EIDE
Gulong-gulo ang isipan ko nang bumalik ako sa loob. Pagpasok ko, hinanap ko agad ang bag ko. Nakita ko ito sa upuan. Naghalungkat agad ako dahil baka may nawala sa mga gamit ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil nandito pa naman ang cellphone at card ko.
Umupo ako. Binalikan ko sa isipan ko ang nangyari bago ako napunta rito. Nakipagkwentuhan ako sa mga kasama ko, pagkatapos, natulog ako. Paggising ko, nandito na ako. Gaano kalalim ang tulog ko at hindi ko man lang naramdaman na may nagbuhat sa akin? At saka, nasaan na ang mga kasama ko?
Bigla akong nahiya sa isiping binuhat ako hanggang sa makarating dito. Mayamaya lang ay napatingin ako sa nakatabing na puting kurtina, sa bandang gilid ng higaan. Hindi ganoon kakapal ang tela kaya tumagos ang mata ko sa likod nito. Tumayo ako at naglakad palapit sa kurtina. Habang palapit ako dito, naririnig ko ang hampas ng alon. Paghawi ko ng kurtina, napanganga ako sa nakita ko.
The door, made of sliding glass, allows a clear view of the sea from here. Binuksan ko ang sliding door at pumunta sa balkonahe. Saka ko lang napagtanto na nasa loob ako ng cabin.
Sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin. Hapon na, kaya nanunuot na ang lamig sa katawan ko. Pumikit ako at sinamyo ang sariwang hangin. Totoo nga ang sinabi ng lalaki na nagbigay sa akin ng flyers, mukhang ma-eenjoy ko nga ang isla na ito.
Pumasok akong muli at kinuha ang cellphone ko. Tatawagan ko si Boss Dex. Aalamin ko rin kung nakuha na ba nina Yano at Jeck ang motorsiklo ko. Isang ring pa lang ay sinagot na agad ni Boss Dex ang tawag ko. Labis talaga ang pag-aalala niya sa akin.
“How are you, Eide?”
“I'm fine, boss. Nandito ako sa—”
“Don't say it. Mas mabuting hindi ko alam kung nasaan ka,” putol nito sa sasabihin ko. “Umalis na pala kami roon sa resthouse. Sasabihin ko na lang sa ‘yo kung saan tayo lumipat kapag pabalik ka na dito.”
Hindi ko napigilang magpakawala ng buntong-hininga. Dahil sa ginawa ko, pati sila ay naapektuhan. Kung sino man ang nakakuha ng wallet ng lalaking iyon, sana ibalik na sa kanya para makabalik na rin kami sa normal.
“I'm sorry, boss. Dahil sa kagagawan ko, pati kayo ay naapektuhan.”
“Don't blame yourself, Eide. Basta hintayin mo na lang ang signal ko, okay? Hindi rin muna kami magtatrabaho ng ilang linggo. Mabuti na rin iyon para mahaba ang pahinga. Ang unfair naman kung ikaw lang ang magpapahinga, ‘di ba?” sabi nito at sinabayan ng mahinang tawa.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam kong nagpapanggap lang si Boss Dex na hindi siya naapektuhan sa nangyari. Ayaw lang niyang mag-alala ako, lalo na't malayo ako sa kanila. Kahit istrikto at seryoso siya pagdating sa trabaho, mahaba naman ang pasensya niya sa amin, bagay na isa rin sa mga ugali na sobra kong hinangaan sa kanya.
“Nakuha na pala ng dalawa si Saviour. Pinaayos na rin nila ang gulong. Mukhang pinagtripan ang motorsiklo mo kaya naflat ang gulong.”
Natigilan ako sa sinabi nito. May nangtrip?
“Ano’ng ibig ninyong sabihin, boss?”
“Ang sabi kasi ng tao sa vulcanizing shop, halata raw na sinadyang butasin ang gulong ng motorsiklo mo,” paliwanag nito.
Kaya pala nagulat ako nang makita ko na biglang flat ng gulong ng motorsiklo ko, samantalang wala naman itong problema bago ako pumasok sa convenience store. Mga wala sigurong magawa sa buhay, kaya pati ang nananahimik kong motorsiklo ay pinagkatuwaan.
“Pakisabi na lang, boss, sa dalawa na salamat. Babawi na lang ako sa kanila pagbalik ko.”
“Makakarating, Eide. Huwag mo na kaming alalahanin dito. Just enjoy your vacation, okay?”
Napangiwi ako. Hindi naman ako nagbabakasyon—kundi nagtatago ako.
“Yes, boss.”
“Okay, sige. Ingat ka riyan. Bye—”
“Boss, sandali,” pigil ko rito bago tapusin ang pag-uusap namin. “May itatanong lang sana ako.”
“What is it?”
Huminga ako ng malalim. “Ano'ng pangalan ng taong naghahanap sa akin?”
Namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan ni boss sa mga oras na ito?
“Alam ko kung ano ang iniisip mo, Eide. Kahit i-search mo ang pangalan niya sa internet, hindi mo makikita na nakakalat ang mukha niya sa social media. He is a very private person. Kahit ang mga magulang niya ay mo makikita na lumabas sa mga balita. Ayaw nilang binabalandra ang mukha nila sa publiko. I learned that he is searching for you because he instructed someone to share the information. Kaya pinalayo kita dahil baka hindi natin alam, kaharap mo na pala siya ng wala tayong kamalay-malay,” paliwanag nito sa akin.
Binibigyan na agad niya ako ng babala na ‘wag kong alamin kung sino ang dinukutan ko dahil baka pagsisihan ko sa bandang huli kapag nalaman ko. But I'm Eide, and I'm stubborn and driven by curiosity.
“I still want to know, boss.”
Narinig ko ang marahas na pagbuga nito ng hangin. “Matigas talaga ang ulo mo,” tila sumusuko na sabi nito. Galing na rin mismo sa bibig niya na matigas ang ulo ko. “He is Travis Vittori. Consider this your warning—Travis Vittori is dangerous, Eide. Hindi mo gugustuhin na makaharap ang isang Vittori. Kaya kung sino man ang nakakuha ng wallet niya, simulan na niyang magdasal ng Ama Namin.”
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip pagkatapos kong makipag-usap kay Boss Dex. Despite his warning about Travis Vittori, I was overcome with curiosity regarding Boss Dex's statement.
“Sino ka nga ba Travis Vittori?” usal ko.
Naligo muna ako bago lumabas ng cabin. Hindi pa bayad ang cabin, kaya babayaran ko muna bago ako maghahanap ng kainan. Sobrang haba ng tulog ko, kaya nakaramdam na ako ngayon ng pagkalam ng sikmura.
Pumunta ako sa reception area. “Hi, I'm Eide. Tumawag ako dito kaninang umaga. Hindi ko pa kasi nababayaran ang cabin. Magkano ang babayaran ko?”
“Good afternoon, ma'am. Ilang araw po kayo sa isla?”
Nag-isip ako. Hindi rin ako sigurado kung ilang araw ako dito.
“Ano nga ulit ang pangalan ninyo, maam?”
“Eide.”
May tiningnan ito sa computer. Mayamaya lang ay lumiwanag ang mukha nito. “I'm sorry, ma'am. Wala na po pala kayong babayaran.”
Natigilan ako sa sinabi nito. Alanganin akong ngumiti. Medyo naguguluhan ako sa proseso nila dito.
“Paanong wala na akong babayaran, Miss? Ang totoo niyan, hindi ako sigurado kung ilang araw ako dito. Pero ang babayaran ko lang muna sana ay pang-isang linggo,” paliwanag ko.
“Okay na po, ma'am. Isa po kasi kayo sa mapalad na nabigyan ng free accommodation dito sa isla.”
Nagulat ako sa sinabi nito. “Ang ibig mong sabihin, wala akong babayaran kahit magtagal ako dito ng ilang linggo?” hindi makapaniwala na tanong ko.
Malawak na ngumiti sa akin ang babae. “Yes, ma'am. Have a wonderful vacation on L'Isola Della Morte.”
Mag-eenjoy talaga ako dahil libre pala ako dito. Akalain mo nga naman, kahit wala ito sa plano, mukhang blessing in disguise pa ang nangyari kagabi. Kapag sinuswerte nga naman.
May naka-display na brochure, kaya kumuha ako ng isa. Nandito lahat nakalagay ang mga pwedeng puntahan sa isla. Pero bago ‘yon, maghahanap muna ako ng kainan dahil nagugutom na talaga ako.
Napansin ko na halos kulay puti ang lahat ng makikita dito sa isla. Kahit mga cabin dito ay kulay puti lahat. Parang ginaya ang landscape ng islang ito na hindi ko maalala kung saang bansa.
Nakakita ako ng malapit na kainan sa cabin na tinutuluyan ko. Para itong cottage, pero kapag pumasok sa loob, para kang nasa class restaurant. Halos karamihan yata na nandito ay mga dayuhan. At saka, ang sasarap nila—I mean, mukhang masarap ang pagkain nila dito.
Hindi uso dito na waiter ang lalapit sa customer para kunin ang order. Self-service ang kainan at makikita agad ang mga pagkain na pagpipilian. Parang karinderya na pinasosyal ang kainan na ito.
Hindi ako kumuha ng marami dahil baka hindi ko maubos. Kumuha lang ako ng sapat para sa akin. Pagkatapos magbayad, pumuwesto ako sa sulok, malapit sa bintana para tanaw ko ang dagat.
Kinuhanan ko ng larawan ang pagkain, maging ang magandang tanawin na tanaw ko mula dito sa pwesto ko. Pagkatapos, pinadala ko ito sa group chat ng grupo.
Nagsimula na akong kumain, at hindi ako nagkamali dahil hindi lang ang mga dayuhang customer ang masarap, kundi maging ang mga pagkain.
Pagkatapos kong kumain, lumabas na agad ako. Hindi pa ako bumalik sa cabin dahil naglakad-lakad muna ako. Malapit nang kainin ng dilim ang liwanag, kaya hihintayin ko na lang na sumapit ang gabi.
Sa paglalakad ko, napunta ako sa dulo ng baybayin at nakita ko ang malalaking tipak ng bato. Tinanggal ko ang tsinelas na suot ko at umakyat sa bato. Sa likod ng malaking bato, may mataas na bakod na yari sa putol-putol na mga sanga, bago ang tila patungo na sa gubat. May mga nakapalibot din na barbed wire dito.
Napalingon ako nang may pumito. “Miss, restricted area na ‘yan. Bawal ang mga turista riyan,” sabi ng lalaki at sumenyas na bumaba ako. Staff yata siya sa isla.
Tinulungan niya akong bumaba sa batuhan. Wala naman talaga akong balak na pumunta roon dahil bukod sa gubat na ito, malapit na rin dumilim ang paligid. Parang maganda kasing pumuwesto sa taas ng bato habang naghihintay na lumubog ang araw.
“Huwag ka nang pupunta dito, Miss. Baka mapagalitan kami ng may-ari ng isla dahil hinayaan namin na may turista ang pumunta rito.”
“Sa bato lang naman ako,” katwiran ko pa.
“Kahit na, Miss.”
Hindi na ako nakipagtalo. Sinamahan na rin niya akong maglakad para siguraduhin hindi na ako babalik. Pumuwesto ako ng upo sa isang beach chair at hinintay na lumubog ang araw. Pagkatapos ay bumalik ako sa cabin. Nagpalipas ako ng oras sa balkonahe. Hinintay ko na antukin ako. Mayamaya lang ay napansin ko na parang may bonfire hindi kalayuan sa cabin. Mukhang may nagpe-perform roon.
Hindi pa naman ako inaantok, kaya lumabas ako ng cabin at pinuntahan ang nakita kong bonfire. Natuwa ako nang makita ang isang lalaki na nag-e-exhibition ng apoy. Hindi ko napigilang pumalakpak dahil sa galing ng performance nito. Mayamaya lang ay may lalaking huminto sa harap ko. May dala siyang tray at nasa ibabaw ang iba't ibang inumin. Parang mga inumin ito sa bar.
“Free drinks?” Ang kapal talaga ng mukha ko. Libre na nga ang cabin ko, gusto pang malibre sa inumin.
“Yes, ma'am.”
Natuwa ako, kaya kaagad akong kumuha ng inumin. Tinikman ko muna dahil baka hindi ko magustuhan ang lasa. Kahit hindi ito gaanong mapait, may sipa pa rin. Gumuguhit pa nga sa lalamunan ko ang lasa nito.
“Are you alone?” Napatingin ako sa nagsalita. May tumabi sa aking lalaki.
“Yeah,” sagot ko. Wala naman talaga akong kasama. Kung magtatagal ako dito, dapat ay may nakakausap din ako. Para may kasama rin ako kapag gusto kong mamasyal sa isla.
“Can I join you?”
Ngumiti ako. “Oh, sure. No problem.”
“By the way, I'm Larry.”
“Eide.”
Pagkatapos magpakilala sa isa't isa, nagkwentuhan kaming dalawa habang nanonood sa nagpe-perform. Naaliw ako dahil masarap siyang kausap. Ilang araw pa lang daw siya rito. Katulad ko ay mag-isa lang din siya.
Hanggang sa hindi sinasadyang may nahagip ang mata ko. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang lalaking nakatayo sa bandang likuran ng mga turistang nanonood.
Medyo madilim sa pwesto niya, kaya hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya. At kahit may nakaharang sa kanya, ay kapansin-pansin pa rin siya dahil sa tangkad niya. I couldn't tell who he was looking at—what I'm sure of is that his eyes held no emotion; his gaze was cold.
“May gagawin ka bukas?” tanong ni Larry.
“Wala naman.”
“May alam akong pwedeng puntahan bukas. Gusto mo bang sumama?”
“Sure. Saan tayo magkikita?”
“Ihahatid na lang kita mamaya sa cabin mo para bukas, alam ko kung saan ka pupuntahan. Kung okay lang sa ‘yo.”
“Walang problema sa akin,” sang-ayon ko. Mukha naman siyang mabait. Kung may masama man siyang gawin sa akin, alam ko kung paano ipagtanggol ang sarili ko.
Muli kong binalikan ng tingin ang lalaki, pero hindi ko na ito nakita kung saan ito nakatayo. Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang lalaking namimigay ng inumin. Sa pagkakataong ito, isa na lang ang dala nito. Kinuha niya ang baso na hawak ko dahil wala na itong laman at binigay ang dala niya.
“Thank you,” sabi ko at kaagad itong ininom. Mas masarap ito kumpara sa unang ininom ko, kaya suno-sunod ang lagok ko. Sa gilid ng mata ko, napansin kong umalis sa tabi ko si Larry, ngunit nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa nagpe-perform.
Makalipas ang ilang sandali, naramdaman kong umikot ang paningin ko. Nahihilo ako. Sinulyapan ko ang katabi ko para sabihing babalik na ako sa cabin ko, pero wala pa rin siya sa tabi ko. Wala akong nagawa kundi piliting tumayo kahit umiikot ang paligid ko.
Nagtagumpay ako at nagawa kong hawiin ang mga tao para makadaan ako. Hanggang sa bumigay ang tuhod ko. Pero bago ako bumagsak sa buhangin, may sumalo sa akin. Lalong umikot ang paningin ko nang binuhat niya ako. Sinubukan kong aninagin ang mukha nito, pero hindi ko makita dahil bukod sa madilim, nanlalabo ang paningin ko.
Hindi ko alam kung cabin ko ang pinagdalhan niya sa akin dahil parang wala na ako sa huwisyo. Madilim din ang loob bagay na hindi ako sanay na walang ilaw kapag nasa loob ako ng kwarto.
“L-light. T-turn on the light,” utos ko. Pero lumipas na ang ilang segundo, wala pa ring nagbukas ng ilaw. Mayamaya lang ay naramdaman kong parang may dumampi sa leeg ko. “A–ano’ng ginagawa mo?”
“I'm just marking what's mine,” sabi niya, at sigurado akong hindi boses ni Larry ang nagsalita. Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman ko na ang tila pagsipsip nito sa leeg ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.