ako p’wedeng manatili rito ngayon dahil naalala ko bigla ang mga nangyari noon. Lagot ako nito.
“Ba’t tumayo ka?” naguguluhang tanong ni Eli.
“Matutulog na ako. Maligo ka na nga, ang baho mo.” Naglakad na ako patungo sa kabilang kuwarto at nahiga sa kutson na inilatag ko kanina.
“Teka, saan ako matutulog!” sigaw ni Eli mula sa sala.
“Huwag ka ngang sumigaw. May choice pa ba ako? Siyempre dito ka rin matutulog. Ikaw kung gusto mong makatabi si Manang Tere.” Nahihiya kong niyakap ang hawak kong unan sabay baon ng mukha ko rito. Crap.
Hindi na sumagot pa si Eli at dumiretso na agad sa banyo. Nasa sala ang bagahe niya kaya doon na rin siguro siya magbibihis. Maya-maya pa ay napansin kong pinatay niya na ang ilaw sa may kusina, sunod naman sa sala. Mukhang tapos na siyang magbihis.
“Pucha, dapat pala sa sala ko na lang siya pinatulog,” usal ko sa sarili.
Nahigit ko ang aking hininga nang matanaw ko ang anino ni Eli sa likod ng kurtina. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako kapag nilapitan na ako ni Eli. Humigpit ang pagkakayakap ko sa unan nang mapansin kong naglalakad na siya papalapit sa direksyon ko. Hanggang sa tuluyan na nga siyang makapasok sa kuwarto.
Mabuti na lang ay pinatay ko na ang ilaw rito kaya hindi na niya maaninag ang mukha ko. Ang binuksan lang kasi naming ilaw ay ang maliit na ilaw sa labas ng kuwarto.
“Tulog ka na ba?” Naramdaman kong humiga sa likuran ko si Eli dahilan para mapapikit ako. Umakto na lang akong natutulog para itago ang kabang nararamdaman ko. Sh*t!
“Tulog na nga,” natatawa niyang sabi.
Napanatag na ang puso ko nang bigla siyang nanahimik. Akala ko ay makakatulog na ako nang maayos hanggang sa maya-maya pa ay naramdaman kong nakakulong na ako sa bisig ni Eli. Hindi ko alam kong aalisin ko pa ang mga kamay niya o ipagpapatuloy ko na lang ang pag-akto ko. Nalilito ako!
“Kanina ka pa nanginginig. Let me warm you ‘til you fall asleep.”
Hindi ako nakaimik pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Eli. Alam niyang hindi ako tulog, alam niyang gising na gising pa ako. Pero bakit hindi ko siya magawang itulak palayo kahit na alam kong mali ang ginagawa niya ngayon?
I should be angry at him. Hindi ako dapat maging malambot sa taong hindi man lang nagdalawang-isip nasaktan ako noon. Pero. . . Pero p’wede naman sigurong ipagbukas ko na lang ang galit ko, ‘di ba? Kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang hayaan ko muna ang sarili kong madala sa ilusyon na ito. I really missed him. I really missed him a lot.