Nagising si King na masakit ang leeg at likod. Nagtataka siya na wala siya sa kanyang silid pagkamulat nito. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang maalala na umuwi pala siya na lasing kagabi. Naparami ang inom nila ni Enrico habang nag-uusap tungkol sa negosyong pinaplano ni King. Dumating rin kasi si Javier kaya napasarap sila sa pag-uusap at humantong sa pagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Inawat siya ng magkapatid na huwag nang umuwi ngunit nagpupumilit siya. Maayos naman siyang nakalabas ng mansyon, kaya lang sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay bigla siyang nahilo at naka ilang beses na natumba nang sinubok niyang maglakad pauwi. Hanggang sa hindi niya napansin na maling daan na pala ang tinatahak niya. Inunat niya ang katawan at pinatunog ang leeg hanggang sa maibsan ang

