PART 2

1798 Words
NAKUYOM ni Andy ang kanyang kamao. Isa pa talagang magsasalitang estudyante ay sasapakin na talaga niya. Mga walang respeto sa mag-asawa, eh! Alam na ngang misis na at may tatlo pang anak, lalandiin pa? What the f*ck?! "Okay ka lang?" pansin sa kanya ni Yolly. At nang tingnan niya ito ay parang tuwang-tuwa pa ito sa mga papuring nadidinig nito. Hindi siya sumagot bagkus ay bunuksan niya ang kotse at may kinuha roon. "Hi, Yolly," bati ulit ng isang estudyante kay Yolly. Dumadami na ang mga ito. Napapalibutan na silang mag-asawa. Gusto talaga silang makita na mag-asawa. Sikat pa rin kasi sila sa campus kahit na mahigit taon na nang mawala sila roon. Tumatak na kasi sa Sanchi College ang mala-cinderella na nangyari kay Yolly. Kaya lahat ay humahanga sa kanilang mag-asawa. Lalo na ang mga first year na ngayon lang sila makikita. "Hello," pansin naman ni Yolly kasi babae naman iyon na estudyante. Feeling ni Yolly ay artista siya ngayon na pinagkakaguluhan. Ganito pala ang feeling, nakaka-proud. At ang saya ng pakiramdam. "Yolly, sana niligawan na kita noon. Ang ganda mo pala," sabi naman ng isang lalaki. 'Yon ang narinig ulit ni Andy. Kaya pabalibag niyang sinarado ang pinto ng sasakyan nang makuha ro'n ang bagay na kinuha. Tapos ay tiningnan niya nang masama ang estudyante na iyon. Tiklob ang estudyante. "He-he. Hindi naman," sagot ni Yolly na pabebeng inipit ang tumikwas na buhok sa mukha. Galit na talagang hinila ni Andy ang asawa at inilayo sa mga estudyanteng mga malalandi at mga papansin. Kung alam lang niya na mangyayari ang ganito, nakuuuu! "Andy, dahan-dahan naman," angal ni Yolly sa kanya. Kung makahila naman kasi siya ay parang end of the world na sa pagmamadali. Tumigil naman siya at hinarap ang asawa nang nasa walang masyadong katao-tao na silang parte ng campus. "Oh!" Tapos ay inabot niya kay Yolly ang bagay na kinuha niya kanina sa kotse. "Ano 'to?" takang kinuha iyon ni Yolly. Kasi naman headset iyon. "Dala mo 'yong cell phone mo 'di ba? Mag-sounds ka," matabang at nakabusangot na sagot niya. Naba-badtrip na talaga siya "Ano? Pero bakit?" "Gawin mo na lang at baka lumaki ang ulo mo sa mga naririnig mo," busangot ang mukhang sagot niya. "Huh? Bakit naman?" Napamaang si Yolly. "Just do it! Wala ng bakit-bakit!" giit niyang pumanaywang. Nang 'di pa rin kumilos si Yolly dahil sa pagtataka ay si Andy na ang nagsuot n'on sa asawa. Napatanga si Yolly sa mukha niya habang inaayos niya iyon sa tainga nito. Napakislot pa si Yolly dahil ang lakas ng tunog mula sa headset. "Andy, bibingihin mo ba ako, hah?" reklamo nito sabay alis ang isang headset. "Basta ganyan lang 'yan!" Ibinalik niya iyon sa tainga ng asawa. May dumaan na mga tatlong kalalakihan na mga estudyante rin. Parang mga babae ang mga ito na kinilig kay Yolly. Tatawa-tawa at nagsisikuan ang mga ito na umalis. Tumirik na naman ang mga mata ni Andy at napasinghap siya sa hangin. Tapos ay masama ang tinging tumitig siya sa mukha ni Yolly. Si Yolly na nakangiti na dahil kahit paano ay nagustohan na ang sounds na pinapakinggan, kaya sumasaliw sa musika na ang ulo nito. Napabuntong-hininga si Andy ng malalim sabay pamaywang. Napakaganda nga naman ngayon ng kanyang asawa kaya wala siyang magagawa kung hangaan agad ito ng marami at kapwa nila estudyante. At proud naman din siya kahit paano kasi kahanga-hanga na ngayon ang kanyang asawa. Nga lang kasi ay... Ay... Uhm... Wala lang. Naisip lang niya na baka lumaki ang ulo ni Yolly at malunod sa kasikatan.... kung sakali... 'Yon lang! Bakit naman siya mai-insecure? Eh, ang guwapo pa rin niya kaya! Isa pa, sino bang pinaka-guwapo rito sa school? Siya pa rin naman, ah! Ang dami pa rin namang tumitili sa kanya na mga girls. Siya pa rin ang campus crush kahit may anak na siya. Baka nga kung 'di niya asawa si Yolly ay titili pa rin ito sa kanya. Ang guwapo kaya niya. Walang kupas. Kaya wala siyang dapat ika-insecure or ikabahala. Alam niya na at tiwala pa rin siyang sa kanya lang ma-i-in love si Yolly. Sa kanya lang ito titingin. Tiwala siya sa asawa niya. "Si Shone ba 'yon?! Si Shone Ramirez nga!" Subalit turo bigla ni Yolly sa isang dako at bigla ring nagtitili ta's nagtatalon sa sobrang kilig. Sa pagtatalon ay nahulog sa tainga nito ang headset. Napangiwing napahimas sa batok niya si Andy nang makita ang kapwa guwapong binata. Anong ginagawa ng ugok na 'to rito? Damn! Ang tinutukoy ni Yolly kasi na Shone Ramirez ay ang sikat na artista na ka-love team ng sikat ding artitsa na si Shyne Sandoval. "Eiihhhh!" tili ni Yolly nang mas malakas. Ang binatang artista kasi na madaming alalay sa likod tulad ng make-up artist ay palapit na palapit sa kinaroroonan nila. Napakaguwapo nito na pinatingkad ng shades nitong suot na itim. Para itong modelo na naligaw sa isang show. "Ang crush ko! OMG! Ang gwapo niya!" tiling sambit pa ni Yolly. Halos himatayin na ito. Ang kinaiinisan lalo ni Andy ay hinahampas-hampas pa siya sa balikat ng asawa. "Ano ba?!" kaya reklamo na niya. Kainis na, eh! Sa'n banda ang gwapo r'yan?! Make-up lang 'yan. Tinadtad lang ng foundation o concealer. Kaya akala mo makinis. Ganoon naman ang mga artista, eh. Tingin siya ng masama kay Shone, ta's kay Yolly, saka nagkibit-balikat. Wala siyang dapat ipag-alala dahil imposibleng papansinin ni Shone Ramirez si Yolly. Kilala sa pagiging suplado si Shone kaya nga nabansagang silent heart-throb sa showbiz. Masama ang ugali, pero dahil guwapo ay madami pa rin humahanga sa binata. Dahil guwapo ay mas sumisikat pa. Isa pa ang gaganda ng mga nali-link ditong mga artistang tulad ni Shyne Sandoval kaya hayaan na lang niya si Yolly. Ganyan naman talaga ang mga babae kapag nakakakita ng artista. Halos makita ang ngala-ngala kapag makatili. Kala mo 'di tao ang mga artista. Kala mo first time makakita ng guwapo. "Hi, Shone," bati ni Yolly sa binatang napakaguwapo nang makatapat ito sa kanila. At tulad nang inasahan ni Andy ay nilampasan lang ni Shone si Yolly. Deadma. Kaya 'yong tawa niya ay wagas na wagas. Tinawanan niya ang asawa. See, tama siya. Hinampas tuloy siya ni Yolly sa balikat. "Aray ko, ah!" "Ang sama mo!" bulyaw ni Yolly sa kanya. Ang haba ng nguso nito dahil 'di ito pinansin ng idol nito. Ngumuso rin siya. "At bakit ako ang masama, aber?!" tapos reklamo niya na himas-himas ang braso. "Kasi tatawa-tawa ka pa riyan!" “Bakit? Masama ba ang tumawa?” pang-iinis niya pa sa kanyang asawa. Nang biglang may tumikhim at nag--"Excuse me?" Natigilan silang mag-asawa. At nang tingnan nila kung sino iyon ay si Shone Ramirez pala. Bumalik! What the--- kulang na lang ay mapamura si Andy. And syempre napanganga naman si Yolly dahil ngumiti sa kanya ang idol nito. Gayundin siya pero dahil naman sa pagtataka. Problema ng mokong na 'to? "Hi," bati ng gwapong binata kay Yolly. "H-hello." Halatang nanginginig si Yolly. Kinikilig na talaga. Nabuwang na. "You want an authograph?” Akala mo’y ang bait na nilalang na tanong ni Shone kay Yolly. Nagdilim na ang mukha ni Andy. "Ah.. eh... O-oo. Oo sana kung okay lang?" "Sure. Akin na?" "Ha?... Ah.. eh.. Wait lang." Naghanap ng papel si Yolly. Kasi naman naiwan pala nila sa kotse ang mga bag nila. Kinapkapan pa nito si Andy. "Ano ba?!" tabig ni Andy sa kamay ng asawa. Inirapan siya ni Yolly. "Wala, eh!" ta's nakangiti ulit na balik tingin ito kay Shone. "You have cellphone? Selfie na lang tayo?" Doon na umentra si Andy. "Oops! Sorry, pare, pero kailangan na naming pumasok ng asawa ko." At mabilis na hinila niya si Yolly. "Huh?! Sandali! Magse-selfie raw kami!" patiling angal ni Yolly sa kanya. "Walang selfie-selfie!!" Ma-otoridad na saad niya. Natatandaan niya kasi na sa SELFIE nagsimula ang lahat sa kanila ni Yolly, kaya mahirap na. No way in hell na makaka-score din ang lalaking iyon sa kanyang asawa. Magkakamatayan na. Naiwan si Shone na kumaway pasimple kay Yolly. Tapos nang 'di na makita si Yolly ay napangisi ito. "Charlotte, i-enroll mo na ako rito," dikawasa'y sabi ng binata sa bakla nitong PA. "Huh? Akala ko ba ayaw mo rito kasi madaming estudyante?" "Just do what I’ve said! No but’s, no if’s!” "Okay. Sabi mo, eh." “Good!” Bigla-bigla ay naging maliksi si Shone na kanina ay banas na banas dahil ayaw nito ang school na pinili ng kanyang Personal Assistant. Para ba’y nabuhusan ito ng holy water at biglang naging mabait. ******** SA unang magiging subject nila dinala ni Andy si Yolly. Naghihilaan sila dahil gusto talagang maka-selfie ni Yolly si Shone sana. Muntik pa siyang takasan ni Yolly. Akala mo’y teenager na naman. "Kainis ka naman, eh!" parang batang maktol pa ni Yolly sa kanya nang ayaw niya talagang payagan ito. "Tumigil ka nga! Ang tanda mo na, eh, kinikilig ka pa rin sa mga artista!" "Bakit masama ba?!" "Hindi! Pero para kang tanga!" Hindi na umimik pa si Yolly. Inirapan na lang niya ang KJ nitong asawa. Kahit kailan talaga panira ito. "Halika na. Pakakainin na lang kita ng masarap after class," pero hindi nagtagal ay suyo naman ni Andy sa kanyang asawa. Syempre hindi niya matitiis ang asawa. Akmang hahawakan niya sa kamay pero iniwas ni Yolly ang kamay nito. Nagtatampo talaga si Yolly. "Don't touch me!" pasupladang anito na humakbang papasok sa classroom. Pero biglang nagliwanag ang mukha nito sa nakita nito roon. "Ah, gano'n! Ayaw mo na akong maka-date dahil sa Shone na iyon! Fine!" Hindi makapaniwalang saad ni Andy na sumunod sa asawa. Nagtatampo na rin siya. "Leandro?!" biglang sambit ni Yolly. Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa pagtataka. "Anong Leandro?!" Pero nang sundan niya ang tinitingnan ng asawa ay tumabingi ang kanyang mukha. Umasim. Nakusot. At bumusangot. Si Leandro nga! Kampanteng nakaupo sa isang silya si Leandro habang ngiting-ngiti ito kay Yolly. At sa hitsura nito ay mukhang isa na ito ngayong estudyante hindi na guwardya ng school. Agad na nagpuyos ang damdamin niya. Naningkit ang kanyang mga mata nang sobra. Sa tingin niya kailangan nilang mag-asawa na lumipat ng school. Ang dami na kasing 'HINDI' guwapo rito sa Sanchi College, eh! Tsk!.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD