“I’ll drive,” seryoso kong saad sabay lingon kay Eli na nasa driver’s seat. Papunta na kami sa Happy Orphanage pero nababagalan ako sa takbo ng sasakyan namin. I’m anxious. I can’t f*cking stop shaking my legs.
Eli glanced at me then shakes his head. “No. Ako na.”
“Ang bagal mo, eh. Paano kung binubungangaan na sila Lance ro’n?” Nakagat ko ang aking kuko nang may scenario na pumasok sa isipan ko. “O hindi kaya pinapagalitan na dahil siyempre mas kakampihan ‘nung nanay ang mga anak niya. Pucha, baka nanginginig na sila sa takot.”
Natataranta na ako sa upuan ko habang si Eli ay kalmado lang na nakatingin sa daan. Mabilis na ang pagpapatakbo niya kanina then biglang bumagal dahil baka raw may mangyaring hindi namin magugustuhan.
San Sebastion is a small town. Hindi gaanong maluwag ang mga daan dito at maraming intersection kaya kailangan na mag-ingat. Pero kahit na maliit lang ang lugar na ito, it’s the perfect place for me. Malinis, may mga antique shops, at malapit sa bukid at dagat. Para kang nasa ibang bansa dahil sa sceneries dito.
“Selene, relax. Nandoon naman si Miss Martha.” Eli is referring to the lady who called us earlier. Alam kong hindi hahayaan ni Miss Martha na masaktan sila Lance. Pero ibang usapan na kapag magulang na ng ibang bata ang kaharap nila. Sh*t.
Pagkatapos ng ilang minuto, narating din namin ang Happy Orphanage. Dali-dali akong lumabas sa kotse pagkatapos itong i-park ni Eli sa tapat ng malaking gate. Hindi ko na siya hinintay pa at agad ding tumakbo papasok sa orphanage. Habol-hininga akong napatigil sa may fountain at nalilito na napatingin sa aking paligid. Ang lawak ng Happy Orphanage at halatang matagal ng nakatayo rito dahil sa classic na design ng gusali.
Naguguluhan ako kung saan ba ako dapat magpunta hanggang sa matanaw ko sa malapit na park si Miss Martha at ang isang Ginang na pinapagalitan ang dalawang batang magkahawak kamay. Nakatayo sa likuran ng Ginang ang batang lalaki na dumudugo ang noo kasama ang dalawang lalaki na nakasuot ng black suit and persol sunglasses. I’m guessing mga bodyguard nila ito.
Napadako ang mga mata ko sa mga batang pinagpagalitan ng Ginang. Hindi man lang sila umiyak habang nakatingin sa babaeng kaharap nila. Pero kahit pilitin man nilang huwag magpaapekto, mababakas pa rin ang panginginig ng kanilang katawan.
Lance, Lea!
Hindi na mapigil ang malakas na pagkalabog ng aking dibdib habang nagmamadali akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Nang ilang metro na lang ang layo ko sa mag-ina, dahan-dahan kong iniangat ang laylayan ng suot kong long skirt sabay hawak sa pocket pistol na naka-attach sa aking hita.
“Bakit mo itinulak ang anak ko, ha? Tingnan mo, dumudugo ang noo niya!” rinig kong sigaw ng Ginang habang papalapit ako.
Nakahanda na ang kamay kong umatake nang biglang may pumigil sa akin. Naguguluhan akong napalingon at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Eli.
“Relax, hon. Relax,” he said, smiling.
Pakiwari ko ay bumalik ako sa reyalidad nang mapagtanto ko ang balak kong gawin. Crap. Naluluha kong tinitigan si Eli at tumango lang siya sa akin.
“Let go,” he whispered.
Nang marinig ko ang kanyang sinabi, naibuga ko ang aking hininga. Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala ito pinipigalan.
“I’m sorry,” saad ko sa mahinang tinig. Masyado akong nadala sa emosyon ko to the point na nakalimutan kong civilian ang kaharap ko ngayon. I almost made a big mistake.
Pasimple kong binitawan ang aking baril at hinayaang bumagsak ang laylayan ng suot kong palda sa damuhan. Nang kumalma ako, nakangiti kong hinarap ang babaeng galit na galit kina Lance at Lea. Nakangiti ako, pero deep inside gusto ko nang magwala.
“Sino naman kayo?” naguguluhang tanong ng Ginang nang mapansin niya ang presensya namin ni Eli. Ilang hakbang lang ang layo nila sa amin. At mula sa posisyon ko, sigurado akong kaya ko silang patumbahin ng walang kahirap-hirap.
“G-Good afternoon, Mr. and Mrs. Verano,” bati sa amin ni Miss Martha habang pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Mukhang pati siya ay natakot sa Ginang.
“Good afternoon,” sabay naming tugon ni Eli. Saglit kaming nagkatinginan dahil sa nangyari at sabay na napaiwas ng tingin. Coincidence nga naman.
“Sino ang mga ‘to?” iritadong tanong ng babae habang dinuduro-duro kami.
Napadako ang mga mata ko sa mga palamuti ng Ginang sa katawan. Ang ganda ng gold necklace and bracelets niya. Mapapansin ding may kaya siya sa buhay dahil sa magara niyang damit at bodyguard na kasama. Kung gano’n, ano ang ginagawa niya rito sa orphanage?
“S-Sila po ang mag-a-adopt kina Lance at Lea, Ma’am Sanchez,” tugon ni Miss Martha.
“Ako ba ang pinagloloko mo? Halata namang mga bata pa ito tapos mag-a-adopt sila?” May panghahamak akong tinitigan ni Ma’am Sanchez mula ulo hanggang paa. “Huwag mong sabihing hindi kayo makabu―”
“Ma’am Sanchez, nakakataba naman po ng puso ang sinabi n’yo.” Agad na naagaw ni Eli ang atensyon ng Ginang nang bigla siyang magsalita. “Mukha lang po kaming bata pero twenty-five years old na po talaga kami.”
Biglang lumambot ang ekspresyon ni Ma’am Sanchez pagkatapos na makita ang guwapong ngiti ng katabi ko. Hindi ko naman napigilan na mapasinghal dahil sa aking nasaksihan. Gosh, kapag guwapo talaga.
“T-Teka, totoong mag-asawa kayo?” nauutal na tanong ni Ma’am Sanchez sabay sulyap sa akin. Mas lalong lumapad ang suot na ngiti ni Eli at walang atubili na hinawakan ang aking kamay.
“Opo, ito po ang wedding ring namin. Pareho po kaming healthy ng asawa ko, pero nagdesisyon kaming mag-adopt dahil gusto namin,” masigla niyang tugon sabay pakita sa aming mga singsing na kanina lang namin isinuot. Napakurap ang Ginang habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Eli.
“G-Gano’n ba?” Tumikhim si Ma’am Sanchez sabay iwas ng tingin. “E’di okay, but I suggest na huwag na itong dalawa ang ampunin n’yo. Tingnan n’yo itong ginawa nila sa anak ko, nakakabahala ang mga batang ‘yan.”
Napansin kong humigpit ang pagkakahawak ni Lance sa kamay ni Lea nang marinig ang sinabi ng Ginang. Naramdaman kong biglang sumikip ang aking dibdib habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Kung hindi kami pumayag na gawin ang misyon na ito, siguro walang ibang sasagip sa kanila ngayon.
“Ano po ba ang nangyari?” Dahan-dahan na binitawan ni Eli ang kamay ko saka naglakad papunta kina Lance.
“Itinulak lang naman ng batang ‘yan ang anak ko. Kaya ayon, natumba at tumama ang noo sa bato.” May panggigil na itinuro ni Ma’am Sanchez si Lance kaya alerto akong pumagitna sa kanila.
“Hindi naman siguro siya itutulak ni Lance kung wala siyang ginawang masama, Ma’am.” Sumulyap ako sa direksyon ng anak ni Ma’am Sanchez at agad din itong napaiwas ng tingin. See. May kasalanan din siya.
“Ano ang ibig mong sabihin? Na si Austin ang nag-umpisa ng gulo?” Mababakas ang labis na galit sa boses ni Ma’am Sanchez habang matalim siyang nakatingin sa akin.
Sasagot na sana ako nang biglang sumingit sa usapan ang batang babae na naka-braid ang hanggang beywang na buhok. Nakasuot siya ng pink floral dress and doll shoes. The girl looks like a doll in her outfit. I think ka-edad lang siya ni Lea, five years or baka mas matanda lang ng isang taon. Pero ang may awtoridad niyang awra talaga ang agad kong napansin.
“Micaela, saan ka galing?” gulat na tanong ni Ma’am Sanchez nang mapansin ang batang babae.
“I went inside the orphanage. I decided to talk with the other kids to find out about their needs and wants. I don’t want to put Daddy’s money to waste. I want everyone to benefit from it. Anyway, what did I miss?” Napaawang ang aming mga labi pagkatapos magsalita ni Micaela. For a minute, akala ko hindi bata ang kaharap ko.
“Omg, what happened here?” Naglakad si Micaela papalapit kay Austin at masuring tiningnan ang sugat nito sa noo. Napailing-iling siya sabay ngisi kay Austin.
“Don’t get me wrong, Kuya. I think you deserve this.” Napaubo ako dahil sa komento niya sa nangyari. Hindi lang pala siya matured umakto kundi prangka rin magsalita. Grabe, nanliliit ako sa batang ito.
“Micaela, stop it,” saway ni Ma’am Sanchez sa anak.
“Mommy, kanina pa ginugulo ni Kuya si Lea pagdating pa lang namin. Nauna kaming dumating dito kaya nakita ko ang ginawa niya. I’m not being disrespectful here, Mommy. Gusto ko lang na malaman mo ang katotohanan. Unfortunately, naisipan kong maglibot sa orphanage kaya hindi ko na nabantayan si Kuya. Look at what he did.” Itinuro ni Micaela ang dinosaur stuffed toy na yakap-yakap ni Lea, mapapansin na napunit ang buntot nito. I see.
“He wants Lea to play with him, pero ayaw ni Lea sa kanya,” pahayag ni Micaela sabay hilot sa kanyang leeg. “That is why you must stop behaving like a child, Kuya. Mag-sorry ka na.”
Lumubo ang pisngi ni Austin habang pinipigilan ang sariling huwag maiyak. Mukhang gusto niya lang magpapansin kay Lea kaya humantong sila sa ganito.
“I just want to play with her,” mangiyak-ngiyak na saad ni Austin.
“Hay naku. I apologize on behalf of my twin brother. I think he likes you, Lea,” naiiling na saad ni Micaela. “Again, I’m sorry.”
“A-Ayos lang. Kung gusto niyang makipaglaro, p’wede naman siyang magsabi nang maayos,” nahihiyang tugon ni Lea. Ilang beses akong napakurap dahil sa cute niyang boses. This was the first time I heard her voice. It sounds sweet and approachable. I love her already!
Napangiti si Micaela sabay tingin kay Austin. “See, Kuya? Next time magtanong ka kasi. Anyways, we have to go na. Mommy, I want to eat fried chicken.”
Hindi makapaniwalang napalingon si Ma’am Sanchez kay Micaela sunod sa amin. She apologetically looked at us, then bowed her head. Humingi rin siya ng sorry kina Lance dahil sa kanyang mga nasabi. Pinilit niya ring humingi ng tawad si Austin na agad din namang sumunod. Pagkatapos naming maayos ang gulo, nagpaalam na sila sa amin.
Akala ko talaga mag-a-adopt din siya, nagpunta pala sila rito para maging sponsor ng Happy Orphanage. Hindi naman pala gano’n kasama si Ma’am Sanchez, eh. Pagkatapos niyang maliwanagan sa nangyari, ilang beses talaga siyang humingi ng tawad sa amin. Naiintindihan ko naman kung bakit bigla siya naging hysterical, mapagmahal siyang ina at ayaw niya lang na masaktan ang kanyang anak.
“Mabuti na lang po talaga dumating kayo, Sir Lester.” Nakahinga nang maluwag si Miss Martha pagkaalis nila Ma’am Sanchez. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib habang pinapakalma ang sarili.
“Salamat dahil hindi mo hinayaan sila Lance,” nakangiting tugon ni Eli sa kanya. Hindi alam ni Miss Martha ang tunay na pangalan namin, kaya Lester at Sandra ang identity namin sa harapan niya.
“Trabaho ko po ito, Sir, Ma’am,” malugod niyang sabi.
Napangiti kami kay Miss Martha saka nilingon sina Lance at Lea na nakatingala na pala sa amin. Kumikinang ang mga mata ni Lea habang nakatingin sa amin ni Eli habang si Lance naman ay blanko lang ang ekspresyon ng mukha.
“Siya nga pala, Lance, Lea, sila na ngayon ang magiging magulang n’yo. Ilang beses ko na silang naikuwento sa inyo, ‘di ba?” Masiglang tumango-tango si Lea habang hindi inaalis ang tingin sa amin ni Eli.
Napangiti si Miss Martha sa kanya. “Magaling. Ngayon ay nandito na sila para sunduin kayo.”
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin ako kina Lance at Lea. Makakasama na namin sila sa iisang bahay. Kami na ang magiging magulang nila simula ngayon. Kami na ang kasama nilang gumising sa umaga at magpahinga sa gabi. Kami na ang mag-aaruga at magpo-protekta sa kanila. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking puso sa sobrang saya.
“P’wede na kayong sumama sa kanila ngayon,” wika ni Miss Martha sabay tapik sa balikat ni Lance.
“Teka po. Nasaan si Lala Tere?” seryosong tanong ni Lance sa amin. Nagkatinginan kami ni Eli at patanong na tinitigan ang isa’t isa. Lala Tere? Sino ‘yan?
“Ay, oo nga pala! Kasama n’yo po ba ang yaya ng mga bata, Sir? Sasama raw po sila sa inyo kapag nandiyan si Lala Tere.” Huh?
Naguguluhan kong tinitigan si Miss Martha at mukhang nabasa niya naman ang tanong sa isipan ko.
“Si Lala Tere ang tumayong magulang nina Lance at Lea habang nasa ibang bansa ang mga magulang nila. Kasama na niya ang mga bata simula ng isinilang ang mga ito,” kuwento niya. Oh, now I remember. Lumaki sila Lance kasama ang yaya nila at ang yaya na ito ay si Lala Tere!
Matamis kong nginitian si Lance para maitago ang aking kaba. “Ah, right! Tatawagan na lang namin si Lala Tere―”
“Hindi po kami sasama sa inyo kung hindi n’yo po kasama si Lala Tere. Paano po namin masisiguro na mabuti kayong tao kung ngayon lang naman namin kayo nakaharap? Pasensya na po. Salamat po pala sa ginawa n’yo kanina. Mauna na ho kami.” Tinalikuran na kami nila Lance pagkatapos nilang magpaalam. Ni isang beses ay hindi man lang nila kami nilingon.
Umihip ang preskong hangin habang nakatingin kami sa papalayong imahe ng dalawang bata. Tama naman si Lance. Sino ba kami para pagkatiwalaan nila agad? Ngayon lang naman kami sumulpot sa buhay nila. Kahit ako ay hindi agad sasama kung hindi ko alam ang background ng sumusundo sa akin. We have to find Lala Tere.