CHAPTER 3

1506 Words
‘YUNG NAGLASING KA KASI DEPRESSED KA pagkatapos ng kabayanihan mo. Pero nang mahimasmasan ka e nasa police station ka na. Anyare sa buhay natin, bes?” Natawa na lang si Awa nang mabasa ang recent post na iyon ni Louisa sa f******k. At dahil breaktime siya sa kanyang trabaho, sinagot niya ang kaibigan. “Di ko rin alam, bes. Basta ang natatandaan ko, isang Dementor ang naghagis sa atin sa police station na iyon.” Na sinagot din naman agad ng kaibigan. “Dementor na amoy guwapo!” “Amoy guwapo? Lango ka na sa alak dahil sa kabiguan, lumalandi ka pa rin.” “Puwede ba, bes. Guwapo ang pinag-uusapan natin dito. Hindi ex kong kumag. Puuuulez~” “So, move on ka na?” “Last year pa.” “Noong nakaraang gabi ka lang nawalan ng jowa.” “Basta, past is past. Mabalik tayo sa amoy guwapong Dementor, bes. Talagang hindi mo natatandaan ang itsura niya? Medyo natatandaan ko pa ang boses niya. Tunog guwapo rin.” “Puro ka guwapo. ‘Landi nito.” “Because landi is lifeu. So, ano na? Have you seen his face? Sabi mo naaaninag mo lang siya kasi nanlalabo na ang tingin mo dahil sa kalasingan. Syet namang kasing kalasingan iyan. Istorbo sa pag-aninag natin ng kaguwapuhan.” “Hindi ko maalala ang mukha niya. All I remember…” Saglit na nag-isip si Awa at binalikan sa kanyang alaala ang noong nakaraang gabi. “…ay wala akong ma-remember, bes.” “Paasa kang bruha ka. Parang ‘yung kumag kong ex. Makapagtrabaho na nga lang. Andito na ang supervisor ko. Baka itapon na naman ako nun sa bintana kapag nalaman niyang nagpe-f******k na naman ako imbes na kinukutingting itong mga lintik na numero sa computer ko.” Nagpaalam na rin si Awa sa kaibigan at magla-logout na sana siya sa kanyang f******k account nang may mag-friend request sa kanya. “Sino naman ‘to?” In-open niya ang account ng may-ari ng nagpadalang friend request. David Klein Cristobal? May isa silang common friend. Pero hindi pa rin niya ito kilala kaya nag-delete na lang siya ng naturang friend request. Ini-off na niya ang cellphone saka tumunganga sa magandang tanawin ng parke kung saan siya nakatambay sa isa sa mga concrete benches doon. Naisipan niyang magpahangin na muna sa parke na malapit sa gusali kung saan siya nagtatrabaho para makalanghap naman siya ng natural na simoy ng hangin at hindi na lang puro hangin ng airconditioner ang kaulayaw niya sa pag-aayos ng final draft ng presentation niya sa kanyang mga amo para sa latest commercial project nila. Mabilis niyang nagawa ang assignment niya kaya hindi siya nagagahol sa oras ngayon kaya may panahon pa siya para magmaganda sa parke na iyon. At dito nga siya sa parkeng ito madalas magpalipas ng oras kapag mahaba ang breaktime niya dahil hindi ito masyadong puntahan ng mga empleyado sa ibang commercial buildings na nakapaligid doon. Medyo out of way kasi ito sa karamihan sa mga gusaling iyon at hindi convenient sa mga quick breaks. Middle of March na pero wala pa ang deklarasyon ng PAG-ASA na officially e summer na sa Pinas. Siguro dahil panaka-naka ay malamig pa rin ang panahon sa umaga at kamakailan pa nga e umulan pa. “Kung ganito ba naman ang epekto ng climate change, I welcome thee, Climate Change-sama!” May mangilan-ngilan na mga bata na naglalaro sa playground na malapit kasama ng kani-kanilang magulang, yaya at aso. Mula siguro sa mga kalapit na condo buildings ang mga iyon. The kids looked so happy with their shrieking laughter filling the beatuiful atmosphere. Napapangiti na lang si Awa. Sana lahat ng parents ganon ka-alaga sa kanilang mga anak. Sana wala na lang mapang-abusong mga magulang. Lalo na mga tatay… Napa-angat ng tingin si Awa nang makita ang pagbagsak ng mga maliliit na bulaklak ng narra na nakapalibot sa naturang parke. Parang umuulan ng maliliit na kulay dilaw na bulaklak sa tuwing umiihip ang hangin. “Pretty,” sambit niya. Inilahad niya ang kamay para sumalo ng mga nahuhulog na bulaklak. Pero imbes na dilaw na bulaklak ang makita niya sa kanyang palad, isang maliit na black box with black ribbon ang nakita niya. Automatic siyang napalingon mula sa likuran niya kung saan nanggaling ang braso na nagpatong ng box na iyon sa kanyang kamay. At sinalubong siya ng napakaguwapong mukha ng lalaki. “Bună.” “Ha?” “Hello.” Tinitigan lang ito ni Awa. His face was just a few inches away from her, and she thought his smile was competing against the brightness of the afternoon sun. Humangin uli at umulan na naman ng mga dilaw na bulaklak, making his image looked even more beautiful in her eyes. Pero nakita niyang biglang nawala ang ngiti ng lalaki, at naging masama ang tingin nito sa mga nagbabagsakang mga bulaklak. He stood up and brushed off the flowers that ‘decorated’ his flawless black trenchcoat. “Stupid flowers,” sambit nito. At doon lang din tila natauhan si Awa. “Kilala ang boses mo!” “Ngayon mo lang napansin? Yes. You were that drunkard who disturbed me two nights ago. In my own car.” “‘Yung amoy guwapo…” Hindi na naituloy ni Awa ang sasabihin nang matuon sa kanya ang tingin ng lalaki. Ngayong nababalot na ng liwanag ang kabuuan ng lalaki, aaminin ni Awa na hindi lang ito tunog-guwapo kundi guwapo talaga with a capital G. Muling umihip ang hangin at naglaglagan na naman ang maliliit na dilaw na bulaklak ng narra. At si Ginoong Dementor, hayun at parang naghahawi lang ng istorbong langaw nang hawiin ang mga bulaklak na bumabagsak dito. Hanggang sa hubarin na nito ang suot na trench coat, revealing another seat of black suit underneath it. “What is wrong with this country’s freakin’ heat? And these stupid flowers…” Napansin yata nito na nakamasid lang si Awa, kaya binalingan nito ang dalaga at itinuro ang bagay na nasa palad ni Awa. “You have something to say to me.” What arrogance! Doon lang uli naalala ni Awa ang nasa palad niya. “Ano ba ‘to…?” Binuksan niya ang maliit na box. Isang singsing nga ang naroon. Kinuha niya iyon at ininspeksyon. “We’re getting married in a few days. ‘Yan ang engagement ring na ibibigay mo sa akin kapag nag-propose ka na sa akin.” “Lalaki ang nagbibigay ng singsing kapag nagpo-propose sa babae.” Patuloy siya sa pag-i-inspeksyon sa singsing. “Modern world na tayo ngayon. Uso na ang gender equality. Anyway, ako na ang bumili ng singsing. Kaya ikaw naman ang mag-propose.” Inilahad nito ang kamay sa dalaga. “You can propose now. If you want.” Ibinalik ni Awa ang singsing sa box saka inilapag ang box sa palad ng lalaki. “Hindi ako nakikipag-usap sa mga baliw.” “Hindi ako baliw. I’m for real.” Inilapag nito ang box sa ibabaw ng sandalan ng konkretong upuan. “We’re getting married. You’re going to propose to me.  I also change my mind. This isn’t a good place for marriage proposals. Maraming istorbo.” Pinagpagpag pa nito ang mga bulaklak na bumagsak sa dibdib at balikat nito. “Propose tonight. At my mansion. My driver will contact you to fetch you at your house. Oh, you don’t have to put too much effort. Just ask me to marry you with this ring.” Tinapik-tapik pa nito ang black box. “I have to go. This heat is killing me.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito at naglakad na patungo sa itim na sasakyan na naghihintay di kalayuan. “Karo ng patay?” sambit ni Awa. Pero nakita niya ang logo ng sasakyan. “Ah. Mercedes Benz. Opulent.” Nagkibit-balikat na lang siya saka muling binalingan ang magandang tanawin sa kanyang harapan. Patuloy ang masuyong pagbagsak ng mga dilaw na bulaklak ng narra. It was a really pretty sight. ‘Yung tipong pang-banlaw sa itim na pangitain na dumalaw sa kanya kani-kanina lang. May nasagi ang siko niya nang ipatong niya ang braso sa sandalan ng kinauupuan. Isang itim na box ang nakita niyang bumagsak sa baba ng bench. Dinampot niya iyon at binuksan. “Totoong nangyari iyon,” sambit uli niya. “Grabe. Lapitin talaga ako ng baliw these days. Pero…puwede kong magamit ‘to sa susunod naming commercial project.” A guy in black, with all those cute little flowers raining down on him, as he held a ring to a woman. Awa smiled and started walking back to their building, with the black box in her hand. “Puwede ko ring i-add si Prince sa project proposal na iyon. Dalawa na kaming magkaka-sweldo.” Kinagat niya ang bato ng singsing. “Mukha ngang totoo. Ilang karat kaya ‘to…?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD