CHAPTER 2

1892 Words
“YOU’RE MY LONG, LOST BROTHER?” Kunot-noong nagpapalipat-lipat ng tingin si Alucard sa mga papeles na hawak at sa lalaking prenteng nakaupo sa kabilang panig ng antigong mahogany table. “Since when?” “Since your parents adopted me.” “My parents have been dead for more than ten years now. And I was the only child in their lives.” “They adopted me before they died.” “They never told me.” “You never asked.” Kahit anong anggulo ang tingnan ni Alucard, ni isang segundo ay hindi niya pinaniwalaan ang sinasabi ng lalaking nasa harapan niya. David Klein Cristobal, a multi-billionaire businessman, born to a family of the richest clan in the country. Alam ng lahat ang pinagmulan ng pinakamayamang tao sa bansa at isa sa pinakamayamang pangalan sa buong mundo. Kaya nga kahit ilang taon na siyang nananahimik sa ibang bansa, alam niya kung sino ang taong ito. Para sa mga gaya niyang negosyante, David Klein Cristobal’s name was something you should not ever missed. Kaya nga nagtataka si Alucard kung paano itong nagkaroon ng kuneksyon sa kanya at sa kanyang pamilya. At naging bahagi pa talaga ng pamana ng kanyang mga magulang. “Okay. So, you’re part of my parents’ last will. Bakit kailangang pabalikin mo pa ako rito? Puwede mo namang sabihin iyon over the phone.” Napangiti lang si Klein habang patuloy sa pagkutingting sa cellphone nito. “Sinabi ko sa iyo nang tawagan kita sa telepono. Still, I’m happy na nag-abala kang puntahan pa talaga ako rito.” “Pinagbantaan ng isang David Klein Cristobal na alugin ang nananahimik kong negosyo. Sinong hindi magpa-panic?” “Obvioulsy, hindi ikaw. Kaya alam kong ikaw na rin ang nagkusa na pumunta rito kahit hindi naman na kailangan…because you’re curious. Aren’t you? Curious of the country you left behind. Na-miss mo ang traffic, polusyon at ingay ng pinakamamahal mong Pilipinas.” “No.” “Fine.” Klein stopped tinkering on his cellphone and focused his attention on Alucard. “You’ve been a very, very, bad boy, Adrian Montenegro.” Bahagyang napangiwi si Alucard sa narinig. “I stopped using that name a long time ago.” “That’s why I said you’ve been a very bad boy. To your parents.” “Ano ba talaga ang pinupunto mo, Klein?” “You left your parents feeling unwanted and unloved, you ungrateful little bastard.” “Hey—“ “Alam mo kung bakit kinailangan akong amputin ng parents mo? Dahil ako lang ang nagparamdam sa kanila na magulang sila, kahit na nga I was already on my twenties nang makilala ko sila sa isang business convention sa Palawan. They were the loneliest couple I ever met. The saddest parents I knew. Akala ko nga nakakulong ang anak nila kaya hindi sila madalaw man lang. When I learned that you left home on your second year in highschool to study and live abroad, and never came back, that’s when I knew you were a jackass.” Alucard leaned back against his seat. Sa tantiya niya ay hindi sila nagkakalayo ng edad ni Klein. Gusto niya itong hamunin ng suntukan sa mga sinasabi nito para lang ma-satisfy ang pangangati ng mga kamao niya nang mga sandaling iyon. Hindi nga lang niya magawa dahil tahimik lang na nakabantay sa isang bahagi ng malawak na study room na iyon ang bodyguard nito. With Klein’ status, siguradong hindi basta-bastang bodyguard ang kinuha nito. He would probably be dead even before he could land a punch on Klein. “Look at you. I was trying to awaken your conscience by trying to slap you with sad stories of your poor abandoned parents, and there you are looking like an idiot. I really don’t like you.” Binalingan na uli nito ang hawak na cellphone. “Babawiin ko ang friend request na ipinadala ko sa f******k account mo.” “Wala akong f******k account.” Ibinaba na ni Klein ang cellphone at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Alucard hated to admit it, but Klein made him feel a little uncomfortable with the way he looked at him now. “Your parents gave me your family’s entire wealth, in exchange for one favor.” “Then why are you here in the country you left behind a long time ago?” “Nasagot mo na iyan kanina. Sinabi mong curious ako. Tama ka. Pero sa iyo ako curious. Kung ano ang binabalak mo sa pakikialam mo sa kayamanan ng mga magulang ko.” “Ako rin curious. Kung magkakaroon ka pa ba ng puso para sa iniwan mong parents noong unang panahon.” “I didn’t leave them. They knew I wanted to continue my studies abroad.” “They didn’t want you to leave.” “They never asked me to stay.” “You never talked to them.” “They never talked to me. Busy sila masyado sa mga negosyo nila kaya hindi ko na sila iniistorbo.” Tumayo na si Alucard. “Satisfied na ang curiosity ko sa kung ano ang naging kinalaman mo sa pamilya ko. You can have their entire wealth if you want it. I don’t need it anyway. I have more enough of my own.” “I knew you would say that, and missed what I was trying to say, you heartless little bastard.” “We’re done talking. It was nice meeting you, Mr. Cristobal.” “Not until I say so.” At bago pa makakilos si Alucard ay bumukas na ang widescreen monitor sa likuran ni Klein. Nahahati sa tatlong column ang monitor kung saan naka-display ang London Stock Exchange, Euronext at Bucharest Stock Exchange. Kung saan naka-imbak ang mahigit eighty percent ng kayamanan niya. “Raphael,” tawag ni Klein sa bodyguard nito. Na agad tumango at may kung sinong tinawagan sa cellphone. Ilang sandali pa, kitang-kita na ni Alucard ang paggalaw ng mga stocks niya sa tatlong foreign stock markets. And it was not looking good for him. “Bumagsak na ng ilang porsyento ang mga stocks mo, pero ni hindi ka man lang natinag sa kinatatayuan mo. Hay. Ano ba ang pinaggagagawa ng pamilya nyo noon at naging ganyan ka, Adrian Montenegro? What happened to you that you seemed to have lost your heart somewhere?” Nilingon niya si Klein. “Did you do that?” “What? Don’t tell me you don’t know that you can manipulate the world’s stock exhange markets.” Nagkibit-balikat lang si Alucard at nagbalik na rin siya kinauupuan. “I didn’t know you have that much influence.” Tumawa lang si Klein. “You’re a hard case, Adrian. Kaya kinailangan kong mag-research muna sa iyo bago kita kinontak. Anyway, mabalik tayo sa talagang topic natin. Gaya ng sabi ko kanina, nakiusap sa akin ang parents mo, bilang huling kahilingan nila bago sila…you know, kinuha ni Lord sa isang tragic accident…you know about that, don’t you? Your parents’ accident?” “I was at their funeral.” Hindi na maipinta ang mukha ni Klein. “Tao ka ba talaga? Bakit parang wala ka man lang nararadamang—“ “Our topic, Mr. Cristobal. Mag-focus na lang tayo roon. I really wanna get this done and over with.” “Fine. Your parents asked me to find you a wife.” Tinitigan lang niya si Klein. “Bakit daw?” “They want you to regain your heart.” Gusto nang tumawa ni Alucard kung hindi lang niya nakikitang seryoso si Klein. “Regain my heart? Bakit, anong nangyari sa puso ko at kailangan kong makuha uli iyon?” “You know what I mean, Adrian.” Yes, he does. “I don’t need a wife.” “I also don’t care. I’m only here to fulfill our parents’ dying wishes.” “I don’t need a wife.” Tinalikuran na niya si Klein at naglakad patungo sa pinto. Nang mapansin na naman niya ang mabilis na paggalaw ng mga stock exchange markets sa malaking monitor. Klein’s bodyguard just finished talking to someone over his cellphone again. “Wala pang isang oras, halos seven percent na ang ibinagsak ng mga stocks mo, Adrian. Kapag umabot ng isang oras ang usapan nating ito at wala akong nakuhang matinong sagot sa iyo, babalik kang pulubi sa Transylvania.” “Dute dracu.” “Raphael, paki-Google ang sinabi niya,” utos uli ni Klein sa bodyguard. “Yes, boss. It means—“ “Go to hell,” singit ni Alucard. “In Romanian language.” “Lovely. Very well then…” Klein pushed the brown envelop over to Alucard’s side. “Meet your future wife.” Dinampot iyon ni Alucard. Wala na siyang ibang choice kundi sakyan ang topak ng bilyonaryong ito. He couldn’t afford to lose anything at the moment. Kung alam lang sana niya na ganito ang kalalabasan ng pag-uusapa nilang ito, sana ay nai-secure muna niya ang mga negosyo sa Transylvania bago siya nakipagkita kay Klein. Oh, well. Whatever. Isang larawan ng babae ang laman ng brown envelope. Bahagya pang napakunot-noo si Alucard. “Who is this woman?” “Your bride.” “Does she know?” “That she’s about to marry you? Of course not. That won’t be exciting. Siyempre kailangan mo pa siyang ligawan at mapasagot.” “Uso pa ba ang ligawan sa panahon ngayon?” “Hindi na. Pero dahil conservative ako, gusto kong ligawan mo muna siya bago kayo magpakasal. Para may thrill.” “Sa isang salita, trip mo lang ang lahat ng ito.” “No. This is our parents’ dying wish.” “They’re not your parents.” “You were not a child to them either.” “Să te fut.” “Raphael.” “Yes, boss. It means fu—“ “Why her?” Itinaas ni Alucard ang larawan ng isang babae na nakuha sa loob ng envelop. Ngumiti lang si Klein. “Nagandahan ako sa profile picture niya na nakita ko mula sa mga friends ng isang mutual friend namin sa Facebook.” “You picked a wife for me…from a social media website? And she wasn’t even in your friends’ list?” “Hindi pa niya tinatanggap ang friend request ko.” At mukhang iyon pa yata ang biggest disappoint in life ng isang David Klein Cristobal. “Dahil kaya sa profile picture kong itlog? Na kulay purple?” Napabuntunghininga na lang si Alucard. “May sasabihin ka pa ba? ‘Yung matino at may sense? Kung wala na, aalis na ako bago pa ako makalbo sa pag-intindi sa kabaliwan mo.” “I’ll send you another f******k friend request.” “Wala akong f******k account.” “Gawan kita. Gusto mo?” Alucard just gave out a blank reaction before turning to leave the crazy bastard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD