Chapter 05: Welcome to Lupan!

1766 Words
“Bakit naman hindi mo sinabi agad, Sir!” Naisuklay ko ang aking mga daliri habang kausap ko si Sir Malwin sa phone. Pauwi na kami ni Eli pero imbes na kasama na namin sila Lance ngayon, kaming dalawa pa rin ang nandito sa sasakyan. Pucha, naiinis ako. Umasa na akong apat na kaming uuwi ngayon, eh. Ang buong akala ko ay hindi kami informed tungkol kay Manang Tere, but it looks like alam na pala nila Sir Malwin ang tungkol sa request ng mga bata before pa nila kami kinausap tungkol sa misyon na ito. Pagkalabas namin sa orphanage kanina, tinawagan ko agad si Sir Malwin para magtanong about kay Manang Tere tapos ito na nga kami ngayon. “Okay, sorry na. Akala ko kasi nakalimutan na ng mga bata ‘yong tungkol sa yaya nila. At sinubukan naman naming pabalikin si Manang Tere, pero ayaw niya na ngang balikan sila Lance. Mas mabuti raw na gobyerno ang nagbabantay sa kanila, hindi katulad niyang normal na tao lang.” Mariin akong napapikit pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Sir Malwin. May punto naman si Yaya Tere. Ano ba ang magagawa niya kapag sinugod na sila ng armadong mga tao, ‘di ba? Mapapahamak lang sila, pero kailangan talaga namin siya ngayon. Hindi namin mapo-protektahan nang maayos ang mga bata kung wala ang tulong niya. “P’wede ba namin sabihin kay Manang Tere ang tungkol sa trabaho namin?” wala sa sarili kong sabi. “Alam mong hindi p’wede, Selene.” Inaasahan ko na ang tugon na ito dahil nakasaad sa kontrata namin na bawal kaming magsalita about our real identity and about our job. Pero nagtanong pa rin ako kasi malay mo, pumayag pala itong si Sir Malwin para kina Lance. Ang kaso lang ay ayaw niya, eh. Hindi talaga p’wede. “Pero p’wede naman nating sabihin na protektado tayo ng gobyerno, ‘di ba?” Napalingon ako kay Eli dahil sa kanyang sinabi. Naniningkit ko siyang tinitigan habang naka-focus ang kanyang buong atensyon sa daan. Ayaw ko itong aminin pero may point ang sinabi niya. “Sir Malwin,” wika ko habang nakatingin pa rin kay Eli. “Pasensya na talaga, Selene. Susubuka―” “P’wede naman po siguro naming sabihin na protektado kami ng gobyerno, ‘di ba?” Napansin kong napangisi si Eli nang marinig ang sinabi ko. Damn, he looks so damn fine. Kahit naiinis ako sa lalaking ito dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin noon, hindi ko talaga maitatanggi na mas pumogi pa siya ngayon. I mean pogi na naman siya noon pa, pero ngayon ang mature niya ng tingnan at ang tikas na ng katawan niya, ah. Ganito ba ang epekto ng pang-iiwan niya sa akin? O hindi kaya may ibang dahilan kung bakit ganito na siya ka-blooming ngayon? Biglang sumikip ko dibdib ko dahilan para mapaiwas ako ng tingin kay Eli. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana saka kinausap si Sir Malwin. “Hello, Sir Malwin,” saad ko. “What happened? Bigla kang natahimik,” nag-aalala niyang tanong. Pilit akong ngumiti bago sumagot. “I’m sorry, Sir. May naalala lang po ako.” Naramdaman kong sumulyap sa direksyon ko si Eli pero nanatili ang aking mga mata sa labas ng kotse. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko kanina, pero hindi tama na kung anu-ano lang ang napapansin ko kay Eli sa mga oras na ito. Yeah, he looks more handsome than before at hanggang doon na lang ‘yon. Hindi ko na kailangan pang pansinin ang ibang pagbabago sa kanya. Besides, at the end of the day, magkakahiwalay rin kami kapag natapos na ang misyong ito. “Okay, I hope you are doing fine with Eli. Siya nga pala, p’wede ‘yong ideya mo. Sinabi na rin naman namin noon kay Manang Tere na under kami ng gobyerno pero hindi pa rin siya sumama. Kaya baka p’wede n’yong subukan ulit na kumbisehin siya. Maybe this time, sumama na siya sa inyo.” Lumiwanag ang mga mata dahil sa aking mga narinig. Finally! “Susubukan namin, Sir,” masigla kong tugon. “Nandito rin ba siya sa San Sebastian?” “Unfortunately, hindi siya nakatira diyan. Nasa probinsya siya ng Lupan, doon naman talaga ang permenant address niya bago pa siya nag-apply na yaya sa pamilya nila Vilma.” Napakunot ang aking noo dahil sa hindi pamilyar na lugar na nabanggit ni Sir Malwin. “Saan po ba banda ang Lupan, Sir?” “Apat na oras ang biyahe mula diyan sa San Sebastian papuntang Lupan. I-Google Map mo na lang kasi.” Uyam kong pinatayan si Sir Malwin dahil sa kanyang naging sagot. Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng email mula sa kanya na ang bungad ay matinding “Hahahahaha” na may kaunting “Good luck”. Sa mga usapang ganito talaga ako nagdududa kay Sir Malwin kung paano niya nakuha ang posisyon niya ngayon. Tapos naalala ko na nasa ibang level pala ang leadership skills niya at seryoso siya pagdating sa trabaho. Sa close friends niya lang naman siya ganito, eh. Isa na ako sa mga taong malapit sa kanya dahil alam kong gusto niya ang Tita Emeliza ko. Ang nakakatawa pa rito ay hindi niya alam na alam kong gusto niyang pormahan si Tita Em sa pamamagitan ko. Torpe kasi kaya ayan tuloy hanggang ngayon walang development. “Ano’ng sabi ni Sir Malwin?” Ibinulsa ko muna ang phone ko bago ko kinausap si Eli. Hindi ko pa rin siya tinitingnan dahil baka kung anu-ano pa ang ma-comment ng utak ko sa kanya. “Puntahan daw natin si Manang Tere sa Lupan,” tipid kong sabi. “Then?” tanong ni Eli. “Kailangan natin siyang kumbinsehin na sumama sa atin,” seryoso kong saad. Sandali siyang natahimik saka mahinang natawa. May pananaray ko siyang tinitigan dahilan para agad siyang magpaliwanag sa kanyang naging reaksyon. “Sorry,” pigil-tawa niyang sabi. “Naalala ko lang kasi na ayaw mo talagang pumayag na gawin ito kasama ako pero ito ka ngayon.” “I told you na ginagawa ko ito dahil ito ang trabaho ko at,” itinuon ko ang aking atensyon sa unahan ng sasakyan, “gusto kong protektahan sila Lance.” “Hindi ka pa rin nagbabago,” rinig kong bulong ni Eli. Pagkalingon ko sa kanya, nakangiti lang siya habang nakahawak sa manibela. “What did you say?” inosente kong tanong kahit narinig ko na naman ang sinabi niya. Nakangiti siyang umiling sa akin. “Wala. Anyway, ngayon na ba tayo pupunta sa Lupan?” Sandali ko siyang tinitigan bago ko ibinaling ang aking mga mata sa daan. “Oo, ngayon na. Bukas ko na lang bibisitahin ang flower shop. Kailangan bukas din mismo ay kasama na natin sila Lance sa bahay para sa Lunes masimulan na natin ang plano.” Walang angal namang sumang-ayon si Eli sa sinabi ko saka pinaandar ang kotse papunta sa bahay. Pagdating namin, agad din kaming nag-impake. Pagkatapos ay sinuguro naming naka-lock at naka-on ang security namin bago kami tuluyang umalis. Tulad ng advice ni Sir Malwin, ang Google Map ang naging guide namin papunta sa lugar ni Manang Tere. Wala akong ibang ginawa buong biyahe kundi ang kumain at matulog dahil nagpaka-gentleman itong si Eli. Siya na raw ang bahala sa akin kaya hindi na ako nakipagtalo pa. Habang papalapit kami sa aming destinasyon, napansin kong mga palayan na ang nasa gilid ng dinaraanan namin. I’m guessing na pagsasaka ang source of income nila rito. Maya-maya pa ay natanaw na namin ang road sign na may nakalagay na Welcome to Brgy. Lupan. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang tuluyan na naming malagpasan ang road sign. “Sana ay pumayag si Manang Tere na sumama sa amin”, umaasang wika ko sa sarili. Ilang sandali pa ay tumigil si Eli sa may court para magtanong. It’s almost 6 p.m. pero puno pa rin ng tao ang basketball court, sa tingin ko ay may liga yata sila. “Excuse me,” tawag ni Eli sa lalaking naka-jersey short. Naguguluhan itong lumapit sa kanya habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. “Ano po ang maitutulong ko, boss?” tanong ng binata. “Alam mo ba kung nasaan ang bahay ni Manang Tere?” “Ay, oo! Ayon, boss.” Itinuro ng binata ang isang kubo na may bakod na kawayan. Mula sa puwesto namin ay matatanaw ang isang batang babae na nagwawalis sa tapat. “Sige. Salamat, ha.” Nakangiting sumaludo ang binata kay Eli saka sinundan kami ng tingin hanggang sa marating namin ang bahay na itinuro niya. Napatigil ang batang babae sa pagwawalis nang mapansin niyang tumigil ang kotse namin sa tapat ng kanilang bahay. Pagka-park ni Eli, hindi na ako nag-atubili pang bumaba para batiin ang bata. “Hello,” nakangiti kong sabi sabay sara sa pinto ng sasakyan. Napaatras ang bata nang maglakad ako papalapit sa kanya kaya agad din akong huminto. Natakot ko yata siya. “W-Wala po rito ngayon si Papa,” nanginginig niyang sabi. “Sinong Papa?” naguguluhan kong tanong sa bata pero hindi siya umimik. Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Eli. Patanong niya akong tinitigan pero wala akong maisagot sa kanya. “Amie. . .” Napalingon ang bata nang bigla siyang tawagan ng ‘sang matandang babae. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makilala kong si Manang Tere na ang kaharap namin ngayon. Siya na nga mismo ito! “Lola Tere!” Agad na nagtago si Amie sa likod ni Manang Tere at walang pag-aalinlangan naman siyang prinotektahan ng matanda. “Kung maniningil kayo, doon kayo sa Tatay ni Amie lumapit. Huwag n’yong idamay ang inosenteng bata rito!” Napakurap kami dahil sa aming mga narinig. Hindi ko inasahan na ganitong welcome ang matatanggap namin. “T-Teka lang po. Nagkakamali po kayo,” nauutal kong sabi. “Huwag n’yong subukan na kunin si Amie kung hindi ako ang makakaharap n’yo!” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang kunin ni Manang Tere ang walis tingting at dustpan. Itinutok niya ito sa amin kaya wala sa sarili naming itinaas ang aming mga kamay. “Teka po! Hindi po kami nagpunta rito para maningil, Manang Tere. Nandito po kami para kina Lance!” Automatikong nabitawan ni Manang Tere ang mga hawak at naguguluhan kaming tinitigan ni Eli. Ibinuka niya ang kanyang labi, pero agad niya rin itong isinara. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin hanggang sa bigla na lang bumagsak si Manang Tere sa lupa. F*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD