bc

PRICE OF REDEMPTION

book_age18+
59
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
arrogant
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Kontento si Elen sa buhay niya bilang chef sa sarili niyang restoran. Halos perpekto na nga ang lahat—may maayos na buhay, may mapagmahal na mga magulang, at isang kasintahang si Daniel na laging nasa tabi niya. Sa paningin ng iba, nasa kanya na ang lahat.

Ngunit nagbago ang lahat nang masangkot ang kanilang pamilya sa isang eskandalo. Inakusahan ang kanilang kumpanya ng pagdidispalko ng pondo at isa-isang nawala ang tiwala ng mga kasosyo at kaibigan. Sa loob lamang ng ilang araw, ang tahimik at masayang buhay ni Elen ay napalitan ng takot at kawalan ng katiyakan.

Sa gitna ng kaguluhan, isang desperadong desisyon ang ginawa ng kanyang ama.

Upang mailigtas ang kanilang pamilya, kailangan nila ang tulong ni Adrian Virelli—misteryosong bilyonaryo, head of Verrili Mafia, isang taong mapanganib.

Kapalit ng tulong na ibibigay nito ay ang serbisyo ni Elen.

Pumayag siyang maging personal servant ni Adrian—isang kasunduang puno ng kondisyon at hindi malinaw na hangganan. Alam niyang hindi iyon magiging madali, ngunit pinili niyang tanggapin para sa kapakanan ng kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang iwan si Daniel, kahit labag sa kanyang loob.

Sa piling ni Adrian, mabilis niyang naramdaman ang bigat ng kanyang pinasok. Mahigpit ang lalaki, istrikto sa bawat detalye, at tila walang puwang para sa pagkakamali. Sinunod ni Elen ang bawat utos nito—hindi dahil gusto niya, kundi dahil wala siyang ibang pagpipilian.

Hanggang sa isang araw, hindi na nito itinago ang katotohanan.

“Do you really think I saved your parents?” malamig nitong tanong.

Napatingin si Elen, litong-lito.

“I didn’t do it out of kindness,” dugtong nito. “I did it because I had my own reasons… and you’re part of it.”

Napaurong siya. Unti-unting pinapasok ng takot ang kanyang dibdib.

Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang hindi lamang siya bahagi ng isang kasunduan—kundi bahagi ng isang planong hindi niya lubos na nauunawaan.

Hindi niya alam kung ano ang tunay na motibo ng lalaki.

Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan.

At higit sa lahat—hindi niya alam kung dapat ba niyang iligtas ang sarili niya… o manatili para sa kanyang pamilya.

Sa gitna ng lahat ng ito, may isang bagay siyang mas lalong kinatatakutan—ang unti-unting paglapit ng damdamin niya sa lalaking malinaw na hindi niya dapat mahalin.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
=ELEN’S POV= SUOT ko ang apron at hairnet—abala sa paghahanda ng mga pagkain na seared salmon na may beurre blanc sauce at inihalong asparagus, para sa king espesyal ng bisita ng gabing ‘yon—ang aking kasintahang si Daniel. Sa loob lamang ng isang taon, pinagsikapan kong itaguyod ang aking sariling restaurant na hiniling kong iregalo sa aking mga magulang noong araw ng aking graduation. Sa edad na bente-tres, kontento na ako sa kung ano ang meron ako; may negosyo, may pera, at may kasintahan na hindi lang gwapo kundi mabait at maunawain. “You’re really amazing, Love,” sabi ni Daniel habang inihahain ko ang appetizer. “No one else in the whole city can cook like this.” Humahanga pang dagdag nito. “Bolero!” Sabay mahina kong tawa. “Pero salamat na rin kahit na alam kong biased ang taste mo,” sabi ko, sabay ngiti. “Of course not. Love!” giit naman nito. “Oh siya sige na, enjoy your meal.” “Thanks, love..” Pagkatapos magpaalam sa kasintahan, agad akong dumiretso sa aking maliit na opisina. Sinalubong ako ng nanlalaking mata ni Lia—ang aking kaibigan na sous chef. “Elen!” may diin na tawag nito sakin. Napakunot ang aking noo sa hitsura nito na daig pa ang nakakita ng multo. “Bakit ba?” tanong ko dito. “Halika muna sa loob..” sabi nito sabay hila sa akin papasok sa maliit kong opisina. Kinuha nito ang kanyang cellphone bago niya ipinanood sa akin ang video. BALITA NGAYON Anchor: “Magandang gabi. Nahaharap ngayon sa kaso ang mag-asawang Manuel at Rosa De Vera, pangunahing stakeholders ng De Vera Enterprises, dahil sa alegasyon ng misappropriation of company funds. Ayon sa mga dokumento, may malalaking discrepancies sa financial records ng kumpanya na nagresulta sa pagkawala ng malaking halaga ng capital, na nakaturo sa mag-asawa. Ayon sa legal counsel ng De Vera family, labis na pinalalaki ang akusasyon at inaasahan nilang maipapakita ang tamang financial governance at transparency ng kumpanya. Patuloy ang BALITA NGAYON sa pag-uulat sa kaso at epekto nito sa merkado at mga stakeholders ng De Vera Enterprises. Ako si Loida, BALITA NGAYON.”  “Oh, my God!” Sabay takip sa aking bibig. “This can’t be happening!” Nanghihina ang tuhod ko nang napaupo. Sunod-sunod akong napailing. Hindi ako naniniwalang magagawa ‘yon ng aking mga magulang. “Relax ka lang okay,” alo sa akin ni Lia. “Kailangan kong makausap ang papa!” mabilis kong sambit bago tumayo at kinuha ang aking bag. Gulong-gulo ang aking isip. “Si-Sige, ingat ka!" Mabilis akong nakalabas sa back door ng restaurant at sumakay sa aking sasakyan. Nawala na sa isip ko si Daniel. ONE HOUR LATER.. “Good evening, Ma’am,” bati sa akin ng kasambahay pagpasok ko sa bahay. “Si Papa?” “Andun po sa study room niya kasama po si Ma’am Rosa,” “Salamat,” Malalaki ang hakbang kong tinungo ang study room ni Papa. Mahina muna akong kumatok bago ako nakarinig ng mahinang “Come in…” Marahan kong binuksan ang pinto, bumungad sa aking ang pagod na mukha ni Papa at nag-aalalang expression ni Mama. “Pa, Ma?” “Elen!” sambit ng kanyang ina bago yumakap sa akin. “What happened?” nag-aalala kong tanong. “Hindi namin alam, anak; naniniwala ka naman sa amin, ’di ba?” tanong sa akin ni Mama. “Of course!” Hinawakan ko ang kamay ni Mama at inalalayang umupo, pakiramdam ko pareho nanghihina ang aming tuhod. Napagawi ang tingin ko kay Papa na tahimik lang na nakaupo at malalim ang iniisip. Maya-maya pa ay narinig ko itong magsalita. “Elen,puwede ba kitang makausap?” Napansin ko ang nababahalang hitsura ni Papa, ang madalas na kalmado nitong awra ay napalitan ng kakaibang bigat. Pati ang pagtawag niya sa aking pangalan ay may kasamang pangamba. “Sure, Papa,” mahina kong sabi bago lumapit sa office table nito at umupo sa katapat nitong silya. Napansin kong tensyonado ito. “Elen…” nanginginig ang boses niya, “May paraan para malutas namin ang problemang ito, pero kailangan namin ng tulong mo,” Napakunot ang aking noo, pero hindi muna ako nagsalita. “Si Adrian Virelli…” mabilis niyang sabi na tila napapaso sa pangalang binanggit. Kilala niya ang pangalang ‘yon. Isa itong bilyonaryo, ruthless — at head ng Verilli Mafia, mapanganib na tao. “Anong kinalaman niya sa problemang kinakaharap ng kumpanya?” curious kong tanong. “Tumawag siya sa akin kanina…. Personal call.” Lalong lumalim ang kunot sa aking noo. “Personal call,” ulit ko sa aking isip. “Nag-offer siya sa akin ng tulong…” “Tulong? —Papa, hindi ang isang Adrian Verilli ang taong basta na lang mag-aalok ng tulong na walang kapalit; ang lahat sa taong ‘yon ay ‘business transaction,” mariin kong sabi. “I know! Pero siya lang ang ating pag-asa!” “Pero anong kapalit?” “Hindi niya sinabi, pero sinabi niya na ‘IKAW’ mismo ang gusto niyang makausap,” inabot niya sa akin ang isang calling card kung saan nakasulat ang contact number at office address ng lalaki. Masusing binasa ko ang nakasulat. “Gusto ka niyang makausap nang personal,” Mabilis na nag-angat ang aking tingin kay Papa. Nagtatanong ang aking mga mata. Personal! Ulit ko sa aking isip. Itutuloy…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook