Chapter 11

1666 Words

Tatlong araw na ang nakalipas nang mag walk out si King sa kalagitnaan ng pananghalian nila. Tatlong araw na rin itong hindi nakita ni Nenita. Hindi na ito nagpunta pa ulit sa mansyon. Walang pakialam ang mag-ama siguro ay dahil alam nila ang rason kung bakit walang King na nagpakita. Ayos iyon kay Nenita, nang sa ganun ay walang nanggugulo at nag-aasar sa kanya. Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Nenita bago bumangon. Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Ang dahilan, ay dahil bumabagabag sa isipan niya ang reaksyon ni King noong huli niya itong nakita. Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Imbis na bumalik sa kanyang silid, dinala siya ng kanyang mga paa sa likod ng bahay, doon sa harap ng flower garden. May metal table and cha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD