PART 3

1923 Words
"LEANDRO, mag-aaral ka na rin?" Tuwang-tuwa si Yolly na makita ang kaibigang binata bilang isang estudyante na rin at hindi na bilang isang guwardya ng school. Tumayo si Leandro at nilapitan siya. Sunod dito ang isang lalaki na estudyante rin yata at nakikilala niya. "Hi, Yolly," bati ni Max sa kanya na abot hanggang tainga ang ngiti. "Ikaw 'yong isang guard din, 'di ba?" hindi makapaniwalang saad niya. Tama, kilala nga niya ang lalaki. Ito kasi 'yong kasa-kasama rin na guard noon ni Leandro. "Siya nga. Siya si Max," pagpapatotoo ni Leandro. Si Andy na nasa likod ni Yolly ay napalatak at napamaywang. Ang mga guard nga lang naman noon, heto at kaklase na nila. E'di wow! At napangiwi pa si Andy nang lapitan ito ni Max at akala mo'y close sila na inakbayan siya. "Andy, tropa na tayo ngayon, hah?" Pairap itong tiningnan ni Andy kaya parang napaso ang dating guard ng eskwelahan. Inalis din agad ang pagkakaakbay kay Andy at balik ito sa likod ni Leandro. "Yolly, halika na! Do'n tayo sa likod!" Masama ang mukha ni Andy na sabi sa kaniya. High blood na naman. Ay naku! "Anong course mo?" tanong ni Yolly kay Leandro kaysa pansinin ang asawa. "ABM! Ikaw?" "Parehas tayo," natuwang sagot niya. Kulang na lang ay yakapin niya si Leandro. Buti naman at naisipan nitong mag-aral. Masaya talaga siya para sa kaibigan. "Gano'n ba? 'Yon ang kinuha ko kasi kailangan ko sa negosyong pinatayo ko," paliwanag ni Leandro. "May negosyo ka na?" "Oo. Dro Security Agency. Mag-iisang buwan pa lang." "Ang galing. Tama lang ang Business Management nga sa'yo. Proud ako sa'yo, Leandro." Nag-thumbs up siya rito. "Salamat. Balak ko nga 'pag natapos ko 'to ay criminology naman ang kukunin ko." Mas napangiti si Yolly ng maluwang sa binata. Masaya siya at natutuwa siya para rito dahil tingin niya ay alam ni Leandro kung saan nito ginagamit ang perang pinanalunan sa lotto na hindi masasayang. Madami pa sana silang pag-uusapan na dalawa. Nga lang ay tinawag na siya ni Andy. "Anong course ni Andy?" pahabol na tanong ni Leandro sa kanya. "HRM," mabilis na sagot niya saka tinungo na ang asawa. Lihim na natuwa si Leandro dahil iba pala ang course ni Andy. Ibig sabihin hindi nila ito kaklase sa ibang subject. Makakasama nito si Yolly sa ibang subject/unit nila na wala ang asungot nitong asawa. Well, wala naman siyang balak agawin pa si Yolly kay Andy dahil mag-asawa na nga ang dalawa at may tatlo pang anak. Ang gusto lang ni Leandro ay masolo si Yolly bilang isang kaibigan dahil kahit kailan ay hindi na sila magkakasundo pa ni Andy. ********* "Huwag ka na munang pumasok ngayon sa susunod na subject mo," sabi ni Andy pagkatapos nilang mag-lunch sa canteen na mag-asawa. "Ano? Unang araw ng pasok magka-cutting class agad ako?" Kumibot-kibot ang mga labi ni Andy na napasandal ng upo. May pinag-iisipan siya. Alam na rin niya kasi na iisa ang course nina Leandro at Yolly at lihim siyang nangangamba. Syempre magiging close pa ang dalawa kung lahat na lang ay magkaklase ang dalawa. "Sige ako na lang ang 'di papasok. Samahan na lang kita," pagkuwa'y aniya sa naisip niyang ideya. Napalabi si Yolly. Naunawan na niya kung bakit nagkakaganito na naman ang asawa. Nagseselos na naman si Andy kay Leandro, for sure. "Andy, alam ko na naman 'yang nasa isip mo, hah? Hanggang ngayon pa rin ba?" "Bakit masisisi mo ba ako? Eh, alam naman nating pareho na patay na patay sa 'yo ang g*gong 'yon." "Ano ka ba naman--" Hindi naituloy ni Yolly ang sinasabi kasi biglang may dalawang estudyanteng lumapit sa kanila at nakipag-selfie. "Salamat, Yolly," pasalamat ng mga ito kay Yolly pagkatapos. Tipid na ngiti lang si Yolly sa mga ito. "Wala ka bang tiwala sa 'kin? Asawa mo na ako," tapos ay pagpapatuloy nila sa usapan nila. "Sa 'yo meron. Pero sa lalaking 'yon wala," giit ni Andy. "Grabe ka naman." Iningusan ni Yolly ang asawa. Isa pang estudyanteng bakla ang lumapit at nagpa-picture kay Yolly. "Ang cute mo, lodi," anang bakla nang matapos at tuwang-tuwa. Ngiti lang ulit si Yolly. "Basta! Wala akong tiwala--" pagpapatuloy ulit sana ni Andy. Pero kasi ay magbabarkada na ang lumapit sa kanila para magpa-groufie. May dala pa ang mga ito na monopad. Pagbibigyan ulit sana ito ni Yolly kaso ay binulyawan na niya ang mga ito. "Ano ba?! Wala kayong respeto! Nag-uusap kami, ah!" Patda ang mga estudyante. "Andy!!" saway ni Yolly sa kanya. "Sorry, hah? Next time na lang. Pasensya na," ta's hingi niya ng pasensiya sa mga estudyante. Ngumiti ang mga estudyante kay Yolly at inirapan naman si Andy bago umalis. Parang batang iningusan naman niya ang mga ito bilang ganti. "Ang suplado niya talaga!" pasaring pa ng isa na habol. "Pasalamat siya guwapo siya!" Umikot ang eyeballs ni Andy. Nakakaubos talaga ng pasensiya ang mga estudyante. Hindi na alam ang privacy, eh. "Haissssstttt! Lumipat na nga lang tayo ng school!!" inis na inis na wika niya tuloy sa asawa. "Ano ka ba? Nandito na tayo lilipat ka pa?" "Kainis na sila, eh!!" "Hayaan mo na. Parang 'di ka sanay? Halika na. Malapit ng mag-umpisa ang subject ko." Walang nagawa si Andy kundi ang ihatid ang asawa sa next subject nito. Kinilig tuloy ang mga estudyante dahil holding hands sila habang naglalakad. "Bagay na bagay talaga sila?" komento ng mga estudyanteng inggit na inggit sa kanila. At tulad nang inaasahan ni Andy ay naroon na sina Leandro sa loob ng next na magiging klase ni Yolly. Napatingin ito sa kanila at ngumiti. Ngiti na ang tingin niya ay parang sinasabi ni Leandro na... "AKIN NA ANG ASAWA MO! BABAWIIN KO NA SIYA THIS TIME!" "Sige na. Pumasok ka na rin sa klase mo," untag ni Yolly sa kanya. "Yolly, dito na lang kaya ako?" "Andy naman, eh. Sige na. Pasok na. Okay lang ako rito." Pinagtulakan na siya ng asawa. "Bye!" Alinlangan man ay kamot-batok na lang si Andy na pumasok na nga sa next subject niya. Ngayon siya nagsisisi bakit iba ang kinuha niyang subject. Tss! "Si Andy, oh!" Kilig na sikuan ang mga babaeng estudyante na nadadaanan niya. Pero tulad ng dati ay deadma siya. At kahit nag-umpisa na ang klase nila ay wala naman doon ang isip niya. Kundi na kay Yolly. Hindi siya mapakali, baka kasi pinopormahan na 'yon ngayon ni Leandro. Baka tinabihan ito ni Leandro ng upuan. Gagong 'yon. "Sir, excuse," paalam niya sa professor nila nang 'di na makatiis na hindi makita ang asawa. Takbo siya sa klase ni Yolly para silipan ang asawa. "Eiiihhh!" tili tuloy ng mga kaklase ni Yolly. Kinilig sila kasi ang sweet daw niya. Boyfriend goal daw siya. Napangiwi naman si Yolly nang makita ang asawa sa bintana. Ano ba 'yan?! "Balik ka 'ron!" at pasimpleng senyas nito sa asawa. Tumango naman si Andy na akala mo'y masunurin talagang asawa. Nakita na nitong malayo ang agwat ng kinauupuan nina Leandro at Yolly kaya pumanatag na siya. "Hala! Ang sweet nila!" Kilig to the bones ang matabang kaklase ni Yolly nang umalis na si Andy. Nahihiya na lang si Yolly sa pinagagawa ng asawa. Lalo na nang tumingin siya kay Leandro at tinatawanan siya. Ugh! "Haisst! Kaasar na, Andy! Pinapaala sa 'kin ang boyfriend ko! Na-miss ko tuloy si Rj ko!" Napatingin siy sa katabi niyang nagsalita. At nginitian niya ito. "Hi! Ako si Diane. Puwede ba kitang maging kaibigan?" pakilala nito sa kanya saka inilahad ang isang kamay nito sa gitna nila. "O-oo naman," magiliw na pag-unlak niya saka inabot ang kamay ni Diane. Shake hands sila. "Ang swerte mo pala talaga kay Andy, noh?" "Hindi naman," pa-humble niyang sabi kahit na totoong swerte talaga siya sa asawa. "Sussss! Pa-humble ka pa, eh, alam naman namin lahat kung gaano ka kaswerte sa kanya, na kahit panget ka noon ay minahal ka niya. Siguro ginayuma mo siya, noh?" "Hala! Hindi, ah!" apila niya agad. Natawa ang madaldal na si Diane. "Joke lang kasi hindi naman totoo ang gayuma. Kasi ako nga ginayuma ko noon ang isang lalaki at iba ang nakainom. Akala ko noon tumalab kasi minahal ako ng lalaking nakainom pero hindi pala. Kasi totoong mahal na pala niya ako no'n hindi pala dahil sa gayuma." (SHAMELESS PLUG: read the story MY EPIC GAYUMA) Bumakas ang amazement sa mukha niya. Seryoso? May umaasa pa pala sa gayuma para mapa-ibig ang isang tao? "Tapos 'yon tulad niyo ay happy ending din kami ni Rj," nagniningning na dugtong pa ni Diane. "Nasa'n siya? Kasama mo rin siya rito?" "Wala, nasa probinsya siya. Inaasikaso ang mga negosyo nila roon." Inilapit ni Diane mukha nito sa kanya. "May edad na kasi ang boyfriend ko na iyon. Pero okay lang age doesn't matter naman sa pag-ibig, 'di ba?" Tumango siya kay Diane bilang pagsang-ayon. Kung my love is blind nga naman syempre may age doesn't matter din. "Quiet!!" sita sa kanila ng prof nila kaya natigil si Diane sa pagchichika tungkol sa love story rin nito. Hagikgikan sila. At masaya siya dahil tingin niya ay magiging bagong kaibigan niya si Diane rito sa school. Si Cristine kasi ay ayaw na talagang mag-aral kahit anong pilit nila. Bahay na lang daw ang pinsan para may mag-alaga sa anak nito. Natuon na ang pansin nila sa dini-discuss ng guro nila. Natapos ang unang araw ng pasok na iyon na pagod silang mag-asawang umuwi. Lupaypay silang nag-kiss sa mga anak nilang isinalubong sa kanila nina Yaya Chadeng at Yaya Doring. Ang ikinabusangot na naman ni Andy ay nang maalala pa niya si Shone Ramirez at ikwento ito sa mga Yaya. "Eiiihhh! Guwapo ba?" At palibhasa idol din nina Yaya Chadeng at Yaya Doring si Shone ay kinilig din ng bonggang-bongga ang dalawang matanda. Katatatapos lang kasi ng dramang pinagbidahan ng binata kaya tatak pa ito sa isipan ng lahat. "Opo! Ang guwapo niya! Ang kinis! Tapos tapos.. nag-HI po siya sa 'kin! Eiiiihhh!!" Kilig na pabida pa ni Yolly. "Kapag nakita mo siya ulit. Picture-an mo," request ni Yaya Doring. "Opo." "Suss! Hindi na 'yon pupunta ro'n! Baka napadaan lang 'yon sa school!" Hindi nakatiis na pambabasag trip ni Andy sa tatlo habang nagtatanggal ng sapatos. Kaya naman sabay-sabay rin itong inirapan ng tatlo. Parang mga bata. Gustong matawa ni Andy. "Bakit? Sinasabi ko lang ang totoo. Gano'n naman ang mga artista 'di ba? Pasulpot-sulpot lang sa isang lugar," pero paliwanag din naman niya. Ayaw masabunutan ng tatlo. Ang hindi alam ni Andy ay 'yon ang maling akala niya dahil ready na si Shone sa pagpasok bukas sa Sanchi College......... . . . AUTHOR'S NOTE: "Visit my f******k Account for a chance to win prizes every month. Pasasalamat ko po sa inyong suporta at pagbabasa sa aking mga nobela. Ad Sesa rin po ang name ko sa sss. Naka-motor ang DP. See you there..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD