Story By elliegim
author-avatar

elliegim

bc
PRICE OF REDEMPTION
Updated at Jun 15, 2026, 12:17
Kontento si Elen sa buhay niya bilang chef sa sarili niyang restoran. Halos perpekto na nga ang lahat—may maayos na buhay, may mapagmahal na mga magulang, at isang kasintahang si Daniel na laging nasa tabi niya. Sa paningin ng iba, nasa kanya na ang lahat. Ngunit nagbago ang lahat nang masangkot ang kanilang pamilya sa isang eskandalo. Inakusahan ang kanilang kumpanya ng pagdidispalko ng pondo at isa-isang nawala ang tiwala ng mga kasosyo at kaibigan. Sa loob lamang ng ilang araw, ang tahimik at masayang buhay ni Elen ay napalitan ng takot at kawalan ng katiyakan. Sa gitna ng kaguluhan, isang desperadong desisyon ang ginawa ng kanyang ama. Upang mailigtas ang kanilang pamilya, kailangan nila ang tulong ni Adrian Virelli—misteryosong bilyonaryo, head of Verrili Mafia, isang taong mapanganib. Kapalit ng tulong na ibibigay nito ay ang serbisyo ni Elen. Pumayag siyang maging personal servant ni Adrian—isang kasunduang puno ng kondisyon at hindi malinaw na hangganan. Alam niyang hindi iyon magiging madali, ngunit pinili niyang tanggapin para sa kapakanan ng kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang iwan si Daniel, kahit labag sa kanyang loob. Sa piling ni Adrian, mabilis niyang naramdaman ang bigat ng kanyang pinasok. Mahigpit ang lalaki, istrikto sa bawat detalye, at tila walang puwang para sa pagkakamali. Sinunod ni Elen ang bawat utos nito—hindi dahil gusto niya, kundi dahil wala siyang ibang pagpipilian. Hanggang sa isang araw, hindi na nito itinago ang katotohanan. “Do you really think I saved your parents?” malamig nitong tanong. Napatingin si Elen, litong-lito. “I didn’t do it out of kindness,” dugtong nito. “I did it because I had my own reasons… and you’re part of it.” Napaurong siya. Unti-unting pinapasok ng takot ang kanyang dibdib. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang hindi lamang siya bahagi ng isang kasunduan—kundi bahagi ng isang planong hindi niya lubos na nauunawaan. Hindi niya alam kung ano ang tunay na motibo ng lalaki. Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan. At higit sa lahat—hindi niya alam kung dapat ba niyang iligtas ang sarili niya… o manatili para sa kanyang pamilya. Sa gitna ng lahat ng ito, may isang bagay siyang mas lalong kinatatakutan—ang unti-unting paglapit ng damdamin niya sa lalaking malinaw na hindi niya dapat mahalin.
like
bc
CELESTE'S DIARY
Updated at Apr 28, 2026, 18:00
Si Celeste Santos, lihim na umibig sa maling lalaki, gumawa ng mapangahas na hakbang para lamang makuha ang lalaking iniibig — si Liam Rodrigo, ang kasintahan ng kanyang nakatatandang kapatid. “I never thought you’d stoop this low just to get what you want.” “Liam—” “I’ll marry you! But don’t expect me to love you the way I love Rocky. Hinding-hindi mo makukuha ang puso ko!” Nagsama bilang mag-asawa sa ilalim ng pilit na sitwasyon — ngunit hindi pagmamahal ang nakuha niyang sukli, kundi malamig na pakikitungo at pagkamuhi. Sa takot na tuluyang masuklam sa kanya ang asawa, umalis si Celeste bitbit ang lihim na hindi niya nais malaman nito. Handa na ba niyang talikuran ang lalaki para sa kaligayahan ng kapatid? Paano kung muling magkrus ang kanilang landas? Paano kung matuklasan ni Liam na ang babaeng nagligtas sa kanya noon ay ang babaeng kinamumuhian niya ngayon?
like
bc
Wrong Girl (Tagalog Story)
Updated at Apr 10, 2026, 22:02
Si Izza Rivera ay isang maganda at masigasig na guro sa preschool na may pangarap na pasukin ang mundo ng pagmomodelo. Ngunit nang magtiwala siya sa isang recruiter na nag-alok ng international na kasikatan, ang pangarap niya ay naging bangungot—ibinenta siya sa kamay ng isang malupit na sindikato. Nagising sya sa isang marangyang hotel room, kasama ang isang misteryosong bilyonaryo na si Alexus Garza—ang lalaking hindi sinasadyang nagligtas sa kanya mula sa kamay ng sindikato. Malamig, mapagmatyag, at naniniwalang bahagi siya ng ilegal na operasyon, sa ilalim ng mapanuring mata ni Alexus — Binigyan siya nito ng kasunduan na hindi niya kayang tanggihan! Ang kanyang kasikapatan kapalit ng kanyang pagpayag na maging pain sa kalaban. Driven by desire and ambition, pikit mata siyang pumayag. Kasunduang unti-unting nauuwi sa isang mas mapanganib na bagay: isang damdaming hindi nila kayang itanggi. Habang lumalantad ang mga lihim at bumabalik ang sakit ng nakaraan, kailangang labanan nina Izza at Alexus hindi lamang ang kanilang mga kaaway kundi pati na rin ang mga damdaming unti-unting nagtatali sa kanilang mga puso. Paano kung matuklasan ni Izza na ginagamit lang sya ni Alexus upang gamutin ang puso nitong sugatan dahil sa nakaraan. Sa mundong puno ng panlilinlang, may puwang pa ba sa tunay na pag-ibig?
like
bc
Love me Again (Tagalog Story)
Updated at Mar 31, 2026, 05:35
Genre: Romance–Drama Nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang asawang si Paulo Sebastian nang muling magbalik ang babaeng tunay nitong minahal. Walang paliwanag. Walang pagdadalawang-isip. Pero bakit kung kailan tapos na sa kanila ang lahat, saka naman ito nagpaparamdam. Bigla na lang sumusulpot sa mga lugar na hindi niya inaasahan. Tinatawagan. Sinusuyo. Binibigyan ng atensyong na dapat noon pa nito ginawa. Muli, unti-unting umasa ang puso ni Jenny. Muling nagmahal. Muling nagtiwala—buong puso. Ngunit paano kung isang araw, mabunyag ang katotohanan? Hindi pala puso ang dahilan ng muling paglapit nito—kundi isang lihim na may kinalaman sa negosyo nito. Paano muling babangon ang kanyang pusong nawasak sa pangalawang pagkakataon? Paano kung may inosenteng buhay na ang madadamay? Muli ba siyang magpaparaya o lalaban?
like
bc
Crazy In Love (Tagalog Story)
Updated at Feb 23, 2026, 05:18
Isang mukha ang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang alaala—isang gabing pilit niyang kinakalimutan ngunit hindi magawang takasan. Isang gabing malabo sa kanyang paningin dala ng kalasingan, ngunit malinaw sa pakiramdam. Ang bango ng buhok, ang init ng halik, at ang tinig na tumawag sa kanyang pangalan—“My Massimo.” Hindi niya alam ang pangalan ng babae. Hindi rin niya maaninag ng buo ang mukha nito. Ngunit sa bawat umagang gumigising siya, baon pa rin sa kanyang isipan ang malamig na haplos ng gabi ng kanilang pagsasama. Mula nang masaktan ng lubusan, isinara na niya ang puso sa sinuman. Natutong maging mapaglaro, mapagwalang-bahala—hanggang nangyari nga ang isang gabing nagpapagulo sa kanya ngayon. Isang aksidenteng nakabungguan nya ang hindi kilalang babae, ngunit suot nito ang isang pamilyar na singsing – Paanong ang singsing na minsang inihanda niya para sa babaeng tapat niyang minahal, ay ngayo’y suot ng isang estrangherang walang pakundangan sa pananamit, ngunit may mata na tila ba may dalang lihim? "Paano kung ang babaeng matagal mong hinanap… ay siyang uri ng babaeng kanyang inaayawan?"
like
bc
Billionaire Affair: Contracted Hearts
Updated at Jun 28, 2025, 08:00
Dr. Marcus Sullivan has mastered saving lives in the ER—but when it comes to his five-year-old daughter, Lila, he feels helpless. Especially when her school’s Family Day leaves her heartbroken and alone. Desperate to give her the sense of belonging she craves, Marcus makes an unthinkable decision: to hire someone to pretend to be Lila’s mom. Enter Lyca Morris—bright, unconventional, and harboring a painful past she’d rather keep hidden. What starts as a one-time charade turns into a tangled web of shared moments, laughter, and healing. As Lila clings to the woman who makes her world feel whole, Marcus finds himself falling for the woman he meant to keep at a distance. But pretend families have real consequences—and when secrets resurface and old flames ignite conflict, Marcus and Lyca must decide: can something that began as make-believe become the most real thing they've ever known?
like