Chapter 8

1654 Words
Wala ang mag-ama kaya walang choice si Nenita kundi asikasuhin ang bisita na feel at home. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang rin ito nakita. Pabagsak na inilapag ni Nenita ang isang petsil na juice sa center table kung saan naka upo doon ang bwesita—este bisita. Ewan ba niya, wala namang ginawa ang lalaki sa kanya pero naiinis siya. Oo, gwapo siya, malakas ang karisma, pero hindi gusto ni Nenita ang facial expression nito na parang galit sa mundo. Ka lalaking tao ang taray ng mukha niya. "Hintayin mo na lang sila. Pauwi na raw—" "I know, " pagputol ng lalaki sa pagsalita niya. Nagpupuyos sa inis na tinalikuran niya ang lalaki. Sa kusina siya dumiretso at uminom ng malamig na tubig, pampakalma sa nag iinit niyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakasandal ito sa couch habang naka dikuwatro ang paa. At gumagala ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Sa pagtitig ni Nenita sa mukha ng lalaki, mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong at perpektong hulma ng panga, ay may pagkakahawig ito sa tatlong magkapatid na Montefalco. "Malakas lang ang karisma niya pero mas gwapo parin si Sir Enrico sa kanya," she said and rolled her eyes saka inalis ang tingin sa lalaki. Inabala ni Nenita ang sarili sa paghanda ng hapunan. Ngunit paminsan-minsan ay sinisilip niya ang binatang bisita sa sala. Ganoon parin ang posisyon nito sa couch. Ngunit bawas na ang juice at ang slice ng cake na hinanda niya para dito. 'Bagong style ba ngayon ang damit na suot niya? Korean turtleneck outfit kahit nandito siya sa Pilipinas?’ Curious na tanong niya sa sarili nang suriin ng tingin ang buong kabuuan ng binata. 'Ang init-init kaya. ' Piniling niya ang ulo at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Iniisip niya rin kung ka ano-ano ito ng magkapatid na Montefalco. At kung bakit ngayon niya lang ito nakita. Sa ilang taon niya kasi rito sa mansyon, halos lahat ng miyembro ng angkan ay nakita at nakilala na ni Nenita. Tanging ang bisita na ito ngayon ang hindi pamilyar sa kanya. Pinatay niya ang kalan nang marinig ang pagbukas ng pinto. Alamin niya sana kung sino ang dumating nang marinig niya ang boses ni Don Emmanuel. May bakas iyon ng gulat at tuwa nang makita ang kanilang bisita. "King, your here, " ani Don Emmanuel nang maabutan ang binata na prenteng naka upo sa couch. Tumayo si King upang salubungin ng yakap ang matanda. "How are you, Tito? Pogi parin natin, a. " Napahalakhak si Don Emmanuel. Umakbay siya kay King at giniya ang binata sa kanyang opisina. Nag iisang anak ito ng kanyang pinsan na si Christof Montefalco. Matagal na niyang hindi nakita ang binata kaya ganoon nalang ang tuwa niya nang malaman na umuwi na ito dito Pilipinas. Ilang minuto ang lumipas magkasunod na dumating ang tatlong magkakapatid sa loob ng opisina ni Don Emmanuel. Katulad ng kanilang ama, nagulat rin ang mga ito ngunit bakas sa mukha ang tuwa at saya na narito sa kanilang harapan ang kanilang pinsan. "Kailan ka pa dumating? " ani Enrico kay King. "Kaninang madaling araw. Sa haba ng biyahe buong maghapon ako nakatulog. Dito na ako dumiretso pagka gising ko kanina, “ aniya. “Ikakasal ka na ba kaya ka umuwi? “ tanong ni Javier na nagpahalakhak kay King. “Nah, wala iyan sa plano ko, “ pa ingos na sagot ni King. “I have a lot of things to settle first. I will discuss it soon. “ Saglit pa silang nagkwentuhan bago bumaba dahil gabi na at oras na ng hapunan. “Dito ka na mag dinner,” saad ni Enrico. “Para makilala mo din si Nenita.” Saktong lumabas ni Nenita sa kusina at narinig niya ang kanyang pangalan. Hindi niya napigilan ang pagkunot nang noo sa pagtataka kung bakit naibanggit ni Enrico ang pangalan niya sa binatang kaharap. 'Sinisiraan niya ba ako? ' tanong ni Nenita sa sarili. Natigilan si Nenita nang magtagpo ang mga mata nila ni King. Wala naman siyang ginawang kasalan pero kinabahan siya at hindi malaman ang gagawin. Samantala si King ay seryoso at walang bakas na kahit anong emosyon ang mga mata na sinusuri ng tingin si Nenita. “Is she?” pormal na tanong niya kay Enrico hindi inalis ang tingin kay Nenita. “Kasambahay niyo siya? Hindi ba kayo ma bantay bata 163 sa kanya?” Hindi napigilan ni Don Emmanuel ang matawa sa komento ng pamangkin. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay nabulunan ng sariling laway at natawa rin. Si Javier ay malakas ang tawa na lumapit kay Nenita na naka awang ang bibig sa hindi inaasahan na narinig mula kay King. Nang umakbay si Javier kay Nenita, doon lang nahimasmasan ang babae at nagpipigil ng inis na huwag patulan si King. “Height niya lang ang pambata,” natatawa na usal ni Javier. “Pwede na nga ito mag-asawa, e.” “Oh, I see. Sorry my bad,” paghingi nito ng despenda at inalis ang tingin kay Nenita. Ngunit hindi ramdam ni Nenita ang sinseridad ng pagsabi niya no'n. Timping-timpi na si Nenita na sagutin si King. Kung wala lang ang mag-ama ay baka nasapak na iya ito sa subrang inis niya sa lalaki. Bawat salita at pagbuka ng bibig ni King ay kumukulo ang dugo niya. Napansin iyon ni Javier kaya nilihis niya ang usapan. “Nakapaghanda ka na ba ng dinner?” Lihim na humugot ng isang mamalim na paghinga si Nenita saka itinuon ang atensyon kay Javier. “Opo, nakahanda na.” “Baka lumamig na ang pagkain, maghapunan na tayo.” ani Don Emmanuel at nagpatiuna sa paglakad. “Pasensya na po hindi ako makasabay,” nahihiya na usal ni Nenita. “Kumain na kasi ako sa amin bago umuwi dito kanina.” “Sige, magpahinga ka na, hija.” ani Don Emmanuel. “Kumain ka na lang mamaya kapag nagutom ka.” “Opo,” aniya at nagpaalam rin sa magkapatid maliban kay King na kahit sulyap ay hindi niya binigyan ng pansin. Nang makapasok sa kanyang kwarto ay agad siyang nahiga sa kama. Ngayon niya ulit naramdaman ang pangulila sa mga kapatid. Bumabagabag na naman sa kanyang isipan ang mga desisyon na kailangan niyang gawin. Pinikit niya ang mga mata baka sakali kapag ginawa niya iyon ay mawala rin ang mga alalahanin niya. Pero kahit anong pag pikit ang gagawin niya, tila bangungot na iyon sa kanya. Buntonghininga na bumangon siya. Para mawala iyon sa kanyang isipan, inabala niya sa ibang gawain ang sarili. Naglinis siya sa kanyang kwarto. Mga gamit niyang hindi na niya ginagamit ay niligpit niya. Hindi niya ito maibigay sa mga kapatid na babae sa kadahilanang nahihiya siya dahil ang lahat ng mga iyon ay bigay ng magkapatid at ni Don Emmanuel. Gutom at pagod siya nang makatapos. Kaya naisipan niyang lumabas para kumuha ng makakain. Wala siyang gana kumain. Iyon ang totong dahilan niya kanina kaya hindi siya sumama sa hapunan at nag alibi na busog siya. Tahimik na ang buong paligid. Siguro ay tulog na mga kasama niya. Nang tingnan niya ang oras, alas-diyes na ng gabi. Kaya pala nakaramdam siya ng gutom ay dahil malalim na pala ang gabi. “Pusang gala!” napatakip sa bibig na hiyaw niya sa gulat nang muntik na silang magkabungguan ni King sa paanan ng hagdan. Hindi niya napansin ang pagbaba ng lalaki. Akala niya umuwi na ito dahil ang tahimik na ng paligid. Nandoon pala ito sa taas galing at siguro kasama niya ang mag-ama. Hindi niya pinansin ang lalaki. Siya na ang umiwas ng daan dahil walang balak ang lalaki na gumalaw sa kanyang kinatayuan. “Wait…” Kusang huminto ang mga paa ni Nenita nang marinig ang maaligasgas na boses ni King. Ngunit hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatalikod sa lalaki at hinihintay ang susunod nitong sasabihin. Her heart pounding loudly. Nervous when she heard King’s footsteps closer to her. Mariin siyang napalunok nang huminto si King sa kanyang harapan. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Hindi siya makapagsalita at tila nawalan ng sasabihin sa lalaki. “What happened to your face?” kalmado na tanong ni King ngunit pakiramdam ni Nenita ay pinagpawisan siya sa subrang kaba at bilis ng kabog ng kanyang dibdib. “H-ha?” Napakislot siya nang dumampi ang malambot at mainit na palad ni King sa kanyang baba. Titig na titig si King doon na siya namang ipinagtaka ni Nenita. Iiwas sana siya nang marahan na humaplos ang hinlalaki ni King sa kanyang pisngi. “Na pa’no ‘to? Bakit namamaga?” tukoy ni King sa pisngi ni Nenita. Nakatulala lang si Nenita habang nakatingala sa mukha ni King. Wala siyang masagap na salita. Ni hindi niya masagot ang tanong ng binata. Nabigla siya sa ginawa ni King. Nagtataka rin bakit napansin ng lalaki ang pamamaga ng pisngi niya. “Tinatanong kita,” muling wika ni King. Doon nahimasmasan si Nenita. Tinabig niya ang kamay ng lalaki. “A-ano naman ang pakialam mo? At saka, wag mo nga ako hawakan! “ pagalit na usal niya at tuluyang tinalikuran ang lalaki. Malaki ang hakbang na tinungo niya ang kitchen. Nagsalin kaagad siya ng tubig at nilagok iyon. Ngunit hindi parin bumabalik sa normal ang t***k ng kanyang puso. Muntik na siyang mawalan ng balanse nang makita niyang sumunod si King sa kanya. Ngayon hindi lang seryoso ang mukha nito, magkasalubong na ang kilay at naka igting ang panga. Nilagpasan niya si Nenita at nagkalkal sa cabinet. Nang makita ang hinahanap, ice cube naman ang kanyang kinuha. Inilagay niya iyon sa ice bag compress bago hinarap si Nenita. Maingat niyang idinampi iyon sa pisngi ni Nenita na namaga. “Don't you know how to treat yourself? “ pagalit na tanong ni King na ikinatulala ni Nenita. Muntik pa siyang mabuwal sa kinatayuan sa concern na pinapakita ni King sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD