“Ate, buti umuwi ka!” Mangiyak-ngiyak na usal ng kapatid niyang si Rona nang makita siya nitong paparating.
“Bakit, may nangayri ba?” nababahala na tanong dito ni Nenita. Sinuri niya ang katawan ng kapatid kung may galos ba ito o mga pasa sa katawan. Nang makita na wala, nakahinga siya ng maluwang.
“Graduation day niya ngayon,” si Ashly ang sumagot. “Kagabi pa iyan umiiyak nag-alala na baka siya lang ang walang kasama na guardian mamaya.”
Tumingin sa kanya si Nenita na humihingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko kase alam,” aniya sa kapatid. ”Wag kang mag-alala dahil nandito na ako. Ako ang sasama sayo.”
Umaliwalas ang mukha ni Rona sa sinabi ni Nenita. Na guilty naman si Nenita. Paano kung hindi siya umuwi? Paano kung nagkataon na walang lakad ang mag-ama, sino ang sasama sa kapatid niya sa araw ng kanyang graduation?
Wala siyang contact sa mga ito dahil wala silang cell phone. Nababahala rin si Nenita na bigyan ang kapatid niya at baka malaman iyon ng kanilang ama. Hindi lang siya ang malalagot kundi pati ang mga kapatid niya. Hindi niya makayanan kung pati mga kapatid niya ay saktan ng pisikal ng kanilang ama.
Kaya madalas sinasadya niya ang mga ito sa paaralan upang magbigay ng pera at para na rin makasama kahit saglit ang mga ito. Mahirap ang kanyang sitwasyon dahil para siyang isang kriminal na may pinagtataguan makasama at makita lang ang mga kapatid niya.
Nag arkila siya ng tricycle para sa kanilang apat papunta sa paaralan. Kahit silang apat lang nakikita niya na masaya ang kanyang kapatid. Simula nang magkamulat siya, siya na tumayo bilang nanay at tatay sa mga ito. Kaya naging emosyonal siya sa araw na ito lalo na nang malaman niyang Valedictorian ang kanyang kapatid.
Nang magbigay ng valedictory speech ang kanyang kapatid, bumuhos ang mga luha ni Nenita.
“Sa aking Ate Nenita na patuloy pa rin sa pagkalinga sa amin na siyang tumatayong nanay at tatay naming magkapatid. Salamat sa lahat-lahat, ate. To all my fellow student's, tumayo kayong lahat. Puntahan niyo ang inyong mga magulang, yakapin niyo sila at pasalamatan sa kanilang mga sakripisyo sa bawat araw.”
Hindi pa rin ma ampat ang mga luha ni Nenita. Nanumbalik sa kanyang isipan ang mga hirap na pinagdaanan niya maitaguyod lang ang mga kapatid sa pag-aaral dahil wala namang pakialam ang kanyang mga magulang sa edukasyon.
Ngunit lahat ng mga hirap niya ay nalusaw nang magbunga ang mga pinagpaguran niya at hirap na dinanas. Hindi siya nagkamali na bigyan niya ng halaga ang edukasyon ng mga kapatid niya. Dahil hindi lang siya ang nagsusumikap, hindi lang siya ang may pangarap, kundi silang lahat na magkapatid.
“Congratulations… Proud na proud si ate sayo,” naluluha na wika ni Nenita at niyakap si Rona. Niyakap niya rin sina Ashly at Totoy na namumula ang mga mata dahil umiiyak rin ang mga ito kanina pa.
Dahil hindi nila magawa na mag-celebrate sa kanilang bahay, dinala ni Nenita ang mga kapatid sa mall. Kumain sila. Namili ng mga gamit. Gumala. Nagpakasaya.
Makita niya lang ang masayang ngiti sa labi ng mga kapatid, masaya na si Nenita. Iyon naman ang mahalaga sa kanya. Na kung anong ginhawa ng buhay ang dinanas niya dapat ay ganoon rin sa mga kapatid.
“Thank you, ate. Mahal na mahal ka namin.”
Ginulo niya isa-isa ang tutok ng ulo ng kapatid. “Mahal na mahal ko rin kayo.”
‘Hindi ko kayo pababayaan hangga’t hindi niyo pa naabot ang mga pangarap niyo’, dugtong ni Nenita sa isipan.
Bago sila umuwi, nag-grocery muna si Nenita para sa isang buwan na supply sa mga kapatid. Tuwang-tuwa naman ang mga ito. Bago umuwi sa mansyon, nagluto muna siya ng hapunan sa mga kapatid bago umalis.
Habang nakatingin sa mga kapatid, naisip ni Nenita na hindi muna siya aalis sa bahay ng mga Montefalco. Hindi niya muna uunahin ang pangarap niyang trabaho. Uunahin niya munang makapagtapos ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral bago ang trabahong pangarap niya.
Ngayon, hindi lang utang na loob ang dahilan kung bakit piliin niyang manatili sa mansyon. Dahil inaamin niya, hindi siya sigurado kung maging matagumpay ba ang maging desisyon niya kung sakaling maghahanap siya ng trabaho na nababagay sa kursong tinapos niya.
Malaki naman ang sahod niya sa mansyon. Sobra-sobra pa nga iyon kahit lahat ng gastos sa kanilang pamamahay ay sinasalo niya. Hindi pa naman koleheyo ang mga kapatid niya. Saka na siguro siya mag desisyon kung hindi na niya kaya ang mga gastusin.
Pero sa pagiging galante ng mga magkapatid sa kanya, sa tingin ni Nenita hindi siya maghihirap sa pagtustos sa mga kapatid dahil madalas binibigyan siya ng mga ito ng extra money na labas sa kanyang sahod.
Magdidilim na kaya kailangan na niyang umalis bago pa siya maabutan ng tatay niya.
–—---—-
“APAT na taon kang naroon sa bahay ng pamilyang iyon pero puro dismaya lang ang binibigay mo sa akin!” Nanlilisik ang mata sa galit na sigaw ng nito. “Hindi mo sinusunod ang utos ko! Sinusuway mo ako!”
"Bakit ko naman iyon gagawin sa pamilyang naging mabuti sa akin, Tay?” Malakas ag loob na sagot ni Antonnete sa kanyang ama. Ang nanlilisik na mata ng ama ay umaapoy na iyon ngayon. “Bakit ang pamilya na iyon ang sinisisi mo kung bakit ganito ang pamilya natin? Bakit ang pamilyang iyon ang palagi mong sinisisi at gustong sirain gayong ikaw naman ang may dahilan kung bakit ganito ang buhay mo ngayon, kung bakit nawalan ka ng magandang trababo noon—"
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Antonnete sa ama. Sa lakas niyon pakiramdam niya nabingi siya. Sa naka-awang niyang bibig sa gulat ay dumaloy doon ang dugo. Namanhid ang pisngi niya. Hindi niya magawang tumingin ulit sa ama sa gulat at takot.
"Wala kang alam! Wag mo akong pagsabihan dahil wala kang alam! " Mariin na usal ng kanyang ama habang pinagsasampal ang pisngi niya.
Hinayaan niya ang kanyang ama na saktan siya. Hindi siya pumalag, hindi siya nagsalita, tinanggap niya iyon lahat at hinintay sa magsawa ang ama sa pananampal sa kanya.
Nang tumigil ang kanyang ama, doon bumagsak ang mga luha ni Antonnete na kanina niya pa pinipigilan.
“Ate…”
Sa unang pagkakataon nasaksihan ng mga kapatid niya ang pananakit ng kanilang ama sa kanya. At sa unang pagkakataon, nakita niya ang bakas ng takot sa mukha ng mga ito.
Antonnete smiled at theme. “Ayos lang si ate. Wag kayong pasaway nang sa ganon hindi kayo sasaktan ni tatay.”
—---------_—------
WALA sa sarili si Nenita habang naglalakad pauwi. Iniisip niya parin ang mga kapatid niya. Nalilito rin siya sa desisyon na gagawin niya. Ayaw niyang iwan ang mga kapatid, pero iniisip niya, saan siya kukuha ng pera pang gastos nila sa araw-araw kung titigil siya sa trabaho?
“Argh!” nagpapadyak siya sa inis. Final na ang desisyon niya kanina na manilbihan parin sa mga Montefalco hanggang sa makatapos ang mga kapatid sa pag-aaral. Pero nang iwan niya ito kanina dahil kailangan na niyang uwumi sa mansyon, biglang nagbago ang isip niya.
Napasandal si Nenita sa bakal na gate ng makarating siya sa tapat ng mansyon. Ayaw niya munang pumasok gayong halata sa kanyang mukha na problemado siya. Ayaw niyang makita ang mukha ng mga tao sa loob ng bahay ang pag-alala ng mga ito sa kanya.
Ganoon kase ang kanilang nararamdaman sa tuwing uuwi si Nenita galing sa kanilang bahay. Kaya ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang mga ito. Alam kase niya na mang usisa ang mga ito at baka masabi niya ng biglaan ang naisip niyang desisyon kanina.
“Is there anyone inside?” isang baritonong boses ang pumukaw sa malalim niyang iniisip.
Bumaling ang tingin ni Nenita sa kanyang gilid nang may nagsalita doon. Napatanga si Nenita na napatingin sa lalaking kaharap. Isang matangkad na lalaki, gwapo, mabango. Ngunit may pagka strikto ang kanyang mukha. His hair brushed up, exposing his forehead.
"Tsk... " Napa iling ang lalaki at nilagpasan si Nenita na nakatulala sa kanya.
Doon lang natinag si Nenita nang sadyain siyang banggain ng lalaki ang kanyang balikat at binuksan ang gate na bakal.
"Yabang mo, a! " Hindi napigilan na usal ni Nenita nang mahimasmasan. Mukhang hindi iyon narinig ng lalaki kaya lalo siyang nainis. Parahabas na sinara niya ang bakal na gate nang pumasok siya sanhi ng malaking ingay kaya napaligon sa kanya ang lalaki. Masama ang tingin ang iginawad niya rito at mabilis ang hakbang na nilampasan niya ang lalaking naka kunot na ngayon ang makinis nitong noo.
‘Sino ba ang unggoy na iyon at parang isang hari kung umasta. Hindi niya naman pamamahay!’ Inis na usal ni Nenita sa sarili.