CHAPTER 1

947 Words
“CELESTE! Saan ka na naman galing? Wala ka na bang dadalhin sa bahay na ito kundi sama ng loob at konsumisyon?” malakas na boses ni Papa. Lihim kong pinaikot ang aking mga mata. Halos araw-araw, tuwing uuwi ako nang late, ganito lagi ang bungad sa akin. “Papa, wala akong ginagawang masama, okay?” “Wala? May nakakita sa'yo, kasama ng mga barkada mo na walang yatang mga pangarap sa buhay!” “That’s not fair! Hindi mo sila kilala para husgahan mo, Papa!” malakas na boses na sagot ko. Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Halos mabingi ang aking tenga! “August!” malakas na sambit ni Mama. “Hindi mo kailangang pagbuhatan ng kamay ang anak mo!” “Sumusobra na ang batang iyan! Hindi ko alam kung saan ako nagkulang… Sana.. sana hindi na lang—” “August! Don't you dare say it!” May babala sa tinig ni Mama. “See? Are you happy now, Celeste?” nanunuyang baling ni Papa sa akin. “Ikaw ang nagdadala ng gulo sa pamamahay na ito!” Sabi nito bago ito tumalikod. Bumaling ang tingin ni Mama sa akin. “Go to your room… lagyan mo ng yelo ang pisngi mo para hindi mamaga…” Pagkasabi noon, tinalikuran na rin ako para sumunod kay Papa. Naiwan ako sa gitna ng sala, hawak ang nasaktang pisngi. That Evening… Hindi ako lumabas ng aking silid kahit na tinawag ako ng aming katulong para kumain ng hapunan. Ayokong muling salubungin ang galit ni Papa. Dahan-dahan kong idinikit ang yelo sa aking pisngi. Mahapdi pa rin. Hindi ko alam kung dahil sa sampal… o sa mga salitang mas masakit pa doon. Maya-maya— nakarinig ako ng mahihinang katok, kasunod noon ang marahang pagbukas ng pinto. Hindi ko na kailangang tumingin. Iisa lang naman ang taong kumakatok sa aking silid— si Ate Rocky. “I heard what happened…” bungad nito sa malambing at maingat na boses. Napapikit ako sandali bago napabuntong-hininga. “Si Papa kasi…” sagot ko, halos pabulong. Parang batang nagsusumbong. Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama ko. Maingat niyang hinawakan ang kamay kong may hawak na yelo. “Tingnan ko nga…” Marahan niyang inangat ang baba ko para makita ang pisngi ko. “Ang pula ah, masakit ba?” mahina niyang sabi, may halong lungkot. “Sanay na ako,” pilit kong biro, pero hindi ko naitago ang bigat sa boses ko. Hindi siya agad nagsalita. Hinaplos niya lang ang buhok ko—gaya ng ginagawa niya noong mga bata pa kami. “Saan ka ba kasi galing?” tanong niya, mahinahon. Walang galit. Walang paghuhusga. Napatingin ako sa kanya, pero agad ding umiwas. “Hindi mo rin ako maiintindihan…” sagot ko. Hindi ko alam kung bakit, pero mas madaling sabihin iyon kaysa ipaliwanag ang lahat. Ngunit sa halip na mainis— Ngumiti siya. Yung tipong ngiti na parang kilala na niya ako nang buo. “Remember,” mahina niyang sabi, sabay dampi ng noo niya sa akin, “tayong dalawa ang magkakampi, ‘di ba?” Parang may kung anong kumalas sa dibdib ko. Unti-unti akong napangiti, kahit may luha na namumuo sa mga mata ko. “Di ba ikaw ang nagsabi niyan sa akin noon?” dagdag pa niya. Napahikbi ako nang mahina, bago marahang tumango. “Then tell me,” bulong niya. “Maiintindihan kita….” Saglit akong nag-atubili. “Galing ako sa outreach…” mahina kong pag-amin. “May mga batang hindi pa rin marunong magbasa… ang saya nila kahit mahirap ang buhay nila…” Tahimik siyang nakinig. “Then?” tanong niya, tila hinihikayat pa akong magkuwento. “Gusto ko… gusto kong maging guro,” mahina kong sabi. “Hindi abogado. Hindi katulad ninyo nina Mama at Papa…” Kinakabahang sabi ko. Pero hindi siya nagbago. Hindi siya nagalit. Sa halip—mas lalo siyang ngumiti. “Alam ko.” Napatingin ako sa kanya, nagulat. “Alam mo?” Tumango siya. “Matagal na.” “Hindi ka galit?” “Bakit ako magagalit?” mahinahon niyang sagot. “Pangarap mo ‘yan.” “Pero sila—” “Sila ‘yon,” putol niya, ngunit malambing pa rin ang tono. “Ako, ikaw ang pinipili ko.” Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Hindi ko namalayang niyakap ko na pala siya. Mahigpit. Parang ayaw ko na siyang bitawan. “Thank you, Ate…” mahina kong sabi. Gumanti siya ng yakap, mas mahigpit pa. “Always,” bulong niya. “Andito lang ako.” “Teka lang!” bigla itong bumitaw at may dinukot sa bulsa. “Here…” kinuha nito ang palad ko at inilagay sa akin ang isang kwentas na may palawit na puso. Binuksan ko ang palawit na puso at nakita ko ang larawan ni Ate Rocky sa loob. “Diyan sa kabila, ilagay mo ang iyong larawan, para kahit saan ka pumunta, alam mong kasama mo ako…” Namasa ang mata ko habang nakatingin sa bagay na nasa palad ko. Hinaplos ko ang pusong pendat. Napakunot ang aking noo dahil may nasalat akong naka-engrave. ‘CELESTE’ hindi ito basta-basta makikita kung hindi susuriin nang mabuti. Ilang saglit pa, may inilabas siyang isa pang kuwentas na parehong-pareho sa binigay niya. “See? Twinning tayo,” nakangiting sabi ni Ate. At katulad ng sa akin, may naka-engrave din itong pangalan. ‘ROCKY’ Sa mga sandaling ’yon, kahit ilang sampal pa ang matanggap ko mula kay Papa, basta nasa tabi ko si Ate Rocky —ayos lang. Alam kong may mga bisig akong matatakbuhan. May isang tao na hindi ako huhusgahan — isang kakampi. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD