Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Nenita sa narinig kay King. Naging triple ang lakas nang kabog ng kanyang puso at nakatulala sa mukha ng lalaki. Hindi niya mapigilan na mag assume na siya ang gustong makita ni King dahil sa kanya nakatingin ang lalaki nang sabihin nito ang katagang iyon. Bahagyang tumabingi ang ulo ni King. Ngunit nanatiling payak at kalmado ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Nenita ng matubuan ng hiya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. Ibinaling ni King ang atensyon kay Enrico. "Tungkol doon sa sinabi ni Tito kagabi," aniya. "I see. Tara sa loob, " ani Enrico at umakbay sa pinsan. "Mag agahan muna tayo bago ko ipakita yung blue print sayo. " Napahiya na kinastigo ni Nenita ang sarili. Umiwas ng tingin si Nenita at ibinaling s

