bc

CELESTE'S DIARY

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
billionaire
second chance
arrogant
mafia
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Celeste Santos, lihim na umibig sa maling lalaki, gumawa ng mapangahas na hakbang para lamang makuha ang lalaking iniibig — si Liam Rodrigo, ang kasintahan ng kanyang nakatatandang kapatid.

“I never thought you’d stoop this low just to get what you want.”

“Liam—”

“I’ll marry you! But don’t expect me to love you the way I love Rocky. Hinding-hindi mo makukuha ang puso ko!”

Nagsama bilang mag-asawa sa ilalim ng pilit na sitwasyon — ngunit hindi pagmamahal ang nakuha niyang sukli, kundi malamig na pakikitungo at pagkamuhi.

Sa takot na tuluyang masuklam sa kanya ang asawa, umalis si Celeste bitbit ang lihim na hindi niya nais malaman nito.

Handa na ba niyang talikuran ang lalaki para sa kaligayahan ng kapatid?

Paano kung muling magkrus ang kanilang landas?

Paano kung matuklasan ni Liam na ang babaeng nagligtas sa kanya noon ay ang babaeng kinamumuhian niya ngayon?

chap-preview
Free preview
SIMULA
“WALA na po ba talagang ibang option, Dok?” Halos mapunit ang tinig ni Atty. August Santos sa gitna ng sterile na katahimikan ng silid. Amoy antiseptic ang hangin, malamig, at tila walang puwang para sa pag-asa. Sa kabilang kama, nakahiga ang apat na taong gulang na si Raquel “Rocky” Santos—maputla, mahina, at nakakabit sa mga makinang nagbibigay buhay sa kanya. “I’m sorry, Atty. Santos,” maingat na sagot ng doktor. “Sa kasalukuyang kondisyon ng inyong anak, ang pinakaepektibo at tanging curative treatment ay isang hematopoietic stem cell transplant o bone marrow transplant.” Napahikbi si Atty. Loren Santos, agad tinakpan ang bibig upang pigilan ang pagluha. “Paano… paano kami makakakuha ng bone marrow para sa anak namin?” Basag ang boses na tanong niya. Saglit na natahimik ang doktor. Bumuntong-hininga ito, tila pinipili ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig. “Para maging matagumpay ang transplant, kinakailangan ng HLA-matched donor—ibig sabihin, ang donor ay kailangang may halos eksaktong genetic compatibility sa pasyente. Sa karamihan ng kaso, ang pinakamataas na posibilidad nito ay nagmumula sa isang biological sibling.” Napauwang ang labi ng mag-asawang abogado. “Rocky is our only child…” halos pabulong na saad ni Atty. Santos, tila nawawalan ng lakas ang kanyang katawan. Tumingin ang doktor sa batang nakahiga—mahina ang paghinga, ngunit kumakapit pa rin sa buhay. “Kung wala pong available na matched donor sa pamilya o sa registries,” dagdag nito, “maaari ninyong isaalang-alang ang pagkakaroon ng isa pang anak. May posibilidad na ang magiging kapatid niya ay maging fully HLA-compatible donor.” Parang huminto ang mundo sa loob ng silid. Ang bawat tunog—ang beep ng makina, ang paghinga ng bata—ang tanging naririnig sa silid. “Dok…” Nanginginig ang boses ni Mrs. Santos. “Ibig ninyong sabihin…?” Saglit na nag-atubili ang doktor bago muling nagsalita. “This may be your only viable therapeutic pathway to save her life.” Napatingin ang mag-asawa sa kanilang anak. Sa batang walang kamalay-malay na nakikipaglaban para mabuhay. MAKALIPAS ANG LIMANG TAON… “Mukhang tuloy-tuloy na po ang magandang kondisyon ni Raquel.” Bahagyang napangiti ang doktor habang tinitingnan ang chart sa kanyang kamay. Sa pagkakataong ito, hindi na kasingbigat ang kanyang tinig—hindi tulad ng limang taon na ang nakalipas. “Stable na ang kanyang blood counts, at wala na rin tayong nakikitang signs ng graft rejection. Ibig sabihin, successful ang naging hematopoietic stem cell transplant niya,” patuloy nito. Napahawak si Atty. Loren Santos sa dibdib, tila doon niya kinukulong ang emosyon na pilit umaapaw. “Dok… sigurado na po ba kayo?” Nangingilid ang luha ng tanong niya. Ngumiti ang doktor. “Sa ngayon, yes. Patuloy pa rin ang monitoring, pero malayo na po ang narating ni Raquel. Malaki ang naging tulong ng donor.” Saglit itong tumingin sa may pintuan—kung saan nakasilip ang isang batang babae na may mapupungay ngunit masiglang mga mata. Si Celeste. “Napakabihira po ng ganitong level ng compatibility,” dagdag ng doktor. “Halos perfect match ang kapatid niya. Kung wala siya…” Hindi nito tinuloy ang sasabihin. Ngunit sapat na iyon para maunawaan ni Loren ang nais nitong tukuyin. Napatingin siya sa bunsong anak. At sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, hindi lang obligasyon ang nakita niya rito—kundi isang himala. “Salamat, Dok…” mahina niyang sambit. After a while… “Rockyyyy!” masiglang sigaw ng limang taong gulang na si Celeste habang tumatakbo papunta sa nakatatandang kapatid na lumalabas ng clinic ng doktor. “Did it hurt?” sabi nito habang may lungkot ang mabibilog nitong mga mata. Napangiti si Rocky, na ngayon ay mas malusog na, kahit may bahid pa rin ng kahinaan sa kanyang katawan. Lumuhod siya upang magpantay sila ng kapatid. “Hindi na masyado,” sagot niya, sabay haplos sa buhok ni Celeste. “Ikaw, ano ang ginawa mo habang hinihintay mo ako?” Napanguso si Celeste, kunwari’y nagtatampo. “You took so long! I got really bored. I didn’t have anyone to play with…” “That’s okay, I’m here now! Sorry, it took so long—pero babawi si Ate, okay?” sagot ni Rocky. Biglang ngumiti si Celeste, tila ba iyon lang ang gusto niyang marinig. “I love you, Rockyy! You’re the best!” Napatawa si Rocky, saka siya niyakap nang mahigpit. “Ang kulit mo talaga…” Saglit na natahimik si Celeste, saka siya tumingala sa ate. “Ate…” “Hm?” “You’re not leaving me again, right?” Parang may kumurot sa puso ni Rocky. Mas hinigpitan niya ang yakap sa kapatid. “No, of course not!,” mahina ngunit sigurado niyang sagot. “Hindi na kita iiwan.” Inosenteng ngumiti si Celeste. “Promise?” “Promise.” Ipinagkrus pa niya ang mga daliri niya bilang tanda. Masayang napatawa si Celeste, saka siya yumakap muli. “When I’m older, I’ll take care of you forever!” Napangiti si Rocky—ngunit may lungkot na dumaan sa kanyang mga mata. Dahil alam niya ang katotohanan. Na sa simula pa lang—si Celeste ang itinadhana para magligtas sa kanya. Ngunit sa murang edad nito… Hindi iyon mahalaga. ****************************************************************************

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
726.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
962.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
348.9K
bc

Not just, the Beta

read
343.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook