Chapter 31 Mr. Vittori

2318 Words

EIDE Magkakaharap na kami ni Travis Vittori. Ito naman ang gusto ko, ang malinis ko ang pangalan ko sa kanya, pero pinipigilan lang ako ni Boss Dex. Hindi ko na dapat palampasin ang pagkakataon. Pero teka, basta lang sila pumasok? Hindi ba sila marunong tumawag sa labas ng gate? “Pwede ko ba munang hintayin na dumating ang inorder kong pagkain? Hindi pa kasi ako kumakain.” “Ayaw ni boss na pinaghihintay siya,” seryosong sabi ng isang lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ako sasama hanggang hindi dumadating ang pagkain ko. At saka, hindi pa bayad ‘yon. Kawawa naman ang rider kung siya ang magbabayad.” Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Mukhang naintindihan ako ng isa, kaya tinanguan niya ang kausap ko. Binalik ng lalaki ang atensyon niya sa akin. “Fifteen minutes, Miss Eide.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD