PART 1

2223 Words
"HINDI ba kayo talaga kayo magha-honeymoon?" Si Madam Angie. Kung ilang ulit na nitong tinanong iyon sa mag-asawa makalipas ang ilang araw na kasal nina Andy at Yolly ay hindi na mabilang. Nangungulit pa rin ang ginang. Kesyo gusto na raw ulit madagdagan ang mga apo. 'Di pa talaga nakuntento sa tatlo. "Mommy, huwag na po. Gusto ko po kasing paghandaan 'yung pagbabalik namin sa school ni Andy," sagot ni Yolly sa byenan. Hindi na 'Tita' ang tawag niya kay Madam Angie. Pero paminsan-minsan ay nadudulas pa rin siya. Mas sanay pa rin kasi siya na tita ang tawag niya sa Madam. Nagliwanag ang mukha ng mayamang ginang. "Really? Mag-aaral ulit kayo? E'di mas maganda." "Yes, Mom. Napag-usapan namin kagabi ni Yolly. At sana suportahan niyo kami. Kasi alam naming mahihirapan kami na pagsabayin ang pag-aaral at ang pag-aalaga sa aming mga anak," sabi rin ni Andy. Sa mga sandaling iyon ay seryoso silang mag-asawa. Lalo na si Andy dahil napag-isip-isip niya na dapat mas maging matinong tao o lalaki pa siya ngayon para sa kanilang mga anak. Actually, dahil din sa mga kambal kaya naisipan nilang bumalik ulit sa pag-aaral. Ayaw nilang mag-asawa na umasa habang buhay sa mga magulang nila. May sarili na silang pamilya kaya dapat paghandaan na nila ito habang maliliit pa ang kanilang mga anak. Dapat ay maging matured na sila ngayon. Madamdaming ginagap ni Madam Angie ang tig-isang kamay ng mga anak. "Oo naman. Wala kayong dapat ikabahala." Niyakap ni Yolly ang pangalawang ina na niya. "Salamat po, Mommy." "You're welcome, hija." Masuyong hinaplos-haplos ni Madam Angie ang likod niya. "Madami na tayong napagdaanan kaya alam ko kaya natin 'to. Magtulungan lang tayo, mga anak." "Thanks, Mom." Nginitian naman ni Andy ang mabait na ina. Pasalamat niya sa Diyos at ito ang naging ina niya kahit na hindi na sila buo. Wala naming perpektong pamilya, eh. Isa pa siguro nangyari ang mga bagay-bagay upang maging aral sa kanya ang nagging relasyon ng kanyang mga magulang. Siguro ay para ‘pag mag-asawa siya, na nangyari na ngayon, ay maiayos niya ang kanyang pamilya. Na dapat ay hindi niya gagayahin ang kanyang dad. "So, kailan kayo mag-start?" tanong ni Madam Angie nang kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Yolly. "Sa next na semester na siguro, Mom," sagot ni Andy. Inakbayan niya ang asawa. "Eh 'di balik first year college kayo?" "Gano'n na nga po," kibit-balikat ni Yolly na sagot naman dahil ganoon talaga ang mangyayari. Isang semester lang ang natapos nila noon bago nagkagulo-gulo ang lahat kaya malamang ganoon na nga. Pero ayos lang basta makatapos sila ni Andy sa pag-aaral. Walang problema sa kanya. Ganito naman talaga dapat, ang magsimula ulit sa una. "Okay lang 'yan. Ang importante ay makatapos kayo," mas natuwang saad ni Madam Angie. LUMIPAS ang araw na ginugol muna o sinulit muna ng mag-asawa ang oras o panahon nila sa kanilang mga anak. Sinamantala nila ang pagkakataon na makasama nila ang mga anak nila bago ang pasukan. Dahil alam nila na oras na mag-umpisa ulit sila sa pag-aaral ay mahahati na ang mga oras nila. "Hahahahaha!" Tawa nang tawa si Yolly dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin perpekto ang paglalagay ng diaper ni Andy sa mga baby nila. Kung hindi masikip ay lawlaw. At mas madami na hindi tama ng pagkakalagay, minsan baliktad pa. "Aisst! Paano ba kasi ito?! Tulong!!" reklamo ni Andy na hindi siya tinitingnan. Ang dami nitong kamot sa ulo. Akala mo’y madami ng kuto na sa ulo nito. Tapos ay pinagpapawisan na kahit ang lakas naman ng aircon. "Akala ko ba magaling ka na? Eh ‘di ipakita mo," pang-aasar niya sa asawa kaysa ang tulungan nga niya ito. Nagmamagaling kanina, eh, so magdusa siya. Nilingon ni Andy si Yaya Doring. Sa matanda sana magpapatulong. "Oops, bawal gisingin. Kita mo ang himbing ng tulog niya. Mahiya ka," ngunit saway rito ni Yolly. Natutuwa talaga si Yolly sa paghihirap ngayon ng kanyang asawa. Ang cute kasi. Ang sarap pag-trip-an. Napangiwi naman si Andy. May mga yaya nga pero hayahay naman ang buhay. Well, 'di naman masisisi ni Andy ang yaya kasi nga silang mag-asawa ang may gusto nito na sila muna ang mag-aalaga sa mga anak nila. Back-up lang nila si Yaya Doring sa ngayon pati na si Yaya Chadeng. Sabi nga nila, susulitan na nila ngayon ang pag-aasikaso sa kanilang mga anak habang wala pa silang pasok. At pinaninindigan talaga nila. Walang nagawa si Andy kundi ang pag-aralan ang pagpapasuot ng diaper. At anong saya niya nang mailagay niya nga iyon ng tama. Nagsayaw-sayaw pa talaga siya ng Budots dance. "Hahahahaha!" Tawa ulit ng malutong ni Yolly sa asawa. Halos sumakit na ang kanyang tiyan kakatawa. Pati ang pagpapadede ay tulungan din sila ni Andy. At ang nakakatawa ay minsan sinusubukan pa ni Andy na magpa-breast feed. Tapos ay nakikiliti kapag dinedede nga ng isang sanggol ang u***g niya. Which is ikinagagalit naman ni Yolly. "Kadiri ka!!" saway ni Yolly na inaagaw ang anak kapag natyetyempohan niya ang asawa na pinagtri-trip-an ang mga anak nila. Pasaway. Sa pagpapaligo naman ay nakapagtatakang mas magaling naman si Andy kaysa sa kay Yolly. Nakabusangot na lang si Yolly kapag ganoon, kasi siya naman ang inaasar ni Andy. Talo siya, eh. Siguro ay dahil mas matigas ang braso ni Andy na umaalalay sa ulo ng mga sanggol kaya easy lang dito ang pagpapaligo. Si Yolly kasi ay agad nangangawit. ******** "Yaya, si Yolly?" takang tanong ni Andy isang araw na magising siya at 'di makita ang asawa. Mga yaya lang ang nakita niya sa loob ng mansyon na mga nag-aalaga sa triplets. "Umalis sila," sagot ni Yaya Chadeng sa kanya na hinihele si Baby Yvette. "Sinong kasama po niya?" "Si Mommy mo," hindi tumitingin sa kanya si Yaya Chadeng na sagot pa. "Where did they go? Ba't hindi man lang nagpaalam sa 'kin?" Nagsalubong ang kilay niya. Madalas na kasi na ganito, ang biglang mawawala na parang bula ang kanyang asawa. "Eh, kasi ang sarap kasi ng tulog mo. Saka sa spa lang naman sila nagpunta kaya huwag kang mag-alala. Niyaya ulit siya ng mommy mo.” "Na naman?!" Agad na hindi mailarawan ang mukha niya. Kasi naman kaka-salon lang ng dalawa noong isang araw. My ghad! Naadik na yata ang dalawa sa pagpapaganda! "Hayaan mo na," natawang saad ni Yaya Chadeng sa kanya. Oo, hinahayaan naman niya ang kanyang asawa pero hindi kaya masubrahan naman sila sa pagpapakuskus at kung anu-ano pa? Baka ma-erase na ang mukha niyon. Maganda na kasi si Yolly, eh. As in magandang-maganda na.Gumanda pa lalo.Ibang-iba na nga ang hitsura ni Yolly sa noon dahil natuto na rin ang kanyang asawa sa pag-aayos ng sarili at pakikisalamuha sa mga tao nang maayos. Kaya kuntento na sana siya. Nga lang nahahawa na 'ata si Yolly sa Mommy niya, naadik na rin sa mga kung anu-anong pagpapaganda. Kulang na lang ay magparetoke na ang dalawang ‘yon, eh. At gusto nga niyang magreklamo na at baka mawalan ng oras ng tuluyan si Yolly sa kanya at sa mga anak nila kaka-busy niya sa pagpapaganda. Kaso nga lang ay wala siyang magawa-gawa dahil sa impluwensya ng mommy niya, na sinasakto pang wala siya o tulog siya kapag aalis sila, in short inuutakan siya ng dalawa. Sabagay pabor naman iyon sa kanya kasi parang diyosa na si Yolly sa kagandahan, lalo na sa gabi, kapag pantulog na lang na manipis ang suot. Nakakagigil! Nakaka-SPG! "Wow! Ang sexy ng asawa ko!" Tumitirik agad ang mga mata niya kapag ganoon. Minamalas nga lang minsan talaga. Minsan kasi ay sumasabay rin ng iyak ang mga kambal kaya walang nangyayari. Mas marami pa rin ang NGANGA kaysa ang maka-shoot siya. Saklap. "Okay lang 'yan. Mamayang gabi na lang ulit," at ang seste tinatawanan o inaasar pa siya ni Yolly. Ang masaklap pa kasi kapag ganoon ay gusto sa kandungan nila matutulog ang mga kambal. Kapag ilalapag nila, biglang mga magigising at iiyak. Sabay-sabay pa. Kung hindi nga lang mga sanggol pa ang kanilang mga anak ay iisipin niyang parang mga nang-aasar lang sila, eh. Grabe kasi sa ganda talaga ang timing nila minsan. May mga pinagmanahan yata. Ayaw mga makisama, eh. Tsk! ********* PAGSAPIT ng pasukan ay walang naging reklamo silang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga sanggol dahil noong sumapit ang unang araw ng klase nila ay feeling nila nagawa naman nilang maging mabuting ina at ama sa kanilang mga anak. Na kahit magiging busy pa sila ulit sa pag-aaral ay nauna na silang nakabawi sa kanilang mga anak. "Ready?" Hinolding hands ni Andy si Yolly bago paandarin ang kotseng sasakyan nila papasok sa eskwela. Luminga si Yolly sa asawa at ngumiti. "Ready na ready. Pero 'di ko ba talaga pwedeng gamitin 'yong kotse ko?" "Yolly!!" "Sabi ko nga hindi pwede," tatawa-tawang bawi agad ni Yolly. Nabawi niya 'yong kotse na bigay ni Leandro kay Yaya Chadeng dahil kusa itong binalik ng matanda. Bawal daw kasi na pinamimigay ang regalo sa kasal. Subalit bawal naman niyang gamitin. Pinagbawal ni Andy kaya walley pa rin. Pinaandar na ni Andy ang sasakyan. Excited silang parehas na bumalik sa Sanchi College. At sana hindi na magiging tulad ng dati ang mangyayari. Sana ganito lang sila ni Andy. Maayos, masaya at wala ng problema. "I love you, Yolly." "I love you too, Andy." Lambingan muna nila bago pinaandar ni Andy ang sasakyan paalis ng bahay. At syempre kumaway muna sila sa mga baby nila bago tuluyang umalis. Nang malapit na sila sa school ay dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ni Yolly. Naalala kasi niya ang mga nangyari noon. Noong binu-bully siya. Alam ni Yolly, hindi na 'yon mangyayari dahil hindi na niya pangit pero kasi.... ay ewan... basta hindi niya maipaliwanag. "We're here," mayamaya ay untag ni Andy sa kanya. "Huh?!" Medyo nagulat pa si Yolly dahil hindi niya namalayan na nakapasok na ang sasakyan nila sa loob ng campus. Lalo siyang kinabahan. Parang gusto nang kumawala ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Ilang lunok na rin siya ng laway niya. "Let's go?" Hindi katulad ni Andy na parang nagbalik ito sa dati. Nagbalik ang kasiglahan bilang isang estudyante. "Kinakabahan ako," pag-amin ni Yolly sa nararamdaman. Nanlalamig din kasi ang kamay niya. "Ngayon ka pa kinabahan? Sila ang kabahan dahil heto na ang dyosa. Makikita na nila ang bagong Yolly Peralta Pagdatu," pampalubag-loob ni Andy sa kanya. Kahit paano gumaan ang loob ni Yolly. Nga naman, ngayon pa ba siya kakabahan? Noon nga na ganoon ang hitsura niya, eh, nakaya niyang harapin ang mga tao, ngayon pa kaya? At saka syempre madami na ngayon ang nagbago sa school. Balita nga niya ay pinagbawal na ang pambu-bully. Ang makikita na nambu-bully ay kinikick out na raw sa school. Wala na ‘yong kapag mayaman ka ay reyna ka, at kapag mahirap ka ay alipin ka o katatawanan ka. Marami na raw rules na nabago, naging aware na raw ang school sa mga nangyayari sa mga estudyante. "Sige tara," sabi na ni Yolly sa kanyang asawa. Nagbalik na ang kanyang excitement. Excited na ulit siya na maging estudyante ng Sanchi College. "Baka gusto mong mag-retouch muna?" pero biro na ni Andy sa kanya. "Heh! Tara na!" Nakangiti na nga silang sabay na bumaba ng kotse. At ewan kung bakit parang nagliwanag, parang nagningning, parang nagsulpotan ang mga flash ng camera sa paligid at naging slow motion ang pagbaba nilang mag-asawa sa sasakyan. Kakatwa pa ay parang sabay-sabay ring napalingon at napatingin ang mga estudyante sa kanila. Nagmistulang celebrity silang mag-asawa na umagaw sa lahat ng atensyon ng mga estudyanteng naroon. Ang totoo ay hinihintay pala ang pagdating nila. “Ayan na sila!!!!”sigaw ng mga estudyante. Nagtiliin na ang iba. "Tingnan niyo si Andy, oh!" Turo ng isang estudyante na tuwang-tuwa. "Gossshhhh! Ang cute pa rin kahit daddy na!" kilig na tili naman ng isa. "Ang crush ko! Ayiee!" At marami pang ibang nakakatuwang reaksyon ng mga estudyante kay Andy. Tumingin si Andy kay Yolly sa pag-aalalang baka ma-insecure ang asawa. Pero buti na lang at hindi naman yata dahil nakangiti pa rin si Yolly nang tumingin. Ngumiti rin si Andy sa asawa. Ngunit bigla ay nawala ang ngiti niya nang marinig niya pa ang ibang sinasabi ng mga estudyante. "Siya na ba si Yolly?! Ang ganda niya na! Liligawan ko siya!!” "Wow! Yolly, crush na kita!" "Yolly, akin ka na lang!" "Yolly, ipapakilala kita sa kuya ko! Mas bagay kayo n'on! Para maging ate na kita! Idol na kita!Ang ganda mo!" Biglang busangot ang mukha ni Andy. Sa huli ay siya na ang na-insecure. Muntik na siyang makakasapak ng isang estudyante.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD