EIDE His tongue plunged into my mouth, exploring every corner. Gusto kong magprotesta, pero iba ang sinasabi ng katawan ko. “Bilisan ninyo riyan. Bawal ma-late,” paalala ni Vien sa kanyang mga kasama. Mayamaya lang ay narinig ko na ang mga yabag palayo. Nagkaroon ako ng pagkakataon na itulak na ng tuluyan si Travis. Hindi na rin kasi ako makahinga sa ginagawa niya. “Wala na sila. Lumabas na tayo.” Mabilis akong umalis sa harap niya. Hindi ko alintana ang tila pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan niya ako sa braso at hinila palayo dito. Gumawa ng ingay ang pagsandal niya ulit sa akin sa pader. “Trav, lumabas na tayo. Kapag nalaman nila na magkasama tayo dito, malaking eskandalo ito, lalo na sa ‘yo,” paalala ko sa position niya sa kumpanya.

